Chapter 24

1.6K 64 9
                                    

CHAPTER 24

Alam ko ang kuta niyo at hindi ko hahayaan na hindi magantihan ang mahal ko. Tri-triplihin ko ang ginawa niyo sa kanya. Galit lamang ang nasa dibdib ko papunta sa kung saan una nila akong dinala nu'ng na-kidnap nila ako,, dahil sa pinagkamahalan nila akong nobya ni Hell.

Ngunit nagpapasalamat ako at ginawa nila iyon,, dahil nakilala ko rin sila at tapusin ang sinimulan nila.

Ngayon ko lamang na pagtanto na ang grupong ito ang lalaking kumakanti sa KAZU,, ngunit heto ngayon ang leader ng Kazu nakahiga sa kama ng ospital.

Galit akong lumabas ng ospital at sinimulang maglakad.

Ang lugar na iyon ay sa likod lamang ng village nila Nellisa, kahit medyo may kalayuan iyon ay kabisado ko pa rin ang daan.

Hindi nila ako matatakasan, kahit saan pa sila magtago ay hahanapin ko sila at pagbabayaran nila iyon. Sumakay kaagad ako ng taxi patungo sa village nila Nellisa.

Kita ko sa bintana ang pagdilim ng palagid. Mawawala na ang araw at dilim naman ang papalit.

'Kasim'

Pag-aalala ko sa kan'yang pangalan. Ang lalaking iyon. Ang lalaking iyon ang ihuhuli ko at kung ano'ng ginawa nila kay Hell ay iyon ang ipaparanasan ko sa kanila. Mas brubrutalan ko ang kanya. Hindi ko kilala ang sarili ko pero may tiwala ako sa sarili kong kaya kong pumatay pag ginusto ko.

Halos dama ko ang galit na pumapaikot sa dibdib ko.

Iniyukom ko ang aking mga kamay sa sobrang inis ng aking nararamdaman, Pasensiya na kuya ko, kung ikaw ay nagpapakahirap para sa kumpanya at ako naman itong gagawa ng sala.

Pasensiya na kuya kung gagawin ko ito para kay Hell. Pasensiya na.

"Andirito na po tayo, Ma'am." Napatingin na lamang ako sa driver nang sabihin niya iyon sa akin at saka tinignan muli ang bintana.

Naandito na nga kami.

"Ito ho ang bayad." Pag-aabot ko sa kanya at saka tuluyang bumuba.

Inantay ko munang umalis ang taxi na iyon bago ko tignan ang isang butas mula sa pader na kung saan ay doon ako lumabas nu'ng araw na kidnap-in nila ako.

Tinignan ko ang palagid. May kaunting liwanag pa ang langit, ngunit hindi sapat iyon para makita ang nasa likod ng pader na ito, dahil sa naglalakihan na dahon. Ipinikit ko ang aking mga mata at doon inisip ang mukha ni Hell.

"Pasensiyahan tayo," 'Yun na lamang ang sinabi ko ng agad akong pumunta sa butas na iyon.

Nasa harap ako ngayon ng pintong gawa sa yero. Iniwan ko ang gamit ko sa gilid at inayos ang suot ko. Nakapalda ako, dahil sa uniform namin.

Agad kong inayos ang tali ng buhok ko at inikot ang ulo ko saka ko inikot ang magkabilaan kong balikat. Agad kong inayos muli ang aking sapatos na pamasok at saka muling tumayo.

Ngunit doon ko na lamang naramdaman na parang may nakatitig sa akin kaya naalerto ako. Hindi ko na iyon pinansin, dahil sa kailangan ko kaagad bilisan ang kilos ko bago pa 'ko maunahan ng mga ito.

Lumayo ako bahagya saka kumuha ng bwelo at malakas na sinipa ang pinto na gawa sa yero.

Agad natanggal ang isang yero at ang isa naman ay nakapit pa rin.

"B-boss!" rinig kong sabi ng isang lalaki na ngayon ay nakatingin sa gawi ko. Iilan lamang sila, dahil panigurado ako ang iba ay bali-bali pa ang buto. Halos iilan lang ang mga ito at mukhang malalakas pa. Pang pito ang lalaking nakaupo lamang sa isang tabi at umiinom ng isang alak.

Agad itong ngumisi at mukhang inaasahan ang pagdating ko.

"Sabi ko naman sa inyo ay darating ang isang 'to," Natatawang sabi nito. Naglakad ako papasok sa loob at doon sila lamang nagkuhaan ng gamit upang ipang laban sa akin.

