"Y-You..." usal ni Aria. Napakunot ang noo niya nang lumagpas ang tingin nito sa kanyang balikat. Doon niya napagtantong hindi para sa kanya ang tanong nito kundi para sa taong nasa likuran nila.
Dahan-dahan siyang tumalikod. Napalunok siya nang makita ang bagong dating na si Adhel na nakaawang ang mga labi. Betrayal was reflected in his eyes when their gaze met. Kapagkuwa'y nilipat nito ang paningin sa dala niyang baril.
She stood there for a moment, staring at him. Pero naalala niyang hindi pa pala tapos ang kanyang ginagawa. Kaagad siyang humarap sa assassin. Itinutok niya ang baril dito pero kaagad din niyang naibaba iyon at napamura nang wala na ito sa dating kinatatayuan.
Wala siyang nagawa kundi ang lumingon ulit kay Adhel. Naglakad siya papalapit dito habang isinukbit muli ang revolver sa baywang niya.
"Are you crazy? I said later!" bulyaw niya.
Napakurap ito at napalunok. "W-Who are you?"
Lihim siyang napairap. Halatang hindi nito nakita ang assassin kaya kahit papaano'y nakahinga siya nang maluwag. Sasagot pa sana siya pero nagsimula nang tumunog ang emergency bell ng unibersidad. Kasunod niyon ay ang boses ni Principal Minyamin.
"Students, return to your respective dorms. Do not panic. Again, do not panic! As of today, the university will be on lockdown. Do not force yourself to go out from the university grounds because if you do, you will be suspected. Thank you for your cooperation!"
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Adhel. Akma siyang tatakbo pero hindi ito kumilos. Inis niyang nilingon ito.
"I will properly explain later, okay? For now, we need to get out of here. We need to get back!" wika niya.
"D-Did you kill C-Congressman Santos?" tanong nito. His eyes were staring at hers. As if checking the truth with just her gaze.
She shook her head. "I'm not the one who shot him. He's not dead yet and he won't be."
Tumango ito kaya hindi na siya nag-alangang hilahin ito ulit. Sabay silang tumakbo patungo sa dormitory.
NAKATAYO si Aria sa labas ng kanyang kuwarto bandang ala una ng hapon. Naroroon din ang mga occupants ng mga kuwartong katabi niya.
Sa ngayon, nasa loob ng dorm niya ang tatlong unipormadong lalaki na parte ng security group para manghalughog ng mga gamit niya.
They were looking for the weapon that was used to shoot Congressman Santos. At bago pa mangyari ang raid, nalinis na niya ang lahat ng kanyang mga gamit. Pati ang balang bumasag sa salamin niya noon.
Wala pa ring estudyante na puwedeng makalabas. Although, may nakikita na siyang sunod-sunod na mga sasakyan ang pumasok.
Napalingon siya nang lumabas ang tatlong lalaki. Lumapit ang isa sa kanya habang dala-dala ang attendance sheet ng section niya.
"Anong pangalan mo?" wika nito.
"Aria Montessa," tugon niya at bahagyang yumuko.
Kinuha nito at tiningnan ang suot niyang ID. Itinapat nito ang scanner sa barcode na nasa likod ng ID niya. Lumapit ang kasama nitong may dalang tablet. Sinilip niya kung anong tinitingnan ng mga ito sa screen. Isang kuha ng CCTV sa mga estudyanteng nandoon sa field.
Napalunok siya. Ini-scan ng program kung nandoon at nakikita ba siya sa CCTV nang mga oras na nabaril si Congressman Santos. But she knew that she wasn't there. Umalis na siya kaagad pagkatapos maibigay sa classmate niya ang attandance sheet.
She wanted to shoot her her foot for being reckless. Clearly, she just underestimated the university's security.
"Nandito pala siya," wika ng lalaking may hawak sa tablet.
Natigilan siya. Sinulyapan niya ang screen at may kulay berdeng parihaba ang lumabas. May nakasulat na 'POSITIVE' sa loob niyon. Nakahinga siya nang maluwag nang lumipat na naman sa kasunod niyang kuwarto ang mga lalaking iyon.
Mabilis siyang pumasok at nag-lock ng pinto. Nakakalat na naman ang nga gamit niya na basta na lang hinalungkat ng mga ito. Tumunog ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito mula sa bulsa. Isang tawag mula kay Joanna.
"Hello?"
"Director Rommel needs a summary. Please report directly to him. Situation?"
"Got it. Ni-raid nila ang dorm ko pero wala rito ang mga baril ko. Nasa classroom namin. For sure, they won't go there," wika niya. Pero sa loob-loob niya, hindi siya sigurado sa sinabi.
"Alrighty! By the way, I made you look like your present in the university grounds. Don't worry about it. Tawagan mo ako kung may kailangan ka."
Tumango siya. "Okay. Thanks a lot." Akma niyang ibababa ang cellphone pero narinig niyang muli ang boses nito.
"And before I forgot. The boy that you're looking for..." nagpakawala ito ng malalim na hininga, "I met him here in one of the training rooms."
Napaawang ang labi niya. "What do you mean? It can't be that..."
"Yes, he's an agent in training," pagkumpira nito sa iniisip niya.
Napahigpit ang hawak niya sa cell phone habang nakakuyom ang isang kamao. "I understand. T-Thanks for the information," aniya at pinutol na ang linya.
Pabagsak siyang naupo sa sahig. Hindi na niya namalayan na nauna na pala niyang nabitawan ang cellphone. She hugged her knee and rested her forehead on there. Mariin siyang napapikit. She didn't know what to think anymore.
The boy that she can't name was supposed to be just living as a boy. Not practicing how to become a murderer and how not to be a cold body in the midst of a mission.
Pero sarkastiko siyang natawa. Ganoon din pala ang takbo ng buhay niya. She wanted to stop the spinning wheel but everytime she did that, situations came and it will lead her to spin the wheel more. Until she found herself drawn into it that she almost forgot that it can be stopped.
Muling tumunog ang cellphone niya. Kinapa niya iyon sa sahig. Kaagad niyang sinagot iyon nang hindi tinitingnan ang screen.
"Hello?" bungad niya.
"Are you okay?"
Boses ni Adhel ang kanyang narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit nag-iinit ang mga mata niya. Mas diniin pa niya lalo ang kanyang noo sa ibabaw ng mgs tuhod niya nang maramdamang aagos na ang luha. She can't remember the last time she cried. But she had the feels that it was ages ago.
"Wala ka sa grounds noong nabaril si Congressman Santos! Nasaan ka ngayon? Dinala ka ba ng mga security sa interrogation room? Did they suspect you?" sunod-sunod na tanong nito.
"You believed me," wika niya. It wasn't a question but a mere statement.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Of course. Just as how I believed you last time. And I'll always trust you, Aria. Remember that," sambit nito.
Hindi niya mapigilan ang mapahikbi. She don't like to talk. She just wanted to pour her heart out. She had a big responsibility ahead of her. She needed to protect the country. Pero nagtataksil na yata siya dahil sa kabila noon, she was worried about the boy whom she can't name.
And Adhel... he made her wanted to just enjoy high school. To worry about simple things like assignments and projects. To worry what strand she would take when she finished Grade 10. Those kind of things. Not ideal, but definitely worth to live for.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...