CHAPTER 45
"BILIS NAMAN!" inis na utos nito sa akin habang pababa kami ngayon mula sa itaas. Hawak-hawak nito ang kaniyang mga gamit at iba pa. Ganon din ang gamit ko na kaunti simula nung kinuha niya ko.
"Terre!" sigaw niya ng makababa kami at agad-agad namang lumabas ang isang may katandaan na nakasuot ng scrub suit. Terre? Bakit ganito niya tawagin ang mas matanda sa kaniya?
"Hoy! Ikaw umaayos-ayos ka ng pagtawag kay alingTerre! Hindi kayo magka-edad ha!" masama akong tinignan nito ng batukan ito bago ko sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon. Hawak-hawak niya ang kanyang batok habang nakatingin sa akin at sa kaniyang ginawa.
"Pasensiya na po aling Terre," paghihingi ko ng pasensiya ka sakanya ngunit nakasimangot lang lalo iyon. Parang hindi siya sa sang-ayon sa mga sinabi ko at sa ginawa ko.
"Mas okay pang tawagin akong Terre kaysa sa aling terre," natikom ko ang aking bibig at maraing napatingin kay Hell na ngayong hindi mapigilan ang ngiti sa sa akin. Oo may nangyari samin kanina bago kami bumaba, hindi ko alam kung closure ba ang tawag don? Charot! Closure naman!
"Terre, sabihin mo kay Mommy na umalis na 'ko." mabilis na tumungo si aling Terre na parang nagbigay galang o parang sumunod sa kaniyang sinabi?
"Masusunod..." halos nanlaki ang aking mga mata. Masyadong pormal ngunit parang si Hell ang pinakahari sa bahay na ito.
"Hindi ka ba magpapaalam sa Mama mo?" tanong ko rito habang patungo kami ngayon sa labas ng kanilang mansyon. Hindi man lang ba siya magpapaalam sa mama niya iyon na yon?
"Ano ba satingin mo ginawa ko? Hindi ba't sinabi ko na sabihin niya kay Mommy na aalis na tayo?" Iyon na ang paalam niya? Ang lakas naman ng lalaking ito at ang laki din ng tiwala ng kaniyang magulang sa kaniya dahil sapat na ang paalam niya na ganyon lang.
Kung sa kuya ko ay hindi naman sapat ang ganiyong paalam at baka masampulan ako ng bunganga niya pag-ginawa ko yon.
"San naman tayo ngayon?" tanong ko muli habang palabas kami ngayon sa kanilang mansyon. Mabilis na humarap samin ang kotshe nitong ginamit namin noong pumunta kami rito.
"Doon tayo sa condo ko..." halos umarko ang aking kilay nang sabihin niya iyon. Talaga bang seryoso siyang dadalhin niya ako doon? Nakapunta na kaya doon si Mavie? 'Yon lamang ang tumatakbo sa isipan ko kahit ang alam ko naman ay ako pa lamang ang una sa kaniya.
"Bakit naman doon tayo? Kinabukasan ay linggo na, maglu-lunes na! May pasok pa tayo!" manginig-nginig ang boses ko habang sinasabi ko iyon dahil kahit ilang araw ay maaring umuwi na si Nellisa at malalagot ako nito sa kuya ko.
"Uuwi na ako ng bukas..." iyon na lamang ang sinagot ko saka pumasok sa kaniyang sasakyan at doon naman siya umikot patungo sa manubela.
Kagat-kagat ko ang aking labi na baka galit na galit na ngayon si Yi sa kanilang bahay lalo't sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nakapagpaalam sa kaniya at kay manang kung saan ako tutuloy.
"Fine..." mabilis na sagot nito na halatang wala sa mood at walang balak akong iuwi sa bahay nina Yi. Ngunit ganon na lamang ang pag-tibok ng puso ko nang maalala ko muli ang ginawa namin nitong gabi lang. Pagtatagpo ng puso naming sabik sa pagmamahal.
Ginawa na nga namin ang bagay na iyon at sana siya nga ang una't huli ko.
Mabilis niya itong pinaandar na halos maurong ako mula sa kinauupuan ko. Ganito ba siya pag-inis? Hindi ba halata? Para namang hindi mo pa siya kilala! Napaikot na lamang ang aking mata at sinimulang tumingin sa labas ng kanyang sasakyan.
"Who is more handsome between me and that fucking Yi? Huh?" magulantang na lamang ako sa kaniyang itananong sa akin. Ito ba ang dahilan kung bakit siya ganiyan? Nagseselos ba siya kay Yi?
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AçãoHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...