"LAHAT ng class presidents, pumunta sa Elizabeth Hall para sa isang pagtitipon."
Natigil sa pagsasalita ang kanilang guro para sa unang klase nila sa hapon nang tumunog ang school intercom. Napatingin sa kanya ang lahat. They had a nervous look on their faces.
Hinawakan ni Gwen ang kamay niya. "Kaya mo iyan!" wika nito.
Napakunot ang noo niya. "What do you mean?"
Bumuntong-hininga ito. "Malalaman mo rin pagdating mo roon."
"Ikaw ba ang class president, Aria?" wika ng guro nila.
Tumayo siya at tumango. "Ako po," saad niya.
Kinuha nito ang panyo sa loob ng shoulder bag at ibinigay iyon sa kanya. Nagsalita ito nang titigan lang niya. "Take it. You'll need it," wika nito.
Alanganin niyang tinanggap iyon. Ano ba kasing mangyayari? Wala naman doon sa manual na ibinigay sa kanya noong nakaraang araw na may magaganap sa Elizabeth Hall.
Dinampot na niya ang bag at tumayo na. Tiningnan muna niya ang kanyang mga kaklase bago maglakad palabas ng classroom. Napailing siya at lihim na napangiti.
Why was everyone looking at her like she was sacrificing herself by going into the pit of Hell?
Napailing na lamang siya ulit at lumabas na. Ilang hallways pa ang dinaanan niya bago marating ang Elizabeth Hall. Marami nang mga estudyante ang nauna sa kanya pero isang bagay lang ang napansin niya. Siya lang yata ang nag-iisang babae na nandito ngayon.
Malaki ang espasyo ng hall. May malalaking tents ang naka-assemble sa bawat sulok. May mga estudyante ring nagbabantay. Siningkit niya ang mga mata nang makita ang apat na pamilyar na mga mukha.
"Erole and the gang," bulong niya. Were they facilitators in this event?
"Hello!"
Napalingon siya sa direksyon ng boses. Isang lalaki na naka-eye glasses habang may hawak-hawak na file folder. Malawak ang ngiti nitong iginawad sa kanya.
Sinuklian niya ang ngiti nito. "Hi!" ganting-bati niya.
"My name is Desmond Ortega, a Grade 11 student. Nakatoka ako sa pagkuha ng mga pangalan ng mga bagong na-elect as presidents sa inyong respective classes," wika nito.
"Oh, I see. My name is Aria Montessa, Grade 10 student."
Isinulat nito ang kanyang pangalan sa papel na nakapaloob sa folder nito. Ikinumpas nito ang kamay sa direksyon ng isang tent na maraming upuan. "Doon ka muna sa waiting area, Aria. May kaunting ia-announce lang mamaya bago magsimula ang hazing," wika nito. Umalis na ito sa harapan niya at nilapitan naman isa-isa ang mga bagong dating.
What was he talking about? Hazing? Was she in some sort of fraternity?
Matalas na pinakiramdaman niya ang buong paligid. Wala naman kakaiba sa mga kinikilos ng ibang estudyante na naririto. Naglakad na siya patungo sa waiting area at naupo sa pinakahuling upuan.
Unti-unting napupuno ang waiting area. May isang maliit na batang lalaki ang tumabi sa kanya. Kalmado lang ito habang nakasalikop ang mga palad.
Naramdaman siguro nitong may nakatingin rito kaya tiningala siya nito.
"Bakit po ate?" tanong nito.
"Grade 7?" wika niya.
Tumango ang bata.
"Alam mo ba kung bakit ka nandito?"
"Sabi po ng Kuya Erole ko, basta president po ng klase, may chance na ma-recruit ng Cosmos."
Napakunot ang noo niya. So, there was a chance na kapatid ng batang ito si Erole. "Cosmos?" pag-uulit na tanong niya.
"Name po iyan ng fraternity na ginawa ni Kuya. Sabi niya sa akin, kapag nakasali ako rito, wala nang mambu-bully sa akin," wika nito.
