CHAPTER 12
"Sigurado ka bang aalis na 'ko sa yakap?" Tanong sa akin ni Nellisa habang nakayakap pa rin ito sa 'kin.
"Oo, ako na bahala. 'Di naman nila mahahawakan 'yan kahit makita nila, e." Sabi ko dito saka inalis ang pagkakayakap nito sa 'kin at hinarap ang mukha niya sa 'kin at binig'yan ng ngiti, dahil halata pa rin sa mukha nito ang pag-aalala ...
"'Wag ka nang mag-alala," Sabi ko pang muli at kita ko ang pagkawala niya ng hangin sa kan'yang bibig. Natawa ako nang makita kong nakanguso na ito.
Tinggal ko sa pagkaka-tack 'in ng aking uniporme at pinasok ang aking kamay saka ko sinandal ang aking kamay sa aking loob ng uniporme. Para hindi makita ang bakat na bra ko.
Umalis ako ng cafeteria at dumiretso sa locker upang kunin ang pang p.e ko. Nasa unang palapag i'yon ng aming building kaya naman ay bumaba ako ng parang basang sisiw, dama ko ang lagkit sa aking dibdib.
"Lumayo kay Hell mo pwet ko...." Mahinang bulong ko at dumiretso sa aking locker. Pagbukas ko ay kinuha ko na agad ang aking p.e ngunit pagtingin ko sa aking pang itaas ay butas butas na ito.
Napapikit na lamang ako, dahil sa sobrang inis. Sinarado ko ang locke at agad kong nakita ang babaeng nakasandal sa gilid hawak ang gunting na kan'yang iginalaw na animo'y kala mo may ginugupit.
Ngumiti pa ito sa 'kin at ibinuka ang kan'yang bibig ay namangha sa kan'yang ginawa. Iniisip ko ay nasisiraan na ito ng bait.
"Trash..." Pagsasabi nito sa 'kin saka ako dinaanan at binangga nanaman nito sa 'kin ang kan'yang braso. Napalunok ako bahagya at pumikit, dahil sa sobrang inis. Pag dilat ko ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha at may kaakbay ito na babae.
Tinignan ako nito at nanlaki ang kani''yang mata ng titigan ko lang rin siya.
"Oh! Girl friend ni Hell! A-ano nangyari sa 'yo?" Napapikit na lamang ako at hindi na ito pinansin at nagsimulang maglakad paakyat ng room namin.
Rinig kong nagsalita pa ito ngunit bad mood na talaga ako kaya wala ako sa kundis'yon kausapin ang sino mang myembro ng KAZU. Ang kumausap sa 'kin ay si Roku ang pang inim sa KAZU. Ang pinaka playboy sa kanila.
Medyo natutuyo na ang aking damit mula sa basa ng juice, ngunit nandon pa rin ang mantya.
"Stacy, akala ko ba ay magpapalit ka ng p.e?" Takang tanong sa 'kin ni Decerly at saka ako nito tinignan nagtatakang tingin. "Ginupit ng babaeng 'yon ang p.e ko." kita ko ang pagyukom ng kamao ni Nellisa. "Kanina pa nagtitimpi 'to," Dagdag ni Decerly at nginuso ang kan'yang katabi na si Nellisa na halatang badtrip na badtrip.
"Bakit mo kasi hinahayaan na gano'n gano'nin ka?" Tanong sa 'kin ni Decerly. "Dahil masama kung papatulan ko ang isang 'yon," sagot ko saka niya ko tinignan na parang nagtataka nanaman.
"Ano'ng masama? Stacy, tignan mo ang ginagawa niya sa 'yo? Iniisip niyang mahina ka." Pagpapaliwanag nito sa 'kin saka niya ko hinawakan sa braso. "Stacy, nag-aalala kami sa 'yo," Si Decerly, ngunit nasira ang pagda-drama niya ng pumasok na ang guro namin.
Agad akong bumalik sa silya ko at saka nakinig.
Ilang oras ang nakalipas ay uwian na kaya naman ay pinuntahan ako ni Nellisa at Decerly sa upuan ko at saka kinausap. "Gusto niyong pumunta sa bahay?" yaya ni Nellisa na agad namang nanlaki ang mata namin ni Decerly.
Parang nakakalimutan nito ang nangyari kamakailan lang, ah! Halos 'di ako makatulog sa kaba ko ng gawin ko iyon kay Yi.
OO NGA PALA!
"You will pay for this," Tiim nitong sabi sa 'kin, galit na galit ang kan'yang mga mata habang sinasabi iyon.
Napapikit na lamang ako ng isipin iyon, mukhang hindi siya nagbibiro.
"Ano kasi, Nellisa... 'di ba si ano 'yung pinsan mo." si Decerly na ngayon ay kumakamot sa kan'yang ulo at nakangiti ng halatang pilit na pilit. Umawang naman ang bibig ni Nellisa na parang naalala niya na ang nangyari nito lamang, makakalimutin ba itong si Nellisa?
"Ay! Oo nga pala!" saka ngumiti at nag-peace sa aming dalawa. Lagi niya iyong ginawa, feeling ko ay gawain niya talaga iyong gano'n.
"Kung gano'n ay sa susunod na lang." Dagdag niya at laking gulat namin ni Decerly nang titigan namin siya, hindi ba siya nadadala?
"Ah! Ano sa ngayon.... uwi muna tayo." agad kong hinawakan ang kan'yang braso at tumungo tungo. "Oo! Tama! Uwi muna tayo!" sang-ayon ko habang natungo-tungo at tumingin kay Nellisa na mukhang nalungkot.
Alam naman nating nag-iisa lang siya sa bahay, gano'n siguro kahirap ang pamumuhay niya kahit marangya ang buhay nila.
Iba talaga siguro kapag may kapatid may makakausap ka at masasabihan ng problema mo kung magkaroon ka man.
"Gano'n ba?" Ngusong nito. Nagpaalam na 'ko agad sa kanila at sinumulang tumakbo upang puntahan ang building KAZU. Syempre jusko naman lagi ko na lang ba iyong sasabihin? Syempre para makita si Hell!
Pagdating ko roon ay wala ng nag-aantay, tinignan ko ang orasan ko nang makitang kanina pa nga sila nakauwi.
Pumunta ako sa pwesto ko sa may pader at saka sumandal.
"Hayss.... love.... palagay ko ay ang lungkot mo ngayon, dahil 'di mo 'ko nakita," sabi ko habang nakapikit. Napadilat na lamang ako ng maramdaman kong may dumaan sa harap ko ngunit pagdilat ko ay wala namang tao.
Napatingin ako sa kaliwat-kanan ko ngunit wala namang tao.
"Ano ba?!" Rinig kong tinig kaya naman nawala ang pagsandal ko sa pader at unti-unting humakbang papunta dulo ng building na ito. Napalunok ako ng wala na 'kong marinig na tinig nang makalapit ako sa pinanggalingan ng sigaw na iyon.
Sumilip ako sa classroom sa dulo ng building nito ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa loob.
"Please, Yi! Kalimutan mo na 'ko."
Ang babaeng iyon... Siya ang naggupit ng p.e uniform ko! Ang naghampas ng tray sa 'kin at bumuhos ng juice sa dibdib ko...
Kalimutan?
Si Yi!?
"How could I fucking forget you, Vie? How?!" Sigaw ni Yi. Nakasandal si Mavie sa whiteboard at nakaharang naman ang mga kamay ni Yi sa magkabilang side ni Mavie. "Please, Yi. Si Hell ang mahal ko... " Nanlaki ang mata ko ng sabihin iyon ni Mavie.
"Yi, Alam mo naman 'yon, 'di ba?" Iyak na sabi ni Mavie kay Yi na ngayon ay inangat ang ulo para hindi tumulo ang kan'yang mga luha. Ngayon ko lang nakita si Yi na gano'n. Kaya ba lagi s'yang miserable? Ngayon ay unti-unti ko na s'yang naiintindihan kung bakita gano'n ang ugali niya.
Masyado na ba akong tsismosa? Napapikit ako ng isipin kong para akong nasa pelikula at ako 'yung tsismosa.
Mali ang aking ginagawa dapat ay hindi ako nakikinig sa ganitong eksena napaka-intense...
Pag-atras ko ay tumama ako sa isang matigas na bagay. Pag lingon ko ay...
"L-love..." Mahinang bigkas ko... Ngunit ang paningin niya lamang ay naka diretso sa may salamin. Sinundan ko ang tingin niya at doon ko nalaman ang kan'yang tinitignan ay sina Yi at Mavie...
Gulat ko na lamang nang makita ako ni Mavie kaya naman ay tinulak nito si Yi. Gano'n na lamang ang gulat at kaba ko lalo nang lumingon din sa gawi namin si Yi...
Halos 'di ko alam kung saan ako pupunta kaya naman ang ginawa ko ay hinila ko Hell.
"'Wag mo nga ko hawaka-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang g sinandal ko ito sa pader upang hindi kami makita nila Yi. Tinakpan ko ang bibig nito ng kamay ko ngunit hindi nandoon ang atensiyon ko, dahil hinahanap ko sina Yi at kaya kami nandito upang magtago.
Gano'n na lang ang gulat ko nang hawakan nito ang kamay kong nakatakip sa bunganga niya at saka niya ko isinandal sa pader.
Nagkapalit kami ngayon ng kinatatayuan.
Napatingin ako sa kanya sa sobrang gulat at bilis ng ginawa niya. Tinignan ko ang kan'yang mga mata at napalunok nangg nakatingin din ito sa 'kin. Unti- unting bumaba ang tingin ko hanggang mapunta ang tingin ko sa mga labi niya.
Napaka pula. Napalunok ako ng titigan ko iyon...
"Hel-" Napatingin kami sa gilid nang makita si Mavie na hawak-hawak niya ang kan'yang bunganga sa sobrang gulat na makita niya kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/52580065-288-k37021.jpg)
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AcciónHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...