CHAPTER 40
"WHAT WAS THAT?" Halos gusto ko na lamang lumubog sa ilalim ng tubig at tignan ang buto niya. Charot! Bastos ng isip ko, ngunit hindi iyon ang natakbo sa isip ko ngayon. Halos nanigas ang mga tuhod ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang kaniyang mga mata ay parang nagulat sa bigla, dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kung noon ay ako itong habol nang habol sa kaniya bakit ngayon ay siya na ang lumapit sa akin?
"Sit," Napalunok na lamang ako nang sabihin niya sa aking umupo ako, ngunit mayroon pa rin sa dibdib ko ang kaba at pagkapahiya sa aking nagawa. Sino ba naman kasing tanga ang tatayo bigla na alam naman niyang walang salawal? "Sit." Dahil ang tono niya ay pa-iba na kaya't madali ako kung umupo muli sa bathtub. Ang upo kong animo'y yakap-yakap ang aking mga tuhod. Walang nagsalita ng kahit ano, dahil parang nakikiramdam din ito sa aking pagkapahiya.
"Ano? Nahihiya ka sa kagagawan mo?" Hindi ko akalaing itatanong niya iyon na agad naman akong napatingin sa kaniyang direksyon na kung saan ay katapat ko lamang, habang ang kaniyang mga ngiti ay hindi mawala sa kaniyang mga labi. Yawa ka! Kahit gusto ko man sabihin iyon ay hindi ko magawa. Alam kong inaalaska lamang ako nit,o ngunit hindi ko akalaing mas pikunin pa pala ako kaysa sa kaniya.
"Ano bang klaseng bulbol 'yan? Forest? D'yan ata napunta 'yong mga nawalang puno sa Amazon." Pinilit kong labanan ang mga tingin niya kahit alam niyang naiinis na ako sa mga sinasabi niya. Mukha bang puno 'tong bulbol ko! "Anong dinosaur 'yan?" Iyon ang tanong hindi ko naintindihan, dahil hindi naman ako nahilig sa kahit anong palabas na may dinosaur. "Kakaibang dinosaur 'yan, ah! Bulbolsour ba ang tawag d'yan?" Halos hindi ko mapigilan ang sarili ko nang matik akong napasigaw, dahil sa kaniyang mga pinagsasabi.
"Ano ba?!" Hindi ko talaga mapigilang isigaw iyon sa kaniya, dahil, oo hindi ako nakakapag-ahit, Okay? Dahil wala akong time at bakit ko aahitin ang bulbol ko! Wala namang ganap! "Oh? Ba't ka naasar? Hindi ba't dapat ako 'yung naasar? Dahil ikaw 'tong inubos ang pinakamamahalin kong body wash?" Kahit alam kong kasalanan ko iyon ay hindi pa rin sapat na ganitohin mo ako! Yawa ka! Pasalamat ka mahal kita! "Umalis ka na nga!" Kahit kaniyang bahay ito at kaniya namang kwarto't kubeta ito ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mayroon pa lang tao na pag-ikaw ang inaalaska ay pikon samantalang kapag ikaw naman ang nang-aalaska ay natutuwa ka. "Ikaw pa lang ang unang babaeng sinigawan ako ng ganiyan." Ang kan'yang tinig na parang ipinaparating sa akin kung sino siya sa bahay na ito. Kung sino ang lalaking kaharap ko ngayon.
May pinapahiwatig ang tono niya kung paano niya sabihin sa akin ang mga katagang iyon. Alam ko kung sino ka, Love.
"Huwag mo kasi ako asarin." Oo na natakot ako sa tono ng pananalita niya kaya't lumambot ang boses ko nang sabihin ko iyon sa kaniya. Sino ba namang hindi matatakot kung parang pinariringgan ka na parang gusto niya ako lunurin dito sa bathtub, di'ba. Oh, see? Walang nakaisip ng ganiyo'n kun'di ako lamang.
"Inaasar ba kita? Sinasabi ko lang ang totoo." Hindi ko alam kung ano ba ang sinasabi niyang totoo roon? Ang mukhang dinosaur ang bulbol ko? Pumalit bilang Amazon ang bulbol ko, dahil malago? "So, sinasabi mong dinosaur 'tong bulbok ko? At mukhang Amazon?" Kung kanina ay natatakot ako ay ngayon ay hindi na, dahil sa kaniyang mga pinagsasabi. Mukhang pikunin nga akong tao.
"Bakit? Ano ba tingin mo sa bulbol mo na parang steel wool," Halos nanlaki lalo ang aking mga mata nang sabihin niyang mukhang steel wool naman ngayon ang bulbol ko! Mukha bang pangkaskas ng may tutong na kanin ang bulbol ko!
"Tumahimik ka na, ah! Pag-iyang bulbol mo parang afro, tatawanan kita ng malala!" Kahit hindi naalintana ang kung ano ang pwesto namin ngayon ay hindi ko mapigilang pigilan ang aking pagtawa nang isipin kong mukhang Afro ang bulbols niya. Ang totoo ay natawa talaga ako nang isipin ko iyon at hindi ko na napansin ang kung anong mayroon sa aming dalawa na animo'y parehas kaming walang damit at tanging mga bula lamang ang nagsisilbing takip sa aming katawan.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AcciónHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...