"DAMN it! I'm really sorry. I... I..."
"Shhh... It's okay." Dahan-dahan iniangat ni Aria ang kamay at isinuot ang earpiece sa tainga. Pinindot niya iyon.
"Agent Erole, can you hear me?" wika niya.
"Erole's an agent?" rinig niyang wika ni Adhel.
"Yes."
"That is lit! How did he manage to keep it a secret all this time?"
May static siyang narinig kaya naghintay siya na may sumagot. Hindi nagtagal, boses ni Erole ang narinig niya.
"Yes, I can! I can also see you and that dumbass."
Umangat ang sulok ng kanyang mga labi at napailing. "Position?"
"On your nine o'clock. I'm at a rooftop," tugon nito.
"Good. Execute Code Blue, please," wika niya. Code Blue was an order to eliminate the object or person closest to an agent if things went wrong.
"Are you sure? What are you planning to do?"
"I'm going to the main cube, take off this vest and throw it in. I need you to cover me because for sure the army's going after me. Are your ammo enough?"
"Maybe it can last five rounds."
"Then that's enough. On my cue..."
"Wait! I think Adhel's the son of Director Rommel. How can I shoot him?"
Natigilan siya at napakunot ang noo. "How did you find out?"
"The name of his parents..."
Napasinghap siya. The name of his parents? Adelaide Roma and Edilberto. Adelaide Roma... Roma... Edil... Rom... Take out the Ed from the first four letters. That made it Il. Combine Rom and Il. It sounds like Rommel.
Kamuntikan na niyang masapo ang noo. How come did she not think of that?
"I guess you figured it out, so what do you think?" saad ni Erole.
"It's okay. Proceed to Code Blue."
"Okay!" tugon ni Erole.
Marahan niyang tinapik ang likod ni Adhel. Kapwa na sila basang-basa sa ulan at alam niyang giniginaw na ito.
"Adhel, you need to listen to me and then trust me in this, okay?"
"You know I always trust you, Aria! Whatever your plans are, I'm fine with it."
Nagpakawala siya nang malalim na hininga. "I'll push you away from me then no matter what, don't move even an inch. Don't even try to go after me or someone will shoot you. Do you understand?"
Napalunok ito at tumango. "I understand."
Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang-balikat nito. Hindi niya alam kung pagkatapos ng gagawin niya, muli niyang mahahawakan si Adhel. Napatingin siya sa 'di kalayuan. Nakikita niya si Gwen na kasama si Principal Minyamin. Wala na rin ang bomba sa katawan nito. Napangiti siya. Hindi siya nagsisising nabigyan siya ng pagkakataong makilala ang mga kaklase niya at pati na rin ang Cosmos.
Hindi niya mapigilang maluha. Pero hindi naman mahahalatang umiyak siya dahil hilam sa tubig-ulan ang buo niyang katawan.
Muli niyang tiningnan ang batang nakahiga. Dumanak na ang dugo nito na sumabay sa agos ng tubig.
"Thank you," usal niya. Gamit ang natitirang lakas, itinulak niya si Adhel. Naupo ito sa platform at nakatingin lang sa kanya.
Wala na siyang sinayang na oras at nagsimula nang tumakbo patungo sa main cube. Natanggal na ang kanyang suot na sapatos dahil sa dulas.
"You know you only have ten seconds, right?" wika ni Erole.
Hindi na siya sumagot at mas binilisan ang takbo. She can hear gunshots fired towards her. Naririnig niya ang pagbaon ng mga bala sa dingding ng mga cube na dinaanan niya.
"God!" usal niya nang maramdamang may isang bumaon sa may baywang niya na dahilan sa kanyang pagkadapa. Dinama niya ang nasaktang parte.
"You can do it, Aria! Fuck! Bumangon ka!" wika ni Erole. "You only have six seconds. I've eliminate most of them pero parang natunton na nila kung saan ako nakapuwesto."
She propped herself up using her elbow. Puno na ng putik at dugo ang kanyang katawan. She looked ahead. May limampung metro pa ang layo mula sa kinaroroonan niya hanggang main cube.
Pinuno niya ng hangin ang baga. Kahit sa bawat paghinga niya ay sumasakit ang bawat parte ng kanyang katawan, sinimulan niyang kumilos.
"I don't think I can make it, Erole!" wika niya habang habol ang hininga. "Remember the favor I told you? When the worst comes, I need you to shot me. I want to die before my body explodes to pieces. Because it will surely hurt like hell, Bro!"
"Damn you! Please don't make me do this. Run faster!" wika nito.
"I am. And I can't run any faster than this. Aaah—" Muli na naman siyang napaigik nang may balang dumaplis sa binti niya.
Ipinikit niya sandali ang mga mata dahil pakiramdam niya'y dumoble na ang paningin niya. Pero malapit na siya. Malapit na malapit na.
"Four seconds," sambit ni Erole na nakahinga na nang maluwag.
Nasa pinto na siya ng main cube. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang vest. Akmang itutulak na niya ang pinto, bumukas ito.
Napaawang ang kanyang labi nang makita si Mr. Landon. Nanginginig ang kamay nitong nakahawak sa baril habang nakatutok sa kanya.
"Bumalik ka pala!" wika niya. "Tanggapin na ninyo ang pagkatalo ninyo dahil hanggang dito na lang ang walang kuwenta ninyong project."
Umiling ito. "Hindi ako makakapayag!" wika nito at kinalabit na ang baril.
Kasabay ng tama ng bala na bumaon sa ulo niya ay naihagis niya ang bomb vest sa loob ng cube. Nanlalaki ang mga matang sinundan iyon ni Mr. Landon pero binaril ito ni Erole sa may sintido.
Pahiga siyang bumagsak sa lupa. Inawang niya ang bibig sa pag-asang makakalanghap pa siya ng masaganang hangin. Napatingin siya sa langit. Unti-unting huminto ang pagpatak ng ulan. Siningkit niya ang mga mata habang nakatingin sa araw na nakasilip dahil wala ng ulap ang tumatakip dito.
Napangiti siya. "Ito pala ang pakiramdam ng malapit nang mamatay."
Kanyang inalala ang unang pagtapak niya sa unibersidad na ito hanggang sa naging class president siya pati na rin ang una't huling pagkakataon na nakasama niya si Adhel na kumain sa cafeteria.
Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman niya ang init na gawa ng malakas na pagsabog sa main cube.
Napangiti siya. "Mission succes! A-Agent Aria —" napaubo siya at naramdaman niya ang mainit na likido na umagos mula sa kanyang bibig. "d-destroyed the product t-testing of the Holston m-microchip and s-saved the u-university."
Note: Next is Epilogue. I'll see if I csn finish it and upload it this afternoon. Anyway, please don't hesitate to give me your feedbacks!
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Dla nastolatków"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...