"Boss, babae ang isang 'to," Sabi ng isa na may hawak ng pala. Nag-level up na kayo? Pala na? Ang iba naman ay kahoy at batuta.

"Hindi 'yan babae," Sagot nito at ngumiti sa akin ng nangaasar. "Hayaan mo kong magpakilala bago niyo makita si Santanas," Walang buhay na sabi ko, ngunit ang tingin ko ay na kay Kasim lamang na parang handang-handa ito na makita ako.

"Ako nga pala si Levin Santiago," Taas tingin kong sabi ko, ngunit nasa kanya pa rin ang tingin ko, ngumisi itong nakatitig sa akin. "Ang pangalan mo ay Stacy, 'di ba?" Tanong nito sa akin at saka niya tinungga ang alak na hawak nito.

"Ang pangalan na iyon ay para lamang sa mga kaibigan ko, ngunit ang pangalawang pangalan ko ay ang huling pangalang maririnig niyo sa huling paghinga niyo," sambit ko at saka sinugod ang malapit sa akin.

May hawak itong kahoy na agad inihampas sa akin, dahil sa gulat nitong pagsugod ko sa kanya.

Halata ang gulat nito kaya naman ay kahit ang hampas niyang tumama sa braso ko, dahil isinanga ko iyon ay hindi man lang ako nakaramdam ng sakit.

"'Yan ba 'yon?" tanong ko sa kanya na mas lalong kinalaki ng mata niya. Naramdaman kong may paparating pang pasugod sa akin kaya naman ay agad kong tinuhod ang ibabang parte nito na ngayon siyang napayuko, dahil sa pwersang pagpagtuhod ko dito.

Pasugod sa likod ko ang isang lalaki na ngayon ay hahampasin ako ng batuta, ngunit bago pa man niya iyon nagawa ay agad kong sinipa ang t'yan nito na sa kadahilanan upang mapaurong ito at matumba.

Agad kong sinuntok ang bunbunan ng lalaking binayagan ko, dahil nakayuko lamang ito.

Kita ko ang pagbagsak nito, ngunit hindi pa doon natatapos ang gagawin ko sa 'yo. Kinuha ko ang kahoy na nabitawan nito at mabilis iyong inihampas sa dibdib nito.

Dumura ito ng dugo, dahil malakas talaga ang pagkakahampas ko sa kanya ng kahoy na ito. Napangiti na lamang ako nang maramdaman kong papalapit na sa akin ang isa pang susugod sa akin.

Mabilis akong lumingon mula sa gawi niya at saka ito binigyan ng ngisi.

Humarap ako ng mabilis at saka tumakbo papunta sa gawi niya at bahagyang nag-slide nang nakaluhod at sakto ko iyong hinampas ang hita nito. Mabilis itong bumagsak kaya naman ay agad akong tumayo at hahamapsin pa sana ito ng kahoy nang sa hindi ko inaasahang matamaan ako ng metal sa aking likod.

Napaurong ako nang maramdaman ko ang sakit ng isang iyon. Naramdaman ko ang dugong lumabas sa aking bibig. Nalasahan ko ang mga iyon.

Akmang hahampasin pa na sana niya ako ng mabilis akong nakaharap sa kanya at doon ko idinura sa kan'yang mukha ang dugong may kasamang laway ko.

Agad kong sinuntok ang t'yan nito ng gano'n kalakas na kung saan ay agad nitong nabitawan ang butata nito.

"Mahusay ka at napadura mo 'ko ng dugo," Sabi ko, ngunit sinabunutan ko ito at saka sinuntok muli ang t'yan nito at hindi ako natutuwa nang makitang nakamulat pa rin ito.

"Hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikitang sumusuka ka ng dugo," Sunod ko at malakas na sinuntok ang dibdib nito at binitawan ang buhok nito. "Babalikan kita," at muling haharapin ang iba pa, ngunit gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang nakahandusay na ang iba rito.

Maging si Kasim ay nasa lapag.

Saglit pa ay naramdaman ko ang isang tao mula sa dilim mula sa gilid na kung saan ay madilim.

"Sino ka?" Tanong ko at saka kinuha ang batutang nasa lapag.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko n'yan. Sino ka ba talaga?" Ang boses na iyon... Nanigas na lamang ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses na iyon.

Unti-unti siyang lumabas mula sa dilim at unti-unti ring nakita ang mukha nito.

"Y-yi..." 

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon