Chapter 06

272 26 7
                                    

"FULL name?"

Napatingin si Aria kay Erole. Halata sa mukha nito na hindi ito interesado sa ginagawa. Sumandal siya sa upuan.

"Kailangan pa ba iyan?" balik-tanong niya rito.

Tinaas niya ang isang kilay nang sinamaan siya ng tingin nito. It really didn't work for her.

Tumikhim siya. "Aria Montessa."

"Parents and their work?" tanong nito matapos isulat ang pangalan sa recruitment form.

Napalunok siya. "Orphaned," tipid niyang wika.

Natigilan ito at napatitig sa kanya. "You don't look like one," komento nito.

Nagkibit-balikat siya. "You and your stereotyping!"

Napangisi ito. "Did I just hit a nerve?"

She pursed her lips. Gusto niyang burahin ang ngisi sa labi nito at palitan ng putok.

Inilapag nito sa mesa ang ballpen na ginamit. Pinagsalikop nito ang mga palad. "Are you ready for the Level Three?"

Nagkibit-balikat siya. "Ready as I'll ever be," tugon niya.

Akmang tatayo si Erole pero nag-vibrate ang cellphone na nakapatong sa mesang pumagitna sa kanilang dalawa.

Dinampot nito iyon at binasa ang text message na natanggap. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagdilim ng mukha nito.

"Damn!" bulong nito. Mariin itong pumikit at nagpakawala ng malalim na hininga. Tumingin ito sa kanya. "We need to postpone the Level Three. I have something more important to do," wika nito.

Tumango siya. "It's fine." Madali naman siyang kausap.

Hindi na ito sumagot at nagmamadali nang umalis sa tent. Naiwan siyang mag-isa. Napatingin siya sa mga folders na naka-pile sa mesa. She pulled out a random folder and opened it.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. It was Gwen's profile. Bakit ito nandito? At anong kinalaman ni Gwen sa Cosmos?

BINUKSAN niya ang bintana matapos i-check ang kabuuan ng kanyang kwarto. Hindi niya nakita ang mapangahas na taong pumasok sa loob.

Tiningnan niya ang orasan na nasa dingding. Isang minuto na lang ang natitira. Umupo siya sa stool at tahimik na nagbabantay kung alin ang unang bumukas. Ang kurtina ba sa bintana niya o ang pinto na hindi naka-lock?

Ilang sandali pa ang lumipas, lihim siyang napangisi nang may dalawang magkasunod na paa ang tahimik na lumundag papasok sa kwarto niya mula sa bintana. Hinawi nito ang kurtina.

Gaya ng dati, nakaitim na overall ito at balot ang buong ulo. May screen ang mga mata nito kaya kahit nakikita nito ang paligid, hindi niya nakikita ang mga mata nito. Body built lang ang tanging clue niya para ma-identify ito.

"You're a minute late," puna niya.

"Traffic," sagot nito.

Napangisi siya. Itinulak niya ang isa pang upuan na nasa gilid niya papunta sa kinatatayuan nito.

He used his foot to stop it. "Hindi ako narito para makipagkuwentuhan."

"Bahala ka kung ayaw mong umupo," wika niya. Dinampot niya ang backpack na nasa sahig at binuksan iyon. Kinuha niya ang isang hindi-kalakihang notebook. Itim na leather ang cover nito. Sinipat niya iyon. "This is what you want, right?"

"Akin na iyan!"

"Not so fast. You need to state your name and where you came from. Para naman alam ko kung saan ko ipinagkatiwala ito, hindi ba? Saka isa pa pwede bang huwag mong halughugin ang buong kwarto? Ang hirap ayusin. Kung ikaw ako, sa tingin mo, sa ilalim ng kama ko ito itatago?"

Mabilis yatang uminit ang ulo nito dahil naglabas ito ng handgun at itinutok sa kanya. May silencer na nakakabit sa bunganga ng baril kaya napagtanto niyang handa itong pumatay.

"Sinasayang mo ang oras ko, Aria."

"Teka lang! Lahat naman nadadaan sa mabuting usapan."

Naalerto siya nang tanggalin na nito ang safety lock. Siningkit niya ang mga mata. His index finger was ready to pull the trigger.

Napayuko siya nang kalabitin na nito ang baril. Narinig niya ang pagkabasag ng salamin na nasa vanity table sa likuran niya pero hindi na niya tiningnan pa iyon. Binitawan niya ang ledger. Sinugod niya at dinamba ito gamit ang balikat niya. Niyakap niya ito at itinulak hanggang sa matumba sila.

Kaagad niyang pininid sa sahig ang kamay nitong may baril. Inilagay niya ang isang braso sa leeg nito at ibinuhos ang buo niyang lakas doon. Nasa tiyan nito ang isang tuhod niya.

Napaigik ito sa sakit. Paulit-ulit niyang pinalo ang kamay nitong may hawak na baril hanggang sa lumuwag na ang pagkakahawak nito. Agad niyang ginamit ang isang paa para sipain ito palayo. Napunta sa ilalim ng kama niya ang baril.

Napakislot siya sa nadamang sakit dahil sa nabinat na hita. Nakawala ito sa pagkubabaw niya nang ginamit nito ang isang kamay para hilahin ang buhok niya. Napahiga siya sa sahig.

"That's not fair," sambit niya.

Akma itong bumangon para kunin ang ledger na nasa sahig. Pero hinawakan niya ang binti nito at malakas na hinila. Nadapa ito.

"You can't have that!" wika niya.

Sinipa siya nito at tumama sa kanyang mukha ang talampakan ng sapatos nito. Nauntog ang ulo niya sa sahig dahil sa lakas at nabitawan niya ang binti nito. Suminghot siya dahil pakiramdam niya ay dumugo ang ilong niya.

Kahit na nahihirapan, sinikap niyang tumayo. Naabutan niyang ilang dipa na lang ang layo para maabot nito ang ledger.

Kahit masakit ang katawan niya, lumundag siya at inapakan ang likod nito. Para makaipon ng momentum, tumalon siya mula sa likod nito. Nag-land ang isa niyang paa sa ibabaw ng kamay nitong nakahawak na sa ledger.

Kapos ang hininga niyang yumuko para kunin iyon. Hindi pa rin niya pinakawalan ang kamay nito.

"G-Get off me," wika nito. Sinusuntok ng isa pang kamay nito ang binti niya pero dahil kaliwa ang gamit nito, wala itong lakas masyado.

"Not so fast!" wika niya. Kinuha niya ang isang hunting knife sa ilalim ng drawer sa mesa. Mahigpit ang kapit niya sa handle nito. Walang ano-ano'y ibinaon niya ito sa likod ng lalaki.

"Aahhhh!" sigaw nito sa sakit.

Napangisi siya. Iniwanan niyang nakataob ang kutsilyo sa likod nito dahil alam niyang kapag bubunutin niya, aagos nang malakas ang dugo. Maglinis ng mantsa ng dugo sa sahig ang pinakaayaw niyang gawin. Tumayo siya at umatras.

Mabilis itong nakabangon habang dinama ang parteng nasaktan.

"Leave! At sabihin mo sa nagmamay-ari sa iyo na nainsulto ako. Hindi ikaw ang dapat kong kalabanin. Masyado ka pang mahina. Magtraining ka muna nang maayos!" Naramdaman niyang may umagos na mainit na likido mula sa kanyang ilong. Pinunasan niya iyon gamit ang likod ng palad. Natawa siya nang makita ang dugo. "Ayos, ah! First blood ka roon!"

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon