Prologue

812 42 5
                                    

KANINA pa nakaupo si Aria sa couch ng opisinang naging pamilyar na sa kanya gawa nang makailang ulit niyang pagbisita. Nakasandal siya at nakapatong ang kanyang hita sa isa pa. Nakayuko siya habang tiningnan ang hinahaplos na baril.

Nasa harap niya ang isang matandang lalaki. Nakagapos ang mga kamay at paa nito sa upuan at may busal ang bibig. Umaagos ang magkahalong dugo at pawis sa mukha nito habang pinipilit sumigaw at humingi ng tulong. But he built his office sound proof which only worked to her advantage.

Nag-angat siya ng tingin at bahagyang napangisi. "Do you know the only thing that God won't dare to interfere, Senator Rama?"

"Hmm... Hmmm." Halos wala na itong lakas sa kakapiksi sa pag-asang may milagro at makawala ito sa pagkakagapos.

She leaned over to him. Napataas ang kilay niya at pinilig ang ulo. "May sasabihin ka?" tanong niya at nagkibit-balikat. "Pwede naman siguro nating tanggalin ang telang nasa bibig mo." Tiningnan niya ang baril at unti-unting itinutok iyon sa direksyon ng kaliwang pisngi ni Senator Rama.

Nanlalaki ang mga mata nito pagkatapos ay napaiyak na. Sunod-sunod ang iling nito.

"Don't move if you don't want to die yet," saad niya. "The graze will hurt a little bit," she warned and then pulled the trigger. The shot was muffled because of the silencer.

Naputol ang tela. Napakislot siya sa malakas na sigaw ng senador at napailing nang maaninag na dumugo ang dinaanan ng bala. Tumayo siya at lumapit nang ilang hakbang dito.

"Back to my question, Senator! Do you know what is it?" sabi niya.

"Parang awa mo na, hija! Spare my life... Please!" Yumuko ito at humagulgol.

Napabuntong-hininga siya. She placed the barrel of her gun on his chin. Inangat niya nang unti-unti ang mukha nito. "The answer is time."

Nararamdaman niya ang pagnginig ng katawan nito dahil sa kaba at takot. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanyang mga mata.

"When Adam and Eve ate the forbidden fruit, He should have turned back the time again and again to prevent it from happening. But He did not... or shall I say He couldn't?" wika niya. Unti-unti siyang ngumiti hanggang sa naging tawa.

"Hija, p-parang awa mo na! W-Wala akong naging kasalanan sa iyo," sambit nito.

She scratch her head using her gun. Napatingin siya sa itaas. "Wala ka ngang kasalanan sa akin. Pero sa mga nasasakupan mo, mayroon. Kung hindi lang sana ikaw ang nagpasimuno para gawin iyong batas, wala sana ako rito."

Umiling ito. "I-I'll widthraw it. J-Just please... spare me."

"Oh, you'll take it back. Paano iyan, Senator? If God couldn't take it back, why would you?" Nawala ang ngisi niya. Ang kapal ng mukha nitong lamangan ang Diyos. Her eyes were shooting daggers at him making him shook in fear. Idiniin niya ang baril sa gitna ng mga kilay nito.

"Hija... Hija..." Pilit itong yumuyuko pero nahaharangan ng baril niya.

"If you tell me where is your ledger, I'll make it quick and painless," wika niya. Napalingon siya sa bintana nang may narinig na ugong nang paparating na helicopter. Napakunot ang noo niya nang maalalang hindi siya nag-request ng backup mula sa agency.

Binalingan niya ang senador. Nagtiim-bagang siya nang makita ang ngisi nito. Nagpakawala ito nang malalim na hininga at mariing pumikit.

"At hindi ka rin Diyos para magdesisyon kung kailan mo ako aalisin sa mundong ito, hija!" wika nito. Hindi tulad nang kanina, kalmado na ito.

Naikuyom niya ang kamao. Mas lalo pa niyang idiniin ang baril niya sa noo nito. "Nasaan ang ledger?"

Nagkibit-balikat ito at binigyan siya ng nanunuksong tingin. "Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Hindi ako mamatay ngayon!" Napalingon ito sa bintana. "Nandito na ang mga magliligtas sa akin!"

Kasunod niyon ay may mga maliliit na pulang ilaw ang nakatutok sa buo niyang katawan. Lihim siyang napamura nang mapagtantong mahigit sa lima ang nakapalibot na helicopter sa gusaling ito at lahat ng mga armas ay nakatutok sa kanya.

Napahigpit ang kapit niya sa baril. This was supposed to be an overt mission. Sinong ahas ang nagtraydor sa kanya?

Mayamaya ay tumunog ang telepono sa mesa nito. Napatingin siya sa senador. Gamit ang isang kamay, inabot niya iyon at idinikit sa tainga niya.

"Pakawalan mo si Senator Rama kung ayaw mong matadtad ng bala!" banta ng isang lalaki sa kabilang linya. Naririnig niya ang pag-ikot ng metal blades kaya napagtanto niyang nasa loob ito ng helicopter.

'This mission should be a success! Wala kang ibang option!' naalala niyang wika ng kanyang direktor.

She pushed her tongue on the insides of her cheek. Either she retreat and fail or they both die. At wala sa bokabolaryo niya ang umuwing luhaan. Napangisi siya at pabagsak na ibinalik ang telepono.

Ginawaran niya ng tingin ang senador. "Nawawala ang ledger." Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito kaya nagpatuloy siya. "Hindi mo masabi sa akin kung nasaan iyon. Pero paano kung..."

"K-Kung?" wika nito na nag-aabang sa sunod niyang sasabihin.

Nagkibit-balikat siya at binigyan ito ng ngisi. "Nevermind. As you can see, Mr. Senator, I am not afraid to die. I'm also not afraid to rot in Hell. Just so you know, I will not have a second thought in shooting you."

Bumalik ang takot sa mga mata nito. Ang kanina'y lakas ng loob na nakikita niya ay biglang nawala. Muling tumunog ang telepono. Inangat niya iyon at idinikit sa tainga nito.

"D-Don't kill her! Don't kill her!" wika nito sa kabilang linya. Sinalubong nito ang kanyang tingin. "Hija! Please... pakawalan mo na ako. Maawa ka! Para na rin akong ama mo."

Napabuga siya ng hangin at sarakastikong natawa. "Ama? Huwag na huwag mong ikompara ang ama ko sa iyo, Senator Rama." Binawi niya ang telepono at siya naman ang nagsalita. "Kill me if you can but after this please," wika niya. Nakatigin siya sa labas ng bintana. Alam niyang kahit papaano ay nakatitig siya sa isang tao. Alam niyang nakatingin din ang mga ito sa kanya kaya napangisi siya.

Walang sabi-sabi, kinalabit niya ang baril. Narinig pa niya ang pagbaon ng bala sa ulo ng senador. Sa lakas, bumagsak ang upuan nito sa sahig. Yumuko siya at tiningnan ito. Nagkalat ang dugo nito sa malamig na marmol. Dilat ang mga mata nito at wala nang hininga.

"Don't come after the money, it might come after you!" wika niya. Hindi na sumagot ang kabilang linya. Narinig niya ang pag-utos nito sa kasamahaan na iputok na ang mga dala nitong baril sa kanya.

Napangiti siya. Her life may fail but her mission did not. Napaatras siya kasabay nang pagkabasag ng bintana dahilan nang pagpapaputok ng mga ito. Napaigik siya sa sakit nang tumama sa kanya ang ulan ng mga bala.

Bago bumagsak sa sahig at mawalan ng malay, nagawa pa niyang pindutin ang earpiece na nakakonekta sa station nila.

"Mission success! Agent Aria Montessa has the ledger and omits one of the traitors in our nation."

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon