SUMALUDO si Aria sa matandang lalaki na nagbabasa ng diyaryo. Nakaupo ito sa stool na nakapwesto sa gilid ng kinakalawang na gate sa isang makipot na daan. Itiniklop nito ang diyaryo nang makita siya. Sumaludo naman ito sa kanya pabalik.
Binuksan niya ang gate at pumasok doon. Madilim ang daan dahil hindi na ito naaabutan ng sikat ng araw. Sinadya namang hindi na maglagay pa ng ilaw dahil iilan lang sa kanila ang nakakaalam sa rutang ito.
Ilang sandali pa ng mga pasikot-sikot, nasa harap na siya ng elevator na may logo ng PCIS. Bumukas iyon matapos ma-scan ang mukha niya. Naglakad siya papasok at pinindut ang kaisa-isang button. Nagsimulang umandar iyon pababa.
Limang minuto bago iyon huminto at bumukas. Bumulaga sa kanya ang malawak na espasyo na may mga kapwa niya agents na pukos sa ginagawa ng mga ito. Sa dami nila, imposibleng kilala nila ang lahat. May mga naglalakad, tumatakbo, o 'di kaya'y papunta na sa kanya-kanyang mga assignments.
Napangiti siya. Na-miss niya ang ganitong eksena. Ilang buwan na rin siyang hindi nakapunta rito. Bago tuluyang makapasok, dadaan muna siya sa isang metal detector para masigurong wala siyang dala na ikapapahamak ng mga taong nandito.
Tumunog ang kanyang cellphone. May s-in-end na file si Joanna. Hindi nito alam na pupuntahan niya ito. Habang naglalakad, binuksan niya ang file na ipinasa nito.
'There's a possibility that the attacker is a student of SCU. Alam ang lahat ng blind spots ng CCTV. However, I hacked the school's website to look for student's information based on your observation. The following students, so far, fits perfectly in your description.'
Tumigil siya sandali para mabasa ang listahan ng mga nasa limampung estudyante. May kalakip din itong mga retrato. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mahagip sa kanyang mga mata ang pamilyar na mga pangalan at mukha.
"Erole Jimenez and Adhel Artizo?" mahinang basa niya sa pangalan ng mga ito. Marahan niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Humigpit ang kapit niya sa cellphone. She needed to be vigilant on those two people. The most important step that she would take to identify the attacker was to determine his voice.
The sudden rush of adrenaline surged through her body. Gusto na niyang ma-identify kaagad ang kung sino mang mapangahas na iyon.
Maglalakad na sana siya nang makita niya ang dating team leader na papunta sa direksyon niya.
Miss Monique Macasling was a hotshot agent. She worked her way up until she reached the second highest position in the agency. At 29 years old, nirirespeto na ito ng lahat at nagbibigay na ng mga utos. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na gusto nitong maging CIC. Kaya kanya-kanyang pili ng panig ang mga kapwa niya agents. Well, for her, it was obvious. She wanted to work with Director Rommel.
Yumuko siya sandali at hinintay niyang malagpasan siya nito. Pero huminto ito sa tapat niya kaya wala siyang pagpipilian kundi ang mag-angat ng tingin.
"Hello, Miss!" wika niya.
Pinilig nito ang ulo at siningkit ang mga mata. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Umangat ang isang sulok ng labi nito.
Naikuyom niya ang kamao. Hindi pa pala ito nagbabago. She wanted to take credit for the work na hindi nito pinagpaguran kaya mainit ang dugo nito sa kanya.
"What are you doing here, Agent Aria?" tanong nito. "Visiting old friends?"
Ngumiti siya at tumango. "I miss them."
She snickered. Hinawi nito ang iilang buhok na nasa mukha niya patungo sa likod ng tainga. "Well, you should visit each of them. Malay mo, sa susunod na mga araw, wala ka ng panahon pa," wika nito.
Napakurap siya. Lumingon siya at sinundan ng tingin papalayong pigura nito. Was there another meaning hidden behind those words? Well, if it was, then she already had an idea of what she was trying to say.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa narating na niya ang opisina ni Director Rommel. Nakailang katok pa siya bago ito sumagot. Tumayo ito nang makita siyang pumasok.
"Have a sit, Agent Aria!" wika nito at itinuro ang pang-isahang couch. Naupo naman ito sa isa pa.
Sinunod niya ang sinabi nito. Napatingin siya sa kanyang badge na nakapatong sa center table.
"I know you missed having that, so take it," wika nito.
Napangiti siya at kinuha iyon. It was an oval-shaped metallic badge with a gold color. Nakaukit sa gitna ang pangalan niya na may kasamang tatlong bituin sa ilalim noon. It signifies their rank as an agent. Kapag may tatlong bituin na sa badge ng isang agent, nakakompleto na ito sa lahat ng training at pwede nang isabak sa kahit anong misyon.
"Thank you!" wika niya.
"I already gave Joanna your things. Ikaw na ang bahalang bumisita sa kanya," wika nito.
"Yes, Sir." Tatayo na sana siya nang muli itong magsalita.
"One more thing," nagpakawala ito ng buntong-hininga, "I have a son there!"
Napakunot ang noo niya. "You have a son?" pag-uulit niya dahil baka mali ang narinig niya.
Napahilamos ito sa mukha gamit ang dalawang palad. "I don't want to inform you but I'm afraid for his safety. I just won't tell you his name because I don't want to make this case personal. But please, protect every students there, Agent Aria."
She pursed her lips. It was the first time she saw this side of Director Rommel. At ni-reveal pa nito ang posibleng maging rason ng kahinaan nito.
Tinatagan niya ang kanyang loob. Mas lalo siyang ginanahan na sugpuin ang mga taong gustong maisabatas ang MBI. "Hindi ko kayo bibiguin, Sir!"
"Good! Kung kailangan mo ng backup, magsabi ka kay Joanna. But use that as a last resort. This is a one-man operation kaya hangga't maaari ayaw kong mag-involve ng iba pang agents na hindi ko pa subok. Most of them are on Macasling's side," wika nito.
Tumango siya. "Don't worry, Sir. I'll protect the school!" tugon niya. Tumayo siya at sumaludo rito.
Tumayo rin ito at ibinalik ang saludo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...