NAMALAYAN ni Aria na may isang taong papalapit sa kanya. Hindi niya pinansin iyon at nagpatuloy sa pag-arrange ng mga gamit sa kanyang locker.
Huminto ang taong iyon sa tabi niya at isinara ang pinto ng kanyang locker. Mabilis siyang nag-sidestep at umilag para hindi matamaan ang mukha niya sa pinto. Napatingin siya sa may gawa noon.
"Adhel," kalmado niyang wika. Kung nahagip ng dulo ng pinto ng locker niya ang mukha niya, siguradong pasa ang aabutin ng pisngi niya sa lakas ng impact ng pagkasara nito.
Nakasandal ang balikat nito sa kung sino mang locker. Nakakuros ang dalawang braso sa dibdib nito habang sinisipat siya mula ulo hanggang paa. Kapagkuwa'y napangisi ito.
"You know me," saad nito. It was not a question but a mere statement.
Nagkibit-balikat siya. "You're Adhel, you play chess, nabalita ka minsan sa TV at nanalo ka sa tournament sa Taiwan." Inulit lang niya ang sinabi ni Gwen sa kanya dahil napansin niya sa kilos nito na mapagmalaki ito sa sarili.
Mas lalong lumapad ang ngisi nito. Umayos ito nang tayo at nahinto ang mga mata nito sa kanyang balikat. "And you are Aria, you easily dodge the locker's door, and you have a blood stain on your shirt."
Napalunok siya at napatingin sa kanyang kanang balikat. Lihim siyang napamura nang may bahid nga ng dugo ang damit niya. Iyon iyong parte na hinampas kanina ni Gwen.
Napayuko ito at tumawa. "See you around, Miss President!" wika nito. Tinapik nito ang parteng may dugo sa kanyang balikat bago siya nito nilagpasan.
Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin. Kumaway pa ito kahit nakatalikod na parang alam nitong nakatingin siya rito. Naikuyom niya ang kamao. Hindi maganda ang kutob niya sa Adhel na iyon.
Tiningnan niya ang relo. May sampung minuto pa bago magsimula ang panibagong klase. Tatlong minuto ang layo ng university dorm sa locker room kung mabilis niya iyong takbuhin kaya makaabot pa siya.
Binago niya ang benda sa balikat at nagbihis ng maluwag na t-shirt. Walang required na uniform ang paaralan kaya walang problema kahit anong susuotin ng mga estudyante.
Nasalubong niya si Adhel pagpasok sa classroom. Napangisi ito nang napansing nag-iba na ang kanyang damit. Hindi na lang niya binigyang-diin iyon. Nag-iwas siya ng tingin at nilagpasan ito.
"Saan ka ba galing?" salubong ni Gwen sa kanya nang makarating siya sa mesa niya.
"Sa dorm. May kinuha lang," wika niya.
Tumango ito at hindi na nagsalita pa dahil dumating na ang teacher nila sa Pysical Education.
"Good morning, class," bati nito. May ibinigay itong leaflets sa mga estudyante nasa harap. "Get one and pass," dagdag nito.
Binasa niya ang laman niyon nang makaabot na sa kanya. Nakasulat doon ang isang imbitasyon para sa mga iba't ibang club na sasalihan.
"Fill out the form at the back end of that leaflet. Ibigay ninyo sa inyong class president. Tapos class president, pakibigay sa akin sa opisina ko sa Sports Department." Hindi man lang ito nag-effort na alamin kung sino ang class president. Basta na lang itong tumingin sa kanilang lahat. Kapagkuwa'y napatingin ito sa relo nito. "Well, I'll let you decide kung anong clubs ang gusto ninyong salihan," wika nito. Dinampot na ulit nito ang mga natitirang leaflets at lumabas na ng classroom.
Nakangising humarap si Gwen sa kanya. "Anong pipiliin mo? Soccer? Archery? Judo? Volleyball? Chess?"
"H-Hindi ko pa alam," wika niya. "Ikaw? Anong balak mo?" She wanted to lie low as possible. Pero nakompromiso na yata dahil naging presidente siya ng klase.
"Hmm..." Napatingin ito sa kisame at inilagay ang kamay sa baba. "Sa chess ako. Volleyball ako last year, eh, pero hindi ko nakayanan." Isinukbit nito ang kamay sa braso niya at nginitian siya. "Chess na lang tayo! Hindi pa kailangang gumalaw-galaw."
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya gusto ang chess. Maliban sa alam na niya kung paano iyon laruin, makikita pa niya si Adhel. It's a big no!
Niyugyog ni Gwen ang braso niya. "Saka gwapo pa ang chessmaster!" natatawang dagdag nito.
Hindi na lamang siya sumagot dito. Makalipas ng ilang minuto, isa-isang nagsilapitan sa kanya ang iba pa niyang kaklase. Ibinigay ng mga ito ang leaflet na natapos na sa pag-fill out.
She checked their answers. Napapanganga na lamang siya dahil chess ang kadalasang pinili ng mga kaklase niya.
||
PINAGLALARUAN ni Adhel ang hawak niyang ballpen habang nakatitig kay Aria. Abala ang babae sa pagtanggap ng mga forms na hindi man lang nito hinahawi ang buhok nitong napupunta na sa mukha nito.
Napansin niyang napapakislot ito sa sakit sa kaunting galaw lang ni Gwen. Kaya nagdududa siya kung may sakit ito o may sugat sa buong katawan.
Na-amuse siya nang mapalingon ito sa gawi niya. Magkasalubong ang kilay nitong sinamaan siya ng tingin. Nginitian niya ito. Iniwas naman nito kaagad ang tingin at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Napailing siya. Mga babae nga naman! Napataas ang kilay niya nang tumayo na ito dala ang mga isinumiteng leaflets. Naglakad ito patungo sa gitna.
"Wala na bang magpasa?" wika nito at itinaas ang mga forms.
May ilang tumakbo patungo sa harap at ibinigay ang mga forms. Napatingin ito sa kanya kaya iwinagayway niya ang kanya.
Sinenyasan niya lumapit ito sa kanya. Akala niya ay tatanggi ito pero nagkamali siya. Nagsimula itong maglakad papalapit sa kanya.
"Hindi pa ako tapos," wika niya nang tuluyan na itong makalapit.
"Hihintayin ko," sagot nito.
Nag-angat siya ng tingin. Kalmado lang ang mukha nito nakatingin sa kanya. "Hindi ka galit niyan?" tanong niya.
Umangat ang sulok ng labi nito. "Bakit naman ako magagalit?"
Nagkibit-balikat siya. She nudged her head on the directon of his paper urging him to fill out the form. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at nagsimula nang magsulat.
Inilahad nito ang kamay nang mapansing tapos na siya pero umiling siya. Tumayo siya at ginawaran ito ng tingin.
"Do you know how to get to the Sports Department?" tanong niya.
Umiling ito. "But I could always look for school maps," sagot nito.
"That won't work. We don't have that kind of thing here. Follow me," wika niya at nilagpasan ito.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...