INILAGAY na ni Aria ang itim na bullcap sa kanyang ulo pagkatapos makapagsuot ng kaparehong kulay na leather mask sa mukha.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Nakasukbit na sa baywang niya ang leather holster na may lamang isang revolver. Dinampot niya sa mesa ang earpiece at isinuot iyon sa tainga. Pinindot niya iyon.
"Joanna?" wika niya.
"Yup, girl! Just give me your signal so that I can borrow the university's security," tugon nito.
"Okay!" saad niya. Kinuha niya ang itim na jacket na nakasampay sa sandalan ng upuan at isinuot na iyon. Maingat siyang lumabas sa kanyang kuwarto.
Sanay ang mga mata niya sa dilim kaya walang problema sa kanya na isagawa ang paglalagay niya ng bugging device sa opisina ni Principal Minyamin ngayong gabi.
Pinipili niyang maglakad sa mga bahagi ng eskwelahan na hindi na kuha ng scope ng CCTV.
"Joanna, get ready! I'm near the building," wika niya nang nasa building na siya ng Sports Department.
"Alrighty!"
She needed Joanna's help in getting in and out of the Faculty Building without much sweat. Alam nito ang blueprint ng university kaya hindi na ito mahihirapan.
Nilinga niya muna ang paligid at tumakbo para makatawid. Isinandal niya ang katawan sa pader ng Faculty Building. Nahagip pa na mga mata niya sa 'di kalayuan ang isang gwardiyang naglalakad.
"There's someone approaching," bulong niya.
"Don't worry. He just turned left before he can spot you," tugon nito.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Okay! I'm ready. You can now open the sliding door."
"Alrighty! I'll close the CCTV cameras inside the building and hold it as long as I can. But the security doors has its own time limit. The alarm will go off in three minutes. It will shut down pero kinakailangan ang ID ng allowed personnel na gagamitin para ma-scan," paliwanag nito.
Matatagalan pa kapag kumuha pa siya ng ID sa mga teachers niya o sa mismong principal. Kapag ginawa naman niya ito sa umaga, wala siyang maidadahilan kung bakit kinakailangan niyang puntahan ang opisina ni Principal Minyamin. Lahat ng transactions o concern ng mga estudyante, idadaan pa sa homeroom teacher.
Sandali siyang pumikit at pinuno ng hangin ang baga. "Three minutes. Got it." Yumuko siya at hinanda ang sariling tumakbo papasok kapag humudyat na si Joanna.
"I'm ready. Are you?"
"Ready as I'll ever be," sagot niya.
"Then go!" Pagkatapos nitong sinabi iyon ang siyang pagbukas ng sliding door.
Tumakbo siya kaagad para makapasok. Dumaan siya sa kaliwang hallway para mapunta sa hagdanan dahil nasa ikatlong palapag pa ang Principal's Office.
Sanay na siya sa mabilisang pagtakbo kaya nang makarating na siya sa tapat ng opisina nito, hindi man lang siya pinagpawisan.
"I already unlocked the door," wika ni Joanna.
Kaagad niyang itinulak iyon. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw. Kinuha niya ang maliit na flashflight sa bulsa ng jacket niya at iyon ang ginamit.
Lumapit siya sa center table na pinapalibutan ng mga malalaki at mamahaling couch. She fished the wireless bugging device in her pocket. She bend down to paste the device on the foot of the small table. That way, no one will notice it even the cleaners.
"You need to get out of there real quick! The security men noticed that the monitors for the cameras blacked out," wika nito. "Gosh! They are supposed to be eating."
"Don't worry. The job's done," wika niya.
"Good. Because you only have a minute to spare."
Papalabas na sana siya nang may nakita siyang isang folder sa main table ng principal. Nilapitan niya iyon para matingnan.
"I can use half of it!" wika niya.
"Aria! There's not much time to waste!" sigaw ni Joanna.
"I know! Just this once..." Kinuha niya ang folder. Hinila niya ang mask pababa para makagat ang flashlight.
Binuksan niya ang folder. Napakunot-noo siya sa nakita. Isang letter na f-in-ax galing sa CEO ng Holston Tech. He planned to meet with Principal Minyamin to talk about the upgrade of the microchip, for the agreed date to move forward.
Ibig sabihin, kapag naturukan na ang test subjects ng microchip, planong kumuha ang mga ito ng kalahati sa populasyon ng mga may microchip sa braso para i-test ang upgraded na microchip.
"This is not good!" usal niya.
"Talagang hindi na maganda ito. Twenty-four seconds na lang ang natitira para makalabas ka. You already used your six seconds time allotment, Aria! You need to get out of there."
Lihim siyang napamura. Kaagad niyang ibinalik ang folder sa dating ayos nito. Kinuha niya ang flashlight at ibinalik muli ang mask sa mukha niya.
Patakbong lumabas siya sa opisina nito. Nasa ikalawang palapag na siya nang magsalitang muli si Joanna.
"Ten seconds left, Aria!" saad nito.
"Goodness!" bulalas niya. Mas lalo pa niyang binilisan ang takbo. Ilang baitang ang nilapasan niya para sa isang hakbang. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.
But she can handle panic well. Kaya nang magsimulang magbilang ng lima pababa sa Joann, nanatili siyang kalmado.
"Five... Four... Three..."
Napalunok siya. Tatlong hakbang na lang ang kailangan para tuluyan na siyang makalabas sa building.
"Two..." ramdam niya ang nerbyos nito.
Siningkit niya ang mga mata. Malapit na. Malapit na malapit na. Ilang metro na lang.
"Close it!" sambit niya nang makalagpas ng ilang dipa mula sa sliding door.
Yumuko siya at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Habol ang hiningang hinila niya ang suot na mask pababa.
"That was close!" wika niya at natawa.
"I hate you! I'm never going to work with you anymore. Nakakaatake ka sa puso!" tugon ni Joanna.
Mas lalo pa siyang natawa. "I miss this kind of thrill." Kinapa niya ang revolve sa ilalim ng jacket. "Mabuti na lang at hindi nagamit ang baril ko." Humikab siya at nag-inat. She can't wait to sleep soundly in her dorm. It's been a long night.
"Get going. I've spotted two guards in the east. You need to take another route."
"On it." Nilibot niya ang mga mata sa buong paligid bago nagsimula maglakad-takbo pabalik sa dorm.
"You really need to master how to manage your time," wika nito.
Napailing siya at napangisi. "I've managed the time well. It's you who need to master how to be calm when working with me."
Natawa ito. "Kaya ka nababaril!"
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...