ONE MONTH LATER
(since the incident)MAIGING tiningnan ni Adhel ang kanyang na dalawang movie tickets. Nakuha niya ito mula roon sa raffle draw ng cafeteria na pinagkainan nila dati ni Aria. The corner of his lips curved upward. Ano pang gagawin niya sa mga ito? Wala naman ang taong gusto niyang makasama sa panonood. Pabagsak na inilapag niya ang mga iyon sa mesa.
"Checkmate," wika ni Mina. Naaabot ng kabayo nito ang hari niya. "Pasok na ako sa chess club, right?"
Magsisimula ngayon ang try-out para sa mga clubs na pinili noong nakaraang buwan. Everything went back to normal although Principal Minyamin took a break for six months due to trauma. What happened inside their university didn't even reach to the media and they were all asked to sign an NDA. Well, he still didn't the whereabouts of the two agents he knew.
"Not so fast," tugon niya. Inangat niya ang tingin dito. "You still have the chance to change your move. May limang officials ka na lang na natitira."
Ngumiti ang babae at umiling. "I'm doing the right move."
Nagkibit-balikat na lamang siya. "Okay!" tugon niya. Hinawakan niya ang bishop at inilagay sa puwesto ng kabayo nito. Natumba ito at kinuha niya. "Well, make sure to check all the pieces if there aren't backups."
Nasapo nito ang noo. "I'm doomed."
Natawa siya nang mahina. Kinuha niya ang tickets at binigay iyon sa kaharap. "Here. Use this with your friends."
TWO MONTHS LATER
(since the incident)ISANG masigabong palakpakan ang sumalubong kay Adhel pagpasok niya sa Cosmos Headquarters. Nilapitan siya ni Green at tinapik ang kanyang balikat.
"Congratulations on the championship, Bro! You nailed it!" wika nito.
Kagagaling lang niya sa China para maglaro ng chess sa World Tournament. "Salamat, mga Bro!"
"Well, this calls for a celebration!"
Lahat napatingin sa pinto nang may nagsalita. Mas lalong lumakas ang kantiyaw ng tropa nang makita si Erole na nakangiti sa kanilang lahat.
Lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay nito. "Congrats, Bro!"
Mahigpit niyang tinanggap iyon at nakipagkamay rito. "Salamat! Tuluyan ka na bang mananatili rito?" Nakaramdam siya ng pag-asa nang tumango ito. Nagbabasakali siyang ganoon din ang gagawin ni Aria. Gusto niya itong tanungin pero iisa-isahin na muna niya ang mga bagay-bagay.
THREE MONTHS LATER
(since the incident)INILAPAG ni Adhel ang dalang bulaklak sa lupa. Sumunod din sina Gwen at si Erole sa ginawa niya. They offered a prayer for Donovan Michael, that Grade 7 student who shot the PCIS traitor instead of Aria.
The university built a rectangular concrete for names who volunteered to fight against the MBI even if it cost their lives. It was standing in the middle of the university ground to remind all students for that unfortunate event. Hindi dapat makalimutan iyon ng lahat. It was all written in their history book.
"She didn't even know the name of this kid," wika ni Erole.
Naikuyom niya ang kamao. Si Aria ang tinutukoy nito. He once asked him on her whereabouts pero katulad niya, wala rin ito alam. The only hope he had left was that Aria's name wasn't carved on this concrete.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...