HINDI pumasok si Aria sa mga klase niya kinabukasan. Nasa dorm lang siya at naka-indian sit sa ibabaw ng kama habang may katabing isang bowl ng cereal.
Buong umaga siyang nakaharap sa kanyang laptop habang pinapakinggan kung ano na ang nangyayari sa Principal's Office.
Napatuwid ang likod niya nang marinig niyang bumukas ang pinto. Napasulyap siya sa orasan na nakakabit sa dingding. Ngayon ang napag-usapang oras ng mga ito. Baka ito na ang CEO ng Holston Tech. Hindi nga siya nagkamali dahil nagsalita kaagad si Principal Minyamin.
"Good morning, Mr. Landon," bati nito. "Have a sit!"
Mas lumakas ang reception ng mga ito kaya napagtanto niyang nasa couch na ang mga ito at naupo.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Mr. Minyamin at sasabihin ko na kung anong sadya ko rito," paunang wika ng isang matandang lalaki. "May ilang pagbabago ang magaganap sa close beta testing. Kapag tapos nang ma-implant lahat ng mga estudyante sa junior high, we will separate the Grade 7 and Grade 8. We will upgrade their microchips that is supposed to be realeased on 2025. Kung maganda ang result, then we can release that upgraded microchips to the public once the bill becomes a law."
Naikuyom niya ang kamao. They were targetting the young ones. Naisip niya ang batang naging kaibigan niya. Hindi pa pala niya natanggal ang microchip sa braso nito.
"Hindi ba parang maaga naman yata iyan, Mr. Landon?" wika ni Principal Minyamin.
"The earlier, the better. Matitingnan natin ang mga pagkukulang sa old version. Rest assured, the students are safe. There are also medical health teams that will be deployed in the whole duration of the testing. The Philippine Crime Investigation Services will also accompany us although hindi natin malalaman kung sino-sino. They will be observing us in a discreet manner," sagot nito.
The PCIS will be here? Hindi niya alam iyon. Saka wala ring nabanggit sa kanya ang kanilang Commander-In-Chief.
"Very well, Mr. Landon! I trust you in this venture of yours. We, the university, hope to bring such a positive change to our country," sambit ni Principal Minyamin na sinundan ng tawa.
'Moron! Such a clueless person.' wika niya sa sarili. Ni hindi man lang nito naisipan i-fact check ang lahat ng impormasyong natanggap nito. Inis niyang tinanggal ang headphones at isinara ang laptop.
Tumayo na siya at kinuha ang bowl ng cereal. Tinapos niya iyon at dinala sa sink. Habang naghuhugas ng plato, hindi niya maiwasang mag-alala roon sa batang hindi niya alam ang pangalan.
Nagbihis siya kaagad nang matapos. Malapit nang mag-alas dose kaya gusto niyang abangan sa labasan ng classroom ang batang iyon. Well, only if he would believe her.
Nasa unang palapag lang nakapuwesto ang mga sections ng Grade 7 habang nasa ika-apat ang sa kanila. Tumunog na ang bell hudyat ng lunch break pero hindi pa siya nakakararing doon kaya tumakbo na siya.
Namataan niyang naglabasan na ang mga bata sa unang room kaya doon siya unang lumapit.
"Nasaan ang class president ninyo?" tanong niya sa isang batang babae.
"Iyon po," wika nito at itinuro ang kalalabas na batang babae na naka-pigtails ang ayos ng buhok.
Napailing siya. Hindi iyan ang hinahanap niya. Nagpasalamat siya rito bago umalis. Sunod niyang pinuntahan ang ikalawang classroom. May tatlong sections ang Grade 7 kaya mabilis lang niyang mahanap ang batang iyon.
"Sino ang class president ng section ninyo?" tanong niya.
Itinuro naman nito ang isang batang lalaki pero hindi iyon ang hinahanap niya.
"Last room," wika niya sa sarili. Naglabasan na rin ang mga ito kaya tinanong niya ang unang batang lumabas ng room.
"Nasaan ang class president ninyo?" wika niya.
Lumabi ito at umiling. "Hindi po pumasok, eh! Absent."
Lihim siyang napamura. Saan ba kasi nagpunta iyon? Saglit siyang napaisip. Hindi niya alam kung saan ang dorm nito.
Napasinghap siya nang maisip ang pangalan ni Erole. She needed to ask him as to where his little brother was. Naglakad na siya papunta sa Cosmos Headquarters. Sigurado siyang nandoon ito dahil lunch break na.
Pagkabukas niya ng pinto, naabutan nga niya si Erole doon pero hindi ito nag-iisa. Nakita niya sina Gwen, Adhel at iba pang frat members.
Napatingin sa kanya ang lahat pero hindi na niya pinansin ang mga ito. Binalingan niya si Erole. Tumayo ito at sinalubong siya.
"Where's your brother?" tanong niya.
Kumunot ang noo nito. "Brother?"
"Your little brother. The one I sat beside with during the Cosmos recruitment. Hindi siya pumasok," wika niya.
To her suprise, Erole laughed. Nilingon nito ang mga kasama. "Guys, do I have a brother?"
Napatingin din siya sa kasama nito. Umiling ang lahat. Pati na si Gwen. Si Adhel naman ay iniwasan ang tingin niya at yumuko pero madilim ang mukha nito.
"See? What are you talking about?"
Napabuga siya ng hangin. This is not right. She took a deep breath. "Iyong batang sinabihan mong sumali sa frat para hindi na ma-bully. Hindi mo ba kapatid iyon? I know you're adopted but it still classifies him as your brother, right?"
Nag-igting ang panga ni Erole. "You just hit a nerve right there."
Umiling siya. "I'm sorry! I didn't mean to. But I really need to find him, Erole. If you know where he is, can you tell me, please? Importante lang."
Bumagsak ang balikat niya nang umiling ito. "He's not my brother. Ni hindi ko nga iyon kilala. I'm sorry pero lumabas ka na. May mahalaga rin kaming pinag-uusapan."
Tumayo si Gwen at nilapitan siya. Ngumiti ito at hinaplos ang balikat niya. "Stop wasting your time on missing people, Aria. I-focus mo na lang ang attention mo sa mga kaklase natin. You know, they were disappointed in you. I don't like to see my friend turns into an outcast."
She pursed her lips. Hinawakan niya ang braso nito at dahan-dahang ibinaba. "I don't appease people, Gwen. Because I don't care what they think. Either they like me or not, it's up to them." Tiningnan niya si Erole. "I'm sorry. I really do." Tumalikod na siya at umalis sa headquarters ng mga ito.
Kinuha niya cellphone at pinindot ang number 1 sa speed dial. Mabilis naman itong sinagot ni Joanna.
"I need a favor from you," wika niya.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...