NAPABALIKWAS ng bangon si Aria nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Naglakad siya patungo sa pinto at tiningnan ang monitor na naka-attach sa dingding para makita kung sino ang nasa harap ng kwarto niya.
Isang matandang lalaki na may dalang maliit na box. Nakapulang uniporme ito na may tatak ng isa sa pinakasikat na courier service. Binuksan niya ang pinto.
"Magandang umaga, hija! Padala para sa iyo. Pakipirma na lang dito," wika nito.
Tinanggap niya ang box at pumirma sa dalang papel nito. Umalis naman ito kaagad pagkatapos. Ini-lock niya ang pinto at bumalik ulit sa kama at naupo.
Binuksan niya ang box at isang cellphone ang nasa loob. May isang SIM card ang nasa ilalim noon na may tatak na PCIS.
Napangiti siya. Mukhang alam na niya ang mangyayari, ah! She inserted the card into the phone and pressed the 'start' button at the side.
'Welcome, Agent!' ang nakasulat sa startup note. Kulang na lang ay mapasuntok siya sa hangin. Sa tingin niya ay tapos na ang kanyang break na hindi man lang inabot ng limang buwan.
Tumunog ito at may lumitaw na notification. 'A message from the CIC, press to watch!'.
Director Rommel was their CIC or Commander-in-Chief. He went around with his first name only. Walang nakakaalam sa basic information nito. Restricted din maski sa website nila.
Pinindot niya ang message na iyon at tinagilid ang screen para makita nang maayos. Nasa mesa nito ang direktor. Nakasalikop ang palad nito at nakatingin sa camera.
"As of 5:27 P.M. today, I had come to the decision to lift the suspension of Agent Aria Montessa." Tumikhim ito. "Agent Aria, kinakailangan ng ahensya ang tulong mo. Nabalitaan ko ang nangyaring pagtangka sa buhay mo at ang pagkuha sa ledger ni Senator Rama. Nalaman ko rin na ang SCU ang napili sa product trial ng Holston Tech. You need to stop it from happening. If you must take out certain people, then do it. But please minimize the casualty especially the students." Nagblack-out ang screen pagkatapos nitong sabihin iyon. Awtomatikong na-delete ang video message nito.
Inilagay niya ang cellphone sa kama. Magsa-shower muna siya. Walang pasok ngayon kaya pwede siyang pumunta sa agency para kumuha ng mga gamit.
||
NAPAKUNOT-NOO si Adhel nang makita si Erole na nakatulala lang habang nakaupo sa couch ng headquarters nila.
"What happened, Bro?" tanong niya. Pasalampak siyang naupo sa pang-isahang couch sa tapat nito at ipinatong ang dalawang paa sa center table.
Bumuntong-hininga ito. "What do you think of Aria?"
Napataas ang kilay niya. Hearing her name ignited his interest. He clicked his tongue. "What about her?"
"She just literally took out a microchip in her arm with a small knife and without anesthesia in front of me. Then I asked her if hindi masakit, tumawa lang siya at sinabing 'masakit'." Napabuga ito ng hangin at sarkastikong natawa. Sinabayan nito iyon ng pag-iling. "What in the actual fuck was that? Do you even believe what I'm saying?"
Weird to say, but he can imagine her doing that. Kapani-paniwala ang sinabi ni Erole kaya tumango siya. "Anong ginawa niya sa microchip pagkatapos?"
"She put it in a small jar. Pagkatapos lagyan ng bandage ang sugat, umalis na siya kaagad," tugon nito.
Natawa siya. "Why were you surprised? Nalamangan ka nga niya sa Cosmos Recruitment, eh!"
"It's just that hindi bagay sa isang babae ang ganoon. Babae ba talaga si Aria? Or else... tao ba talaga siya? Ano sa tingin mo?" tanong nito at siningkit ang mga mata.
Napailing siya. