Chapter 13

232 22 1
                                    

NASAPO ni Aria ang noo nang mabasa niya sa school directory ang personal information ni Gwen. Ngayon lang niya na-realize ang magkaparehong apelyido ng kaibigan at ng kanilang principal.

Tiningnan na rin niya ang profile ng bawat kaklase niya hanggang sa marating na niya ang profile ni Adhel.

Student Name: Adhel Montañez Artizo
Birthdate: December 18, 2003
Birth Place: Classified
Siblings: 2
Mother's Maiden Name: Adelaide Roma D. Montañez
Occupation: Classified
Father's Name: Edilberto C. Artizo
Occupation: Ex-Navy
Other Details: None

Napataas ang kilay niya sa nakitang occupation ng ina nito. Sa napansin niya sa profile ng lahat ng mga kaklase niya, 'classified' meant no work or housewife. Anak ng mga mayayamang politiko o 'di kaya'y renowned businessmen ang halos lahat ng nga classmates niya. Kaya nagtataka siya kung bakit halos lahat ng mga ito, itinatago ang tunay na estado ng trabaho ng mga ito.

Isasara na sana niya ang directory pero naagaw ang kanyang pansin nang may isang maliit na papel na may markang Grade 11 ang nakausli sa isang pahina. Kaya binuksan niya iyon at hinanap ang detalye ni Erole.

Student Name: Erole Jimenez
Birthdate: October 30, 2002
Birth Place: Not Observed
Siblings: None
Parent's Name: None
Other Details: Grew up in Sunrise Orphanage

Napakunot ang noo niya. How come she didn't see or remember Erole when she was also from that orphanage? Nanatili siya roon hanggang sa nagsampung taong gulang siya dahil  kinuha na siya ng ahensya para mag-training. Kung mas matanda pa si Erole sa kanya, ibig sabihin nauna itong namalagi roon. Pero posible rin namang magkapareho lang ng pangalan ang orphanage nila.

"What are you doing?"

Napigil ang hininga niya nang may pamilyar na boses ng lalaki ang nagsalita malapit sa tainga niya. She was so engrossed to her thoughts na hindi man lang niya namalayang may nakalapit na pala sa kanya.

Nakangising umupo sa tapat niya si Adhel habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa directory. Bago pa nito makita kung kaninong profile ang tinitingnan niya, isinara na niya iyon.

"Gabi na! Bakit nandito ka pa sa library?" wika nito. Nilingon nito ang paligid. Wala ng ibang estudyante bukod sa kanilang dalawa. Isa sa mga library staffs ang natitira dahil lumabas muna ang iba para maghapunan.

Alas seis y media pa ng gabi at alas otso y media magsasara ang library kaya marami pa siyang oras.

"Get out of my sight," wika niya.

Kumalumbaba ito. "You're still sulking over what happened earlier?"

Umiling siya. "I'm not."

"I believe you," biglang sambit nito.

Natigilan siya. Binigyan niya ito ng nagtatanong na mga tingin kaya nagsalita itong muli.

"Earlier, at the meeting, I believe you."

She looked at his eyes. Walang siyang nakitang kahit anong senyales ng pagbibiro. Napalitan ng pagkaseryoso ang mukha nito.

"Then why did you do that?" tanong niya.

Lumabi ito at sinabayan ng kibit-balikat. "I'm obsessed with chaos. I like seeing things getting out of control."

She took a deep breath. "Well, it didn't help at all."

"I don't care. It's their loss for not listening to you," sagot nito.

Kumunot ang noo niya. "So you already knew the truth because you believed in me in the first place. Where did you hear it first?"

Bumalik ang mapaglarong ngisi nito sa mga labi. Tumayo ito at itinukod ang dalawang kamay sa mesa. Niyuko siya nito sabay bulong, "Saw, not hear..." tumigil ito sandali para mas lalo nitong inilapit ang mukha sa kanya, "In the ledger?"

The hair on her nape stood up. Nagtagis ang mga ngipin niya. So, he was the attacker? Aalis na sana ito pero mabilis niyang hinawakan ang palapulsuhan nito. Tumayo siya at dahil mas mataas ito sa kanya, bahagya niya itong tiningala.

"How do you know that?" Kung anong tigas ng pagkakasabi niya noon, gano'n din kahigpit ang hawak niya sa kamay nito.

He acted as if he just zipped his mouth. "The secret is not mine to spill."

Pinilipit niya ang siko nito patalikod at itinulak paharap sa mesa. Napaigik ito at itinukod ang malayang kamay sa ibaba ng mesa. Pilit itong lumingon sa kanya.

"Ouch! That hurts, Aria!"

Nilingon niya ang kinauupuan ng isang staff pero naabutan niya itong aliw na aliw sa tinitingnan nitong computer screen habang naka-headset dahil abot-tainga ang ngiti nito.

"Tell me, where did you hear about the ledger?" tanong niya kay Adhel. Mas lalo pa niyang itinaas ang pagkapilipit ng braso nito sa likod.

Napapadyak na ito sa paa habang naiiyak. "Ang sakit! Promise! S-Sasabihin ko kapag b-binitawan mo na ako."

Sarkastiko siyang natawa. "Ang galing mong mag-bluff ano? Nagpapa-cool ka pero iyakin ka pala. Panindigan mo ang ipinakitang image mo sa akin."

"Please, Aria! I'm begging you. Ouch! Masakit talaga! Malakas pa ang tibok ng puso ko. Mahihimatay yata ako..." madramang wika nito.

Napailing siya dahil magaan lang naman ang pagkakapilipit niya rito.
Mas lalo itong naimpit sa sakit nang hampasin niya ang parte ng likod nito na sa pagkakatanda niya ay roon niya sinaksak ang taong iyon. May benda nga ang parteng iyon.

"Anong nangyari rito?" tanong niya.

"N-Nasugatan lang a-ako," tugon nito.

"Paano?"

Adhel took a deep breath. "Help! Help!" sigaw nito.

Napatingin siya sa staff na tinanggal na ang suot nitong headset. Napatingin ito sa kanila kaya agad niyang itong binitiwan. Ngumiti siya rito at bahagyang yumuko. Tumango lang ito at isinuot na ulit ang headset.

Humarap si Adhel sa kanya. Hinilot nito ang nasaktang braso. Magkasalubong ang makakapal nitong kilay. "What was that? Why were you so violent?"

Kinuyom niya ang kamao at nagtiim-bagang. "Ikaw ang nauna. You pushed the locker's door to hit my face."

Napasuklay ito sa mahabang buhok gamit ang kamay. "God! I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadya iyon. Isa pa, your revenge is way more painful than what I did. Hindi ka rin naman natamaan."

Lihim siyang napailing. Kung saan-saan na napunta ang usapan nila. "Can we talk now about the ledger and your wound at the back?"

Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Can we have dinner first?"

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon