Chapter 22

200 19 4
                                    

NAKANGANGA ang lahat ng miyembro ng Cosmos Fraternity, maliban kay Adhel, habang tinitingnan si Aria na naglalagay ng iba't ibang uri ng baril at bala sa mahabang mesa.

Nasa underground ng Cosmos Headquarters sila ngayon dahil baka makita sila ng mga security na maya't maya ang pagro-roving.

"What the hell is she doing?" nagtatakang tanong ni Gwen sa tabi niya.

He shrugged. "Just as she always did," wika niya.

Naramdaman niyang tiningnan siya ni Gwen pero nanatiling nakabaling ang kanyang mukha sa direksyon ni Aria.

"You know about this?" wika nito.

Umiling siya. "Nope."

"Gosh! You're unbelievable!" bulalas nito. "What am I even doing here?" bulong nito.

Kinuha ni Aria ang wireless mic na nasa ibabaw ng mesa nang matapos na ito sa pag-oorganisa. The underground room was built soundproof kaya hindi nakababahala na may makarinig sa labas.

"Sigurado akong nagtataka kayo kung bakit ko kayo ipinatawag dito. I have already done showing you the 157 slides of presentation as to why that Microchip Body Insertion is not good for each one of us." Tumingin ito isa-isa sa kanila. Walang kumilos o nagsalita kaya nagpatuloy ito. "Those senators and congressmen I have shown you earlier colluded with the United States of America to prepare for war. And when that time comes, we don't have any choice but to do the things dictated by those powerful people. Habang maaga pa, tatapusin na natin ang kahangalang ito."

He stared at her expression. Walang buhay ang mga mata nito. Ni hindi niya alam kung totoo ba ang galit sa boses nito dahil walang emosyon siyang nakikita sa mukha nito.

Naalala niya noong nakatingin ito sa mga batang naghahabulan sa field. May ngiti sa mga mata at labi nito at maliwanag ang mukha. She probably dreamed of a normal life but things happened which lead them to meet each other.

"There are probably 30 of you here. Kung hindi kayo sang-ayon sa mga plano ko at kung hindi ninyo gustong madamay sa gulong ito, you all can leave in this room." Ngumiti ito saglit pero hindi umabot sa mga mata nito. "I understand how frightening it could be. Kung sinong mananatili, hindi ibig sabihin na mas matapang kayo sa mga mauunang umalis. We all have different priorities and I respect those."

Nagtama ang kanilang mga mata. Her gaze at him linger more than she looked at others. And right then, Adhel can tell that she was hoping. She was wishing that everybody could stay and that everyone would help. And he will not let her down.

Humigpit ang kapit ng mga kamay niya sa armrest. He pushed them to stand up. Napatingin sa kanya ang lahat at napasinghap. Naramdaman pa niyang hinila ni Gwen ang manggas ng damit niya.

"This is crazy! Are you even thinking? This shouldn't be happening!" wika nito habang hawak ang noo.

Niyuko niya ito at nginitian. "Sometimes, we do things out of our comfort zone." Binaling niya ang tingin kay Aria na matamang nakatitig din sa kanya. "And I want to choose to do this crazy thing because I know that it will happen just once."

Naglakad siya patungo sa harap at tinabihan si Aria. Hinarap niya ito at hinawakan ang magkabilang-balikat. Ngumiti siya. "Sometimes, the only way to make a certain thing to happen is by voicing out your true intentions. Show them and say to them what you really want. Don't say other truths; just say yours. They will listen. Trust me."

Napakurap ito at napalunok. Nagpakawala ito nang malalim na hininga. Bumitaw siya rito at umatras.

Unti-unti itong humarap sa iba pa nilang kasama. Tumikhum muna ito bago nagsalita. "I... I really w-want your h-help, though. Kaya kung maaari lang sana, tulungan ninyo ako. It is my mission as an agent, yes, but I want to make history together with all of you here in San Carlos University."

Lihim siyang napangiti. Napatingin din siya sa mga kasama. May isang tumayo, na sinundan ng isa pa, ng dalawa hanggang sa halos lahat. Naiwang nakaupo si Gwen. Nakatingin ang lahat dito. Umirap ito at umismid pero kalaunan at tumayo na rin.

Napatingin siya kay Aria nang makita niya sa gilid ng mga mata na binalingan siya nito.

Matipid itong ngumiti at marahang tinapik siya sa likod. "It worked," wika nito.

Napangiti na lang siya at sinuklay ang mahabang buhok. She probably thought he was cool. And that's enough for him.

"Don't worry, Aria! You got our cooperation," saad ni Green na isa sa mga unang tumayo.

"It's time to show them the consequences of getting into the school's bad side. Ang kapal ng mga mukha nilang pumasok at pakialaman ang kapayapaan ng mga estudyante rito!" pasigaw na sabi ni Desmond.

Napatingin ang lahat rito. Nakakunot ang noo nito habang pinagtagpo ang mga nakakuyom na kamao sa gitna ng dibdib. Natahimik ang buong kuwarto hanggang sa nagsalita si Green na katabi lang nito.

"Wow! It's the first time I've seen you like that!" natatawang wika nito at tinapik ang balikat ng lalaki.

Natigilan si Desmond at inayos nito ang pagkakaupo ng eyeglasses sa ilong nito. Tumikhim ito at halatang nahiya sa ginawa. "T-There's always a first time, Bro."

Wala nang nakapagpigil nang magsimulang tumawa ang lahat.

"Being a class president and a frat leader suit you," wika niya kay Aria.

Napailing ito at nagkibit-balikat. "You think so?"

Tumango siya. "I definitely think so."

"By the way, can you now tell me what happened to the wound at your back?" tanong nito.

Napaawang ang labi niya. "Wah! I can't believe you. All this time, hindi pa rin nawawala sa isip mo ang bagay na iyan?"

"Well, it's not bad to punch you again if you won't tell me this time!" saad nito habang iniikot-ikot ang nakakuyom na kamao.

Napalunok siya. "I'll tell you, okay! My brother and I were required to train fencing. He holds a grudge on me that's why he intentionally stab me," paliwanag niya. They were not in good terms since he can remember.

"I see." Naglakad ito palayo sa kanya at lumapit sa mesa. Kumuha ito ng isang handgun. Tinanggal nito ang cartridge at nagsimulang lagyan ng mga bala.

Lumapit siya rito. "Anong gagawin mo riyan?"

"Just in case there were people at the door the moment we get out of here," wika nito na parang wala lang.

Napalunok siya. "Jesus! You're talking about killing people."

Ngumisi ito sa kanya. "I know!"

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon