HINDI pa sumisikat ang araw nang magising sina Adhel at ang kanyang mga kasamahan kinabukasan. Nakaririnding pakinggan ang napakalakas na pag-static ng mikropono. Lumabas ang lahat sa kanya-kanyang tent at tiningnan ang pinanggalingan ng nakakadisturbong tunog.
"Oh my God!" bulalas ni Gwen na kalalabas lang sa tent na pinagtulugan nito.
Iisa lang ang direksyon ng mga paningin nila. May isang malaking monitor at speaker ang naka-set up sa harapan nila. At pinapalabas doon ang live coverage sa kung anong nangyayari sa opisina ni Principal Minyamin.
"D-Dad..." sambit ni Gwen.
Naikuyom ni Adhel ang kamao sa nasaksihan. Principal Minyamin was at his office, tied on his chair. There were two men carrying guns at his back. Nakayuko ito at hindi niya alam kung natutulog o nawalan ng malay. May tumutulong dugo rin na nagmumula sa gilid ng kilay nito.
"Hello, SCU!"
Boses ng babae ang pumailanlang sa ere. Hindi ito nakikita sa monitor pero sigurado siyang nandoon din sa loob ng opisinang iyon ang nagsasalita.
"I won't say 'good morning' because I am sure that your morning isn't that good after seeing this," dagdag na wika nito na sinundan ng mahinhin na halakhak. "This message is for all the protesters that are against on this project."
Napalunok siya nang may nga armadong lalaki ang tumakbo papalapit sa kanila at nagsimula silang palibutan.
"This was supposed to be a smooth activity but due to that nosy class president of a certain grade level, everything is now sinking. Anyway, before you could jump off this sinking ship, I might as well use this captain of yours to manage all of you," saad nito.
Nagsimula nang tumulo ang luha ni Gwen. Naintindihan nilang lahat kung sino ang tinutukoy ng babae. They would use Principal Minyamin to blackmail each of them.
"K-Kasalanan 'tong lahat ni Aria..." bulong ni Gwen habang humihikbi.
Napayuko si Adhel. Hindi na niya alam ang gagawin. Napalunok siya at unti-unting naupo sa damuhan. As much as he can do everything to counter Gwen's statement, he can't blame her. It was her father's life hanging on a thread. He ran his fingers through his hair. Wala na ba talagang pag-asang matigil lahat ng ito?
"Later at six o'clock in the morning, magsisimula na ang activity. In exchange for your cooperation, Mr. Minyamin will be spared. Kaya pag-isipan ninyong mabuti kung anong gagawin ninyo. Either you continue your protest or save this damned principal of yours!"
Nag-black out na ang monitor pagkatapos ng magsalita ng babae. Nagkagulo na ang lahat ng mga kasama nila. Gwen was starting to disassemble her tent.
Tumayo siya at nilapitan ito. "What are you doing?"
Nagpahid ito ng luha sa pisngi gamit ang likod ng palad. "I need to save my father from that bitch!" Hindi siya nito tiningnan at nagpatuloy lang sa ginagawa.
Napabuntong-hininga siya at napatungo. "Right? That's what we need to do."
||
NAGISING si Aria nang maramdaman ang malamig na tubig na sadyang isinaboy sa kanyang mukha. Akma siyang babangong pero nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa upuan.
"Are you awake?" wika ng lalaking nasa harapan niya.
Malabo ang kanyang paningin kaya ipinikit niyang muli ang mga mata. Makailang beses siyang kumurap para maaninag ang taong nakaupo sa tapat niya. Napatingin siya sa pinagsalikop na mga kamat nitong may benda na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Lihim siyang napangisi. Kahit malabo ang paningin niya, alam na niya kung sino ang bumisita sa kanya.
"Are you here right now to assassinate me?" tanong niya. All the pain in her body seemed to disappear. Ramdam niyang tinurukan siya nito ng painkiller bago sinabuyan ng tubig.
"You promised to get the job done in three days with the help of Cosmos. But here you are... captured by them and dying," wika nito.
Saglit siyang tumawa pero natigil din dahil nanghihina na talaga siya. Napailing siya. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang mukha nito. This time, she can see Erole's face clearly.
"Because me, dying, is part of the plan," tugon niya. Kinuyom niya ang kamao. Mabigat ang kanyang dibdib sa pag-iisip na hindi man lang niya maranasang mabuhay ng normal. But dreaming of living an ordinary life made her look greedy. She knew it won't happen but she was still thinking of doing it.
"That's absurd! I know I have a mission to kill you but do you want to be branded as a traitor forever? And please, let the agency know that they're wrong. I don't want to kill someone who doesn't deserve to be dead," saad nito.
Napailing siya. "Do you even remember what's the PCIS agents' motto?"
Sarkastiko itong napangisi at saka napatango. "Mission doesn't even equate to our lives. It is above life."
She bit the inside of her cheek and nodded. "That's what you ought to do. You've signed up for it. Walang lugar ang mga opinyon natin sa trabahong ito. If the higher-ups want us to kill someone, we would not ask why. We do the job, try not to die and get paid."
"It's actually the first time I am hesitant to kill someone."
Napangiti siya nang mapait. This was also the first time she was hesitant to die. Kinurap niya ang mga mata na nagsimula nang lumuha. Tunikhim siya. "Paano ka nakapasok dito? Saka nasaan si Mr. Landon? Alam mo ba kung ano na ang nangyayari sa labas?" tanong niya.
Akala niya ay madadaan niya sa videong iyon ang matandang lalaki pero nagkamali siya. She was tied in this chair. Salitan ang mga tauhan nito sa pambugbog sa kanya hanggang sa mawalan na siya ng malay.
"Miss Monique sent someone to find the director's son," saad nito na hindi man lang sinagot ang ni isa sa mga tanong niya. "She will use him to control the director. Kaya kung alam mo kung sino iyon, don't hesitate to tell me. I will make sure he is safe."
Dahan-dahan siyang umiling. Sandali siyang napapikit at yumuko. "Hindi ko rin alam."
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "I'll see what I can do from here." Tumayo na ito.
"Before you go, I have a favor," wika niya.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...