EVERYTHING was in chaos. Aria can hear gunshots fired every other minute. Sinundan iyon ng matitinis na sigaw ng ilan sa mga taong nasa labas.
Pabalang na bumukas ang pinto. Pumasok si Miss Monique na may nanlilisik na mga mata. May kasama itong dalawa pang agents. Diretso itong naglakad palapit sa kanya at inigkas ang kamay nito patungo sa pisngi niya.
Nabaling ang kanyang mukha sa kabila. Napaangat siya ng tingin. Sarkastiko siyang natawa. Bakit ba puro pananakit na lang ang natatanggap niya ngayon?
"You dare to smile?" inis na wika nito. Itinukod nito ang dalawang kamay sa mesa at bahagya siyang niyuko. "Where is the ledger? Hinayaan ko kayong magkausap ni Mr. Landon so where is your end of bargain?"
"I can't believe I totally fooled you!" natatawa niyang wika.
"What?" sigaw nito.
"The ledger doesn't exist at all, Miss," tugon niya.
Hinampas nito ang mesa gamit ang mga palad. Napalunok ito. "You mean... Senator Rama is still alive?"
Nagkibit-balikat siya. "I'll tell you if you let me out."
Sarkastiko itong napahalakhak. "You think you can fool me twice? You killed Senator Rama and that makes you a traitor. The only order was for you to get the ledger but you shot him in the head."
"Please think carefully as to why am I still alive after all that bullets that hit me that night? Because that was just a show. Senator Rama is alive and he will be the key witness to put all of you in jail," wika niya. The senator was contained in the PCIS safehouse.
"I'd rather die than be locked up in that hell forever," sigaw nito. Tumalikod ito sa kanya at kinuha ang dalang vest ng isang agent. Sinenyasan nito ang isa pa at nagsimula na itong tanggalin ang mga tali niya sa kamay at paa.
Mahapdi ang parteng pinagtalian kaya napapikit siya. Hinila siya nito para tumayo at muntikan pa siyang matumba dahil wala ng lakas ang mga binti niya.
Sapilitan siyang pinasuot ni Miss Monique ng isang vest. Hindi ito ang karaniwang bulletproof vest na nakikita niya. It was a bomb vest. Walang makikitang time na magka-countdown pero sasabog iyon sa sandali pipindutin ng kung sino mang may hawak ng detonator o hindi kaya'y masagi lang ng isang bagay.
"Careful, this isn't her time to blow off yet," saad ni Miss Monique.
Inalalayan siya ng dalawang agents na nakahawak sa magkabilang braso niya. Binuksan nito ang pinto at lumabas na. Mariin siyang napapikit. Masakit sa mga mata ang liwanag sa labas. Sinalubong siya ng hangin kaya bumuntong-hininga siya.
Iginiya siya ng mga ito sa isang platform. May isang podium doon at tinungo iyon ni Miss Monique. Napatingin siya sa paligid. Napapalibutan ang lahat ng mga estudyante ng Holston Army. Nakaupo ang mga ito sa damuhan at nakatingin sa kanila. Halata sa mukha ng mga ito ang takot at kaba.
Hinanap ng mga mata niya ang kanyang mga kaklase. Hindi na niya alam kung nakikilala pa ba siya ng mga ito dahil puno na ng galos at pasa ang kanyang mukha. Napatingin siya kay Gwen na biglang napatayo. Kumunot ang noo niya at sinundan ng tingin ang direksyon ng mga mata nito.
Napatiim-bagang siya sa nakita. Dala-dala ng dalawang agents si Principal Minyamin na may suot ding bombvest na gaya niya. Patungo ito sa direksyon nila.
"So... will you still not agree to the product testing, dear students of SCU? Don't worry! As we had signed on the contract, walang side effect ang microchip sa katawan," nangingiting wika ni Miss Monique.
"Damn you!" sigaw ni Gwen.
Tumawa si Miss Monique. "Oh, I will not be damned, honey! Your father and your friend right here will be!" Binuksan nito ang laptop. "All I want to test with you is the old version of the microchip. But there are also one or two students have the upgraded chips in their arms. Let me show you how magnificent it could be! Please let everyone see him."
Mula sa kumpol ng mga Holston Army, lumabas ang isang agent na tinutulak ang isang batang lalaki na pamilyar sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at napasinghap siya nang mapagsino iyon.
Ang batang agent na hindi niya alam ang pangalan. Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Wala na ang ngiti nitong palaging pinapakita sa kanya. His eyes were blank. Parang hindi na nito kontrolado ang pag-iisip.
Huminto ang mga ito sa gitna. Binigyan ito ng baril ng kasama nitong agent. Yumuko ito nang bahagya sa direksyon ni Miss Monique bago umalis. Naiwang mag-isa sa gitna ang batang lalaki.
"I have here the controller. Oh, so he is Test Subject 1117 here. Let me see," wika ni Miss Monique na aliw na aliw sa ginagawa.
Malakas ang kabog ng kanyang puso. She had a faint idea of what he will do but still, she hoped to be mistaken.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Miss Monique. "Shoot the girl with a vest. It's up to you if you'll kill her or not. We will just see how it works and this is the best example."
"No! Don't do it!"
Napatingin ang lahat sa sumigaw. Susugod na sana si Adhel pero kaagad itong napigilan ng mga Holston Army.
"Aria!" tawag nito sa pangalan niya.
Gusto niyang daluhan ito. Kahit sa 'di kalayuan ay nakikita niya kung ganoo kasaganang tumulo ang mga luha nito mula sa mga mata.
There was a lump in her throat and her heart shrank. Lalo pa at naikita niya kung gaano nito pinagsisikapang makawala sa mga malalaking brasong pumipigil dito.
"This is all my fault," rinig niyang bulong ni Principal Minyamin na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya ito.
Sandali niyang ipinikit nang mariin ang mga mata. "Don't blame yourself, Principal. You are a victim in here!" sagot niya.
Tiningnan niya ang bata. Nanginginig ang mga kamay nitong itinaas ang baril sa direksyon niya. Tinitigan niya ito sa mga mata at nginitian.
"It's okay! Don't be afraid." Nagsimula nang tumulo ang luha niya. Hindi man lang siya nabigyan pa ng pagkakataong makilala ito. "Use all your training. B-Before you shoot me, c-can you, please, tell me what is your name?"
Nagsimula itong humikbi pero nanatili pa ring nakatutok sa kanya ang baril. He was controlled by Miss Monique using the microchip in his arm and there was nothing he could do to counter it.
"A-Ate..." wika nito.
Paulit-ulit siyang tumango. "It's me... Don't worry about a single thing and just do what you have to do."
"P-Please don't remember my name. J-Just don't forget me, okay?" wika nito.
Lumapad ang kanyang mga ngiti sa kabila nang hikbi. "I promise."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Kapagkuwa'y iniba nito ang direksyon ng baril patungo kay Miss Monique. And before she knew what was happening, he already pulled the trigger.
Tumama ang bala sa gitna ng dalawang kilay ng babae. Walang buhay itong bumagsak sa platform. Kasama nitong nahulog ang laptop na ginamit. It broke into two.
"No!" sambit niya. Alam niyang iisa lang ang patutunguhan nito. At hindi nga siya nagkamali.
Sumunod ang katahimikan pero hindi iyon nagtagal. Mayamaya pa'y nagpaputok na ang lahat ng Holston Army. Kahit na tadtad na ito ng bala, hindi pa rin nito binubura ang ngiti sa kanya.
Gusto niyang isigaw ang pangalan nito pero hindi niya alam. Kaya napahagulgol na lang siya habang napaluhod sa platform.
"Aaaaah!" buong lakas niyang sigaw.
Note: Last one chapter and then finally comes the epilogue. I'm still weighing if I would have a happy ending or tragic for this story. Hehe! Anyways, might upload the last two chapters tomorrow.
Happy reading! Don't forget to vote and leave a comment. 😘
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...