Chapter 03

327 29 2
                                    

"Anong club ang pinili mo?" tanong ni Adhel.

Nilingon niya si Aria na tahimik lang na nakasunod sa kanya. Naabutan niya itong tinitingnan ang mga estudyanteng halatang Grade 7 dahil sa liit na naghahabulan pa sa gitna ng soccer field. Huminto siya saglit para maabutan siya nito.

Lihim siyang napangiti nang magawi ang tingin nito sa kanya. Tumikhim siya at sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

"Chess," sagot nito. "Si Gwen ang nagsulat sa form ko."

Napatango siya. "I see."

Hindi na ulit ito nagsalita at binaling ulit ang tingin sa soccer field. Napakamot siya ng batok. Ang boring pala nito kasama. Hindi tulad sa ibang mga babae na halos matuyo na ang laway ng mga ito sa pagkukwento.

Ilang buildings pa ang nilagpasan nila nang nagsalita ito. "Malayo pa ba?"

"Malapit na. Isang department na lang bago ang Sports Department," sagot niya.

Tumango ito. "Salamat!"

"Why do you have a blood stain on your shirt, by the way?" tanong niya nang maalala ang harapan nila sa locker room. He was a bit apologetic, though, dahil sa ginawa niya. Hindi niya nakontrol ang lakas ng pagkakasara niya sa locker nito.

"Bullets," maikling tugon nito.

Napahinto siya at tinitigan ito. May ngising naglalaro sa kanyang mga labi. "You're kidding, right?"

Sumingkit lalo ang mga mata nito nang tumawa ito. "Of course!"

"You laughed," biglang wika niya. Hindi siya makapaniwalang marunong din pala itong tumawa sa kabilang ng pagiging kalmado at seryoso nito.

Natigilan ito at nagkibit-balikat. Hindi na ulit ito nagsalita pa. Napatingin ito sa building na nasa 'di kalayuan kaya sinundan niya ang tingin nito.

"There it is," wika niya na ang tinutukoy ay ang building ng Sports Department.

"Bro... Adhel!"

Kapwa sila napalingon sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Erole kasama ang tatlo pang kaibigan nito. He raised his palm towards them as a greeting. Napahinto sila at hinintay nila itong makalapit.

Nasa Senior High Department si Erole at Grade 11 ito. Isa ito sa founders ng frat na kinabibilangan niya. Hindi matalino pero sporty. Varsity player ito sa soccer.

He bumped his shoulder on to his. "Bro," ganting bati niya.

Napangisi ito. "Congrats nga pala sa panalo!" wika nito. Napatingin ito sa kasama niya. "Sino itong magandang binibini? Bago ka ba rito?"

Tumikhim siya. "Meet Aria, the new girl. Class president ng section namin!" wika niya.

Naglahad ng kamay si Erole kay Aria. Tiningnan muna nito saglit ang kamay ng kaibigan bago tinanggap iyon.

"The name's Erole Jimenez," wika nito.

Tumango ang babae. "Aria," tugon nito at kumawala na sa pakikipagkamay. Bumaling ito sa kanya. "I can manage from here, Adhel. Thank you!" Mabilis nitong kinuha mula sa kanyang kamay ang leaflet na hawak. Tumalikod ito at naglakad na paalis.

Sinundan niya ito ng tingin. Napansin niyang ganoon din ang ginawa ni Erole.

"She's interesting," bulong nito habang may ngising naglalaro sa mga labi.

||

EKSAKTONG alas cinco ng hapon natapos ang panghuling klase. Nagyaya si Gwen na mamasyal muna sa kalapit na park na nasa loob din lang ng university grounds pero tinanggihan na niya.

Kailangan niyang magpahinga dahil baka bumigay na ang katawan niya sa pagod. Pakiramdam niya ay bubukas isa-isa ang mga tahi niya sa katawan gawa ng opera.

Nakahinga siya ng maluwag nang nasa tapat na siya ng pinto ng dorm niya. Inilapat niya ang school ID sa card scanner para bumukas ang pinto.

Naikuyom niya ang kamao nang tuluyan na siyang makapasok. Nagkalat ang mga gamit niya sa vanity table. Nasa sahig na ang kanyang mga unan at kumot. Nakabukas ang aparador at may nahulog na mga damit.

Kung sino man ang gumawa nito, isa lang ang pakay. Nasagot ang isa sa mga katanungan niya nang may maramdaman siyang malamig na bagay na dumantay sa likod ng ulo niya.

Naramdaman niya ang presensya ng isang lalaki. Unti-unti nitong isinara ang nakabukas niyang pinto gamit ang isa pang kamay nito.

"Who sent you?" wika niya. Hindi pa rin siya kumikilos at nakaharap lang sa nakabukas na bintana ng kwarto. Hindi niya alam kung kailan nito kakalabitin ang baril kaya mabuti nang maingat.

"Where's the ledger?" balik-tanong nito.

Hindi masyadong buo ang boses nito kaya napagtanto niyang hindi pa ito matanda. Hula niya'y naka-mask ito dahil parang may pumipigil sa mga salitang lumalabas sa bibig nito.

Natawa siya. "How ironic! Ako ang nagtatanong niyan dati noong nakaraang dalawang buwan."

Napa-isang hakbang siya para hindi matumba nang idiniin nito ang dulo ng baril sa ulo niya. Mabilis niyang itinaas ang dalawang kamay.

"Whoa! Kalma lang. Wala ako sa mood makipag-away ngayon," wika niya. Pero ang totoo, wala pa siya sa kondisyon para sa madugong labanan.

Napailing siya. Ang bilis naman yata niyang natunton. Bakit sa tingin niya ay kinakalawang na siya sa pagtatago? Or was there a certain someone that tattled her current location?

"Where is it, Aria?" muling tanong nito na binigyang-diin ang bawat salita.

Napaghahalataan tuloy na nagmamadali.

"Any deadline?" tanong niya, nagbabasakaling sagutin nito.

Bumuntong-hininga ito. "There is no deadline."

She let down both of her hands and looked at the floor. "Same day, same time, same place, next week. I'll tell you where it is. Just not now. Maraming assignments."

"Siraulo ka ba?" singhag nito. "If I get to decide, then I'll kill you right here and right now!"

Nagkibit-balikat siya. "But you need something from me, right? You can't return to where you came from with me being dead and with you not having what they wanted."

Napamura ito. Namalayan niyang tinanggal na nito ang baril mula sa pagkakatutok sa ulo niya.

Akmang lilingon siya rito pero naunahan na siya nito. He ran past her in a quick pace. Hindi man lang niya natingnan nang mabuti ang build ng katawan nito. Dumiretso ito sa bintana at tumalon. Natantiya na siguro nito ang distansya sa kinaroroonan nila mula sa lupa.

Naglakad siya patungo sa bintana at sumilip. Sinuyod na niya ng tingin ang buong field pero wala na siyang nakitang lalaki na nakaitim na overall at naka-mask.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga at mariin siyang pumikit. Naupo siya sa sahig. Inilapat niya ang likod at ulo sa dingding. Napahilamos siya sa mukha gamit ang dalawang kamay.

She needed a plan to protect herself. Lumakas ang pakiramdam niyang may nagta-traydor sa kanya. And worse, nasa agency lang nila.

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon