TININGNAN ni Adhel ang oras sa kanyang cellphone. Wala pang alas cinco pero nandito na siya sa harap ng classroom nila.
Nagulat siya nang makita si Aria na nakaupo sa teacher's table nang buksan niya ang pinto.
Lumingon ito sa kanya. "Bakit ang aga mo?"
Umangat ang sulok ng labi niya. Itinulak niya ang iilang hibla ng buhok patalikod.
"Bored," simpleng sagot niya at naupo sa kanyang assigned seat. Dama niya ang lamig ng AC kaya napapikit siya.
Hindi niya alam pero nararamdaman niyang kakaiba ang tingin nito sa kanya. Iyong parang nagdududa ito sa bawat kilos niya kaya napangisi siya. Iminulat niya ang mga mata at sinulyapan ito.
"Is there anything you want to tell me? Ask, perhaps?" tanong niya.
Aria just pursed her lips. Napatitig tuloy siya sa labi nito. He wondered what kind of taste does that lips have. Mariin niyang sinupil ang iniisip. Tumikhim siya at inangat ang tingin patungo sa singkit na mga mata nito.
"If I ask, would you tell the truth?" tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. "It depends. I'll tell the truth if you deserve to know that certain truth."
Tumango ito at pinalobo ang dalawang pisngi. Kapagkuwa'y ngumiti ito. "Then you don't deserve to hear my question."
"You're really something," komento niya. Aria was like no other girls. He can't decipher what she was thinking or what was her next move. And that made him curious if she really was a step ahead of him.
Tumayo siya at naglakad papalapit dito. Hindi niya pinutol ang titigan nila. Napasinghap ito nang yumuko siya at itinukod niya ang mga kamay sa mesa. Nasa gitna ito ng kanyang dalawang braso.
She leaned behind when he neared his face on to hers. Itinukod nito ang mga kamay sa likod para hindi tuluyang ma-outbalance at mapahiga.
"What are you doing?" tanong nito.
He can see a little bit of panic reflected in her eyes. Gusto pa tuloy niyang tuksuhin ito. Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya. Napalunok siya nang magsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinakabahan yata siya.
"What do you think I'm doing?" wika niya na may naglalarong ngisi sa mga labi.
Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong ngumisi at iniwas ang mukha. Magsasalita pa sana siya pero hindi na natuloy dahil hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.
"You need to stop being a douchebag!" wika nito at itinulak siya.
Napaatras siya at napabitaw sa mesa. Sa isang kurap lang, namalayan niyang siya naman ang nasa posisyon nito kanina. In a much worse position, actually. Napahiga siya sa mesa habang nasa leeg niya at nakadiin ang braso nito.
"Ouch!" sambit niya. Masakit ang pagkakalapat ng likod niya sa ibabaw ng mesa. Hindi pa siya nakakahinga nang maayos dahil sa pagkakasakal nito.
Nasa ganoong ayos sila nang bumukas ang pinto. Kapwa sila napalingon para mapagsino iyon. Lihim siyang napamura nang hindi lang isa kundi marami ang nakaabang sa pagbukas ng pinto.
Mabilis na umalis si Aria mula sa pagkakadagan sa kanya. "Pasok kayo," wika nito na parang wala lang nangyari.
Dahan-dahan siyang napaayos ng upo. Mainit ang tainga at batok niya kaya hinawakan niya iyon at napayuko.
"Are we not disturbing the two of you?" rinig niyang tanong ni Fatima.
Napatikhim siya at napatingin kay Aria.
"He just needs to learn a lesson or two." Nag-iwas siya ng tingin nang magawi sa kanya ang mga mata nito. "Sa tingin ko, natutunan na niya," kalmadong wika nito.
"Gosh! Maybe Adhel and the class president are a thing," bulong ni Charlotte kay Mina.
Mariin siyang napapikit. Matatawag pa bang bulong iyon, eh, nakarinig silang lahat?
"That won't happen, Charlotte!" wika niya rito. Pinasadahan niya ng tingin si Aria. "She's not even interesting to look at!" dagdag niyang sabi. Umalis siya sa pagkakaupo sa mesa at naglakad pabalik sa kanyang upuan. He was just curious and not interested, if and only if, that two don't carry the same meaning.
Ilang minuto pa ang nakalipas, isa-isang nagsidatingan ang mga kaklase nila. Unti-unting napupuno ang buong room. Nakasandal si Aria sa white board habang nakakuros ang dalawang braso sa dibdib nito.
Napatingin siya sa lahat. Wala ni sinuman ang nagtangkang magsalita. Lihim siyang napangisi. Nai-intimidate ba ang mga kaklase niya kay Aria? Well, that's new!
Bumukas ulit ang pinto. "Hey, Gwen!" umalingawngaw ang boses niya nang tawagin ang babaeng kapapasok.
Napalingon ito sa kanya. Sinenyasan niya itong maupo sa tabi niya. Tumango ito pero lumapit pa kay Aria. Sandaling nag-usap ang mga ito bago naglakad papunta sa kanya.
"What's up?" wika nito at naupo sa tabi niya.
"Look at them. They weren't talking to each other," wika niya.
Napasipol si Gwen at napatingin kay Aria. "Because of the class president?"
Nagkibit-balikat siya. "I think so."
She made a face. "Kung ganoon, nagkamali ba ako sa pagpili ng magiging class president?"
Hindi niya mapigilang matawa. "For the second time, I think so. You can't control her, that's a fact. And there might be a chance that she will control every one of us."
Nagdilim ang mukha nito. "I don't like that."
Napailing siya. "The fact that we're here because of a single text message means that she's starting right now."
Hindi na nakasagot si Gwen dahil nagsimula nang magsulat sa white board si Aria.
Isinulat nito ang mga salitang 'Microchip Body Insertion' na parang narinig o nabasana niya sa kung saan.
"What is Microchip Body Insertion or MBI as the experts call it?"
May kinuha ito mula sa bag na maliit na plastic container. Nakapaloob doon ang parang isang memory card ng cell phone sa hitsura at liit. Ibinigay iyon ni Aria kay Kyle na nakaupo sa unahan.
"Kapag tapos ka nang i-check, pakipasa sa iba para matingnan din nila," utos nito.
Ito siguro iyong sinabi ni Erole sa kanya kanina lang na tinanggal ni Aria mula sa braso nito na wala man lang anesthesia.
"It was invented by Holston Technology and San Carlos University was chosen as subjects for their product trial. Sa susunod na buwan, may ilalabas na schedule si Principal Minyamin para turukan kayo ng microchip sa braso," wika nito.
Napakunot ang noo niya. Bigla niyang naalala kung saan niya unang nakita ang mga salitang iyon.
Sa opisina ng Daddy niya na karugtong ng file ni Aria.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...