Napaawang ang kanyang bibig sa narinig. "That's absurd. Bullying never gets old, huh!" she mumbled. "But as far as I know, fraternity doesn't work like that. It isn't some kind of shield."
"Who cares about the real meaning of it anyway?" wika nito at nagkibit-balikat.
Sasagot pa sana siya pero naagaw ang atensyon nilang dalawa nang mag-static ang microphone. Napatingin siya sa gitna ng platform. Nandoon si Erole habang hawak ang mic.
"Hello and welcome to Cosmos Recruitment, Class Presidents! You're lucky enough to be handpicked by your peers. Five minutes from now, magsisimula na ang ating activity. May tatlong levels lang kayong dadaanan since you already has a high position in your classrooms. Of course, every level has its own difficulty. Kung makapasa kayo sa lahat ng levels, then you're officially a member of Cosmos. After that, you'll sign an NDA or non-disclosure agreement na nangangakong hindi ninyo sasabihin sa iba ang ginagawa natin dito," mahabang paliwanag ni Erole.
Halos mag-isang linya ang kilay niya nang masimulang magpalakpakan ang lahat. Wala man ni isang estudyante siyang nakita na may pagtututol sa mukha. Bakit parang isang malaking karangalan para sa mga ito ang mapasali sa ganitong klaseng organisasyon? Ni hindi man lang sinabi o ipinaalam kung anong tunay na dahilan kung bakit ito itinatag.
Hindi niya mapigilan ang magtaas ng kanang kamay. Nahagip iyon sa mga mata ng kasama ni Erole sa platform. May binulong ito sa huli at itinuro siya. Sinundan naman ito ng tingin ni Erole hanggang sa magkasalubong ang paningin nila.
"Yes, Aria?" wika nito. Napatingin ang lahat sa kanya.
Napalunok siya at dahan-dahang tumayo. "What about those people na hindi gustong sumali?"
Nag-echo ang tawa ni Erole sa mikropono. Sinuyod nito ang paningin sa paligid. "May iba pa bang hindi gustong sumali rito?"
Walang sumagot.
Tumingin ulit si Erole sa kanya. "Ikaw lang yata ang hindi gustong sumali rito, Aria. Kunsabagay, babae ka lang. Kadalasang sumali na mga babae sa frat na ito, hindi pa nangangalahati sa hazing, umayaw na." Ngumisi ito at tiningnan ang relo. "May oras ka pang lumabas."
Naikuyom niya ang kamao at napatiim-bagang siya. "This is not what I signed up for as a class president!" Tiningnan niya ang lahat. "Kayo? Naging class president lang ba kayo para mabawasan ang haharapin ninyong hazing at mapalaki ang tsansa ninyong makasali sa frat? How coward! Naturingan kayong mga lalaki pero takot kayo sa maaaring maranasan ninyo kapag sinubukan ninyong sumali kung hindi kayo ang presidente ng klase!"
"That comment is below the belt, Aria!" sigaw ni Erole. Humakbang ito papalapit sa pwesto niya. Madilim na ang mukha nito.
She pointed at him while shooting daggers with her eyes. "Ikaw ang nauna! You belittled the capability of women!" Nilingon niya ang batang lalaki na katabi niya. Nakatingala ito sa kanya na parang hindi ito makapaniwalang sumasagot siya sa Kuya nito. "And what about him?" Tinuro niya ang bata habang tiningnan si Erole. "He was being bullied but you told him to join the org so that it would stop! That is not a sound judgement. You only taught him how to cower more."
Napaigtad ang lahat nang malakas na ibinagsak ni Erole ang mikropono sa sahig. Lumikha ito ng hindi kaaya-ayang tunog.
"I didn't belittle women's capabilities. I only acknowledged them. Fine! You have the chance to backout but you wasted it. Ikaw na ang mauna. Tingnan natin kung makakaabot ka sa level three."
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...