Chapter 07

273 22 3
                                    

NAGSUOT ng itim na hoodie sa Aria na basta na lang niyang kinuha sa kanyang aparador. Inilagay niya ang mga coins na pera sa bulsa niyon at kinuha ang school ID bago lumabas.

Kinakailangan niyang i-report sa agency ang nangyari sa kanya. Better yet to be prepared. Wala siyang kahit anong devices na pwedeng maka-connect doon dahil break niya. May nakita siyang payphone sa gilid ng Sports Department kaya doon ang kanyang tungo.

Sinalubong siya ng malamig na hangin paglabas niya. Alas otso na ng gabi at may curfew na mamayang alas nueve pero hindi na dapat niya paabutin ng umaga ang pag-report. Pinalipas na niya ang unang engkwentro nila ng lalaking iyon.

Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa harapang bulsa ng jacket. Wala na siyang nakitang mga palakad-lakad na nga estudyante. Pero may namamataan siyang iilang mga pusa.

Bago pa siya makarating sa hiwalay na building ng Sports Department mula sa kanyang dorm, tatawid muna siya sa isang kalsada na konektado naman sa Gate 4 ng SCU. Kaya nang makita niya ang malakas na headlight ng sasakyang paparating, hindi na muna siya tumawid. Sumandal siya sa pader at sinuguradong hindi siya mahagip sa paningin ng kung sino man ang dumating.

Iniusli niya ang kanyang ulo at sumilip. Napasinghap siya nang makitang marami pala ang nakasunod sa naunang sasakyan. Parang convoy ng isang mahalagang tao.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang huminto ang mga ito sa building na katabi ng Sports Department. Kung hindi siya nagkakamali, naroroon ang opisina ng mga guro at principal ng Junior High.

Isa-isang nagsibabaan ang mga sakay. Naka-business suit ang mga ito at may dalang tig-iisang hindi kalakihang karton.

May isang malaking lalaki ang bumaba mula sa unang sasakyan. Wala itong dalang kahit ano maliban sa flashlight. "Ingatan ninyo ang mga iyan. Huwag ninyong ibabagsak!" wika nito.

Ano kaya ang idini-deliver ng mga ito disoras ng gabi? Imposible namang may nag-order na mga teachers online. Sigurado siyang wala ng tao sa building na iyon dahil nakapatay ang ilaw sa lahat ng opisina. Tanging ilaw lang sa hallway ang iniwang nakabukas.

Naghintay pa siya ng ilang minuto bago natapos ang mga ito at nakitang umalis na. She looked to her left and right before crossing. Nakahinga siya nang maluwag nang nasa harap na niya ang isang lumang payphone.

She inserted coins and dialed a certain number.

"Hello?"

Napangisi siya nang marinig ang walang ganang boses ni Joanna sa kabilang linya. Night shift ang duty nito sa agency ngayong buwan.

"This is Aria!" wika niya.

Napasinghap ito. "Why? Is there any emergency?" tugon nito na parang nagising niya lahat ng natutulog na brain cells nito.

"I've been attacked. Twice. Identity not confirmed yet. Young man, 160-170 centimeters, nasa 40-50 kilograms."

"Parang malnourished naman yata ang lalaking iyan," wika nito.

Natawa siya. "But he's good in battle, though."

"Alright! I'm on it." Naririnig niya ang malakas at mabilis na pagtipa nito sa keyboard. "I already tracked your location. Saka hihiramin ko lang ang CCTV footage ng SCU."

"Thank you!"

"Welcome. Expect updates every two to three days. Cellphone?"

Napatungo siya. "None. Hindi nag-issue ng kung ano ang agency. Break ako ng isang taon."

"Tsk. Too bad. Anyway, just call me with the same method you used. Visit me some time. I'll gladly sign up to give you arms and ammunitions," wika nito at tumawa.

"Sure. I'd like that," wika niya. Binaba na niya ang telepono. Tiningnan niya ang paligid. Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa paligid.

Lakad-takbo ang kanyang ginawa para makatawid pabalik sa dorm. Ginamit na lang niya ang hagdan dahil baka may makasalubong pa siya sa elevator.

||

NAPATAAS ang kilay ni Gwen nang makita ang papasok na si Adhel habang namimilipit sa sakit ang mukha. Bahagya nitong minamasahe ang balikat.

"Anong nangyari sa iyo?" wika niya. Tumayo siya at sinalubong ito. Inalalayan niya itong maupo sa couch.

"Masakit ang likod ko," tugon nito at nag-iwas ng tingin. "Nabinat yata. Nilagyan ko na ng pain relieving patch. Nandito na ba si Erole?"

Umiling siya. "Wala pa pero papunta na iyon dito. Ano ba kasing pag-uusapan natin at sinali niyo pa ang mga officers ng frat?"

Tiningnan niya ang relong-pambisig. Mag-aalas siete na ng gabi. Naglalagay na sana siya ngayon ng facemask habang nanunuod ng TV sa dorm. Oras na ng pahinga niya pero tumawag ng emergency meeting si Erole. Kaya no choice kundi ang pumunta sa Cosmos Headquarters na malapit lang naman.

"Tungkol kay Aria," wika nito. Dahan-dahan nitong inilapat ang likod sa sandalan ng couch. "Ouch!" impit nito pero nagtagumpay naman ito sa pagsandal.

Lihim siyang napailing. Saan naman kaya ito nakipag-away? Pero natigilan siya nang maproseso sa utak niya ang sinabi nito. "Kay Aria? Why? What about her?"

"Bakit mo ba siya ni-nominate?" kunot-noong tanong nito.

Natawa siya. "Secret!" Pangalawa na ito sa nagtanong kung bakit niya ginawa iyon. Well, firstly, she just wanted to become a kingmaker.

Napangisi ito. "If you think that you can control her, then think again. Hindi man sinabi ni Erole pero sa tingin ko siya ang pinakamabilis na natapos sa initiation."

Nagkibit-balikat siya. "Let's see. Saka ikaw naman ang nag-close ng nomination, ah!"

"I also want to see what she is capable of," sagot nito. "I sneaked into my father's office. And guess what, he has Aria's records. Hindi naman usually nagtatago ng mga record ng estudyante si Daddy kaya..." nagkibit-balikat ito, "na-curious ako."

Siningkit niya ang mga mata at pinilig ang ulo. "That's weird," wika niya. Sa pagkakaalam niya, nasa line ng military ang trabaho ng Daddy nito. "Hindi kaya ex-convict si Aria?" She shook her head. The thought sent shivers to her skin.

"We can't be sure of that. Tingnan lang natin sa mga sumunod na araw," wika nito.

Kapwa sila napatingin sa pinto nang pabalang ang pagkabukas nito. She can't help but to shout at the top of her lungs while Adhel stood up, alarmed. Hindi sila makapaniwala sa nakita nilang dalawa.

Dahil iniluwa ng pintong iyon ang duguang si Erole.

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon