Chapter 24

190 15 0
                                    

INILAPAG ng mga agents ni Miss Macasling ang isang revolver, dalawang hunting knife at cellphone sa ibabaw ng mesa matapos kapkapan si Aria. Pagkatapos ay nilagay ng mga ito ang mga iyon sa isang tote bag.

Lumabas na sila sa opisina ni Principal Minyamin na nakatulala sa nasaksihan. Iginiya siya ng mga ito patungo sa isa sa mga cubes na nasa soccer field. Napapahinto ang lahat ng mga estudyante at napapatingin sa kanya. Wala na lang siyang magawa kundi ang yumuko.

Binigyang-daan sila ng mga Holston Army para makapasok sa loob. Bunch of screens were placed at the front and there were people monitoring every nook and crook of the school. Mukhang inilipat na ng mga ito ang kung anong mayroon sa security room ng SCU.

"Sit down!" wika ni Miss Macasling.

Sinunod naman niya ang sinabi nito. Kanyang inilagay ang pinagsalikod na nga kamay sa ibabaw ng mesa kahit may posas. "You know that your reasons to arrest me aren't valid, right, Miss?"

She clicked her tongue and gave her a cheeky smile. Umupo ito sa tapat niya. "But you know you can't complain, right, Aria?" wika nito na ginaya ang tono niya. Bahagya itong tumayo at niyuko siya. Inabot nito ang buhok na nasa mukha niya at hinawi patungo sa likod ng tainga.

Inatras niya ang katawan para hindi na nito maabot. Tumitig ito sa kanya at ngumisi na sa kalaunan ay naging tawa na. Bumalik ito sa pagkakaupo. Ikinuros nito ang dalawang braso sa dibdib.

"Anong gagawin mo sa akin dito?" tanong niya. "Do you want to kill me?"

"As much as I want to kill a traitor like you, right now," umiling ito, "I won't. Marami pa akong gustong malaman," wika nito. Inilahad nito ang palad sa isa sa mga agents na nasa likod nito. Nagbigay ito ng brown envelope.

Inilibot ni Aria ang paningin sa buong cube. May kutob siyang hindi ito ang main base ng Holston. It was just a surveillance room. Kung ganoon, dapat niyang malaman kung alin sa mga cubes na nandito at nang makakuha siya ng sapat na ebidensyang maipakita sa presidente na tama ang naging research ni Director Rommel.

Nabaling ang tingin niya sa mesa nang isa-isang ipinakita sa kanya ang mga pamilyar na retrato. Kumunot ang noo niyang napatingin kay Miss Monique.

"Erole Jimenez, Adhel Jimenez and this boy," tinuro nito ang batang Grade 7 na nakilala niya sa maikling panahon, "out of the three, which one is the son of Director Rommel?"

Her eyes froze to the picture of the boy. Nakangiti ito na parang walang pasang mabigat na misyon. Iyong ngiting palaging pinapakita sa kanya tuwing magkakasalubong sila sa hallway. "You don't know that name of the boy?"

Miss Monique slammed the table with her palm. Napatingin siya rito. Her nose flared in anger. "Focus only on my questions, Aria! Ikaw ang ini-interrogate ngayon at hindi ako!"

Umangat ang sulok ng labi niya. "I'll answer your question if you answer mine. I did not commit any crime to undergo interrogation, Miss. And besides, your questions are irrelevant to what you claimed my crimes are."

Mabilis na tinutukan siya ng mga baril ng mga agents na nasa likuran nito. Tiningnan niya isa-isa ang mga ito. "Shoot! Then you'll really see what I'm capable of."

Miss Monique raised her palm. Awtomatikong ibinaba ng mga ito ang baril. "Okay, I'll answer your question and you'll answer mine." Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "No. Hindi ko kilala ang batang iyan. Now, tell me which of them is Director Rommel's son!"

Dahan-dahan siyang umiling. "Hindi ko alam. How can I know the things that you don't even know, when you dreamed of becoming the next CIC?"

Kinuyom nito ang kamao at muling hinampas ang mesa. "Don't toy me, Aria! I can blow your head off this instant."

"But you won't because you still need something from me," wika niya.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "What do you mean?"

"Because the ledger that you got from my locker is fake!" wika niya at tinitigan ito. Kung nagawa ng mga itong dalhin siya rito, tapos na rin sigurong halughugin lahat ng gamit niya sa dorm at sa locker. Well, judging from all the tv screens that she saw here, it was not that hard to locate her.

Napaawang ang labi nito kapagkuwa'y napangisi. She pursed her lips and nodded her head. Inilapat nito ang likod sa sandalan ng upuan. "I can tell why Director Rommel cherishes you so much." Nawala ang ngiti nito nang titigan siya. "Because you're crazy," bulong nito.

Tumawa siya at tumango. "Well, I don't deny that." That ledger didn't even exist. They just used it as pawn to extract all the traitors in this country. At tama nga siya. Naglabasan ang mga ito dahil naakit sa mabangong putahe na hindi naman nakakain.

Umigkas ang kamay nito. Bago pa siya makailag ay naramdaman na niya ang pagputok ng kanyang labi dahil sa suntok nito. Napayuko siya at napapikit dahil pakiramdam niya ay umiikot ang paligid.

"Where is that ledger?" pasigaw na wika nito. Hinampas nito ang mesa gamit ang dalawang palad at tumayo. Bumunot ito ng baril mula sa baywang nito at itinutok sa kanya. "This is your chance to live. I'll cancel the order of assassinating you if you'll cooperate."

Umiling siya. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Akma siyang ngingisi pero masakit ang labi niya. "I won't. Hindi pa tapos ang misyon ko at hindi ako titigil hangga't hindi ko natutupad iyon."

Napasigaw siya sa sakit nang kinalabit nito ang baril. Tumama ang bala sa kaliwang braso niya. She felt the penetrating burn on her flesh. Tumutulo na ang dugo sa sahig. Habol ang hininga niyang sumandal sa upuan.

"Even if it cost your life?" tanong nito at itinutok ang baril sa noo niya.

Kahit hirap siyang huminga dahil pinipigilan niya ang sariling mapasigaw sa sakit, sinikap niyang makapagsalita. "L-Let me have a talk w-with the Holston T-Tech CEO Mr. Landon and I'll tell you where did I put the l-ledger."

Ibinaba nito ang baril at matagumpay na ngumiti. "Deal!"

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon