CHAPTER 15
Hawak-hawak pa rin nito ang aking kamay at pilit itinatago sa kan'yang likod. Mas pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay ng may limang lalaki ang paparating sa gawi namin.
"Stay here," Mabilis na sinabi ni Hell saka nito sinungaban ng suntok ang isang lalaki. Ang tatlo ay may hawak na batuta kaya hindi ko alam kung paano ako tutulong, dahil hindi ko rin alam saan ko sisimulan.
Bakit kung kailan kailangan ko ang lakas na iyon ay hindi ko iyon mahagilap sa katawan ko. Bakit hindi ko malabas? Nanlalaki ang mga mata kong panooring kahit tamaan si Hell ng batuta sa kan'yang likod ay hindi niya pa rin ito inaalintana ang sakit.
Naagaw nito ang isang babutang hawak ng isa sa kan'yang mga nakasagupa kaya naman gano'n niya kabilis mapatumba ang tatlo. Halos ang paghampas lamang niya ay tumatama sa kamay at paa hindi niya ipinatatama ang mga ito sa ulo, leeg at likod.
Ako ang nakaramdam ng sakit ng tamaan muli siya sa likod. Tumulo ang mga luha ko nang makitang dumura ito ng dugo.
Hind...
Pumilit itong tumayo at doon ko nakita ang kan'yang mga matang hindi katulad kanina.
"I'm not giving mercy," Diin na sabi nito at bahagyang inikot ang ulo nito. Dinig ko ang tunog mula sa pagkaikot nito ng kan'yang ulo. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak ng kanyang batuta at agad sinalubong ang dalawa pa. Pasugod ang isa ngunit agad itong sinipa ni Hell sa t'yan kaya naman ay napaluhod ito. Ang isa naman ay bago pa makalapit kay Hell ay ihinagis ni Hell ang batutang hawak nito sa isa.
Nang matamaan ito ay agad niya itong pinagsusuntok sa mukha. Halos dumura na ng dugo ang lalaking iyon.
Kinuha ni Hell ang batuta saka niya ito muli hinawakan ng madiin.
"Mahusay ka talaga, Hell!" Dagdag ng lalaking pinuno na ngayon ay pumapalakpak. "Ngunit nakakapagtaka naman ang Binibining nasa likod mo." Nanlaki ang mga mata ko ng itukoy niya ako. Napaurong akong muli at napatingin ako sa ibaba ng maapakan ko ang gulong ng aking bisikleta.
Kita ko ang paglingon ni Hell sa gawi ko, kahit ang mga mata niya ay nababalutan ng pagaalala.
"Hindi ba't malakas ka?" Dinig kong tanong muli ng lalaki sa akin, saka ito ngumiti at sinilip ang pwesto ko. Napalunok na lamang ako nang makita ko iyon. Bakit ngayon pa ako nakapitan ng takot at kaba? Bakit hindi ko mailabas ang lakas ko?
Bakit takot ang nararamdaman ko?
"What do you want?" kalmadong tanong ni Hell. Napalunok akong muli ng isipin kong madami sila at dalawa lang kami. I mean isa lang siya, dahil wala naman akong maitutulong. Asan naba ang mga ka myembro niya?
Kita ko ang pag-ilaw sa bulsa ni Hell mula sa kan'yang pantalon. Kukuhain na sana niya iyon ng bigla siyang sinugod ng lima pang lalaki, tulad nang sinabi ko sa inyo ay marami nga sila.
Parang nasa bente sila bukod sa lalaking ito na ngayon ay nakatayo lamang.
Nakangiti itong nanonood ng bakbakan.
Hinampas agad ni Hell ang unang lalaking pumalapit sa kanya. Ngunit ang atensyon ko ay naandon pa rin sa ilaw mula sa kan'yang bulsa. Hindi kaya isa sa mga KAZU iyon? Sila na lang ang mahihingian ko ng tulong! Para mailigtas dito si Hell.
Tumakbo ako bahagya at saka niyakap ang bewang na kinagulat niya.
"Fuck! Get off me!" Sigaw ni Hell kaya naman ay mabilis kong kinapa kung saang bulsa iyon mula sa likod niya, ngunit bigla itong tumagilid upang ilagan ang papalapit na pahampas sa kanya.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AçãoHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...