Chapter 08

265 20 0
                                    

INILAPAG ni Erole ang first-aid kit sa harap ni Aria. Nakahawak siya sa kaliwang braso habang nakahila at nakatupi pataas ang manggas ng kanyang puting t-shirt.

"Ano ba kasing gagawin mo riyan?" tanong ng lalaki.

Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang kit. Gusto niyang magtanong kung bakit may scalpel at tweezer ito dahil malimit itong masali sa listahan ng mga dapat bilhin para sa isang first-aid kit. Pero nagdesisyon siyang palampasin na lang iyon.

Kinuha niya ang nakatuping bandage at inilatag iyon sa mesa. Dinampot niya ang scalpel at tweezer at ipinatong iyon sa tela.

Tiningnan niya si Erole na focused ang tingin sa ginagawa niya. Napatingin ito sa kanyang mga mata nang mapansing huminto siya sa ginagawa.

Bahagya siyang ngumiti. "Can you give me a mirror? Kahit iyong maliit lang!"

Kumunot-noo ito. "Damn! Walang salamin dito sa headquarters. Ano bang gagawin mo? Maybe cellphone will do."

Umiling siya. "Wala akong cellphone. Your phone will do. Tapos pakihawak na rin para makita ko ang braso ko."

Sandali itong pumikit kapagkuwa'y kinuha ang cellphone mula sa likod ng bulsa ng pantalon nito. Hinila nito ang silya sa tabi niya at umupo. Sinet nito ang cellphone sa front camera. Sakto naman ang pagkakapuwesto nito kaya hindi na kailangan galawin pa.

"Ano bang klaseng babae ang walang salamin sa bag at cellphone?" bulong nito.

"Huwag kang mag-alala. Bibili ako bukas," naiiling niyang wika. Dinampot niya ang bote ng saline solution at ibinuhos doon sa scalpel at tweezer.

Nang matapos, kinuha niya ang scalpel. Itinukod niya ang kaliwang siko sa mesa. Tiningnan niya ang repleksyon ng braso sa cellphone nito.

Akmang hihiwain na niya ang braso nang pinigilan siya nito gamit ang isa pang kamay.

"Anong gagawin mo? Susugatan mo ang sarili mo? Baliw ka na ba?" sunod-sunod na tanong nito.

Napako ang paningin niya sa kamay nito. "Anong nangyari sa kamay mo?" wika niya. Napansin niyang namamaga ito at kulay blue-violet gawa ng pasa.

Nag-iwas ito ng tingin at binitawan siya. "Bahala ka kung anong gagawin mo!"

"What happened to your hand? May sugat ka rin ba sa likod?" Napahigpit ang kapit niya sa scalpel. Dahil kung ito nga ang nakaaway niya noong gabing iyon, hindi siya magdadalawang-isip na isaksak ang hawak niya sa leeg nito.

"What are you talking about? Napaaway lang ako," wika nito.

She gritted her teeth. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Dahan-dahan niya ibinaon ang matulis na parte ng scalpel sa braso niya at hinila pababa. Nang tantiya niya'y sapat na ang hiwa noon, kinuha niya ang tweezer at inilagay sa gitna ng hiwa. Mas lumakas ang daloy ng dugo.

"What the fuck?" bulalas nito habang nakatingin sa ginagawa niya. "Hindi ba masakit?"

Natawa siya. "Siyempre, masakit!" But the pain of what she's been through was way bigger than this small cut of her skin. "May kukunin lang ako. Saka consider this the Level Three of the Cosmos Recruitment hazing."

She pushed the tweezer further inside until she sensed the thing that was inserted in her arm earlier. Hindi niya ininda ang hapdi at sakit. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan na niya itong mahila palabas.

Tiningnan niya ang maliit na bagay na nakaipit sa tweezer. Puno iyon ng dugo pero kita ang maliliit na linya na kulay ginto na parang barcode sa isang side ng microchip.

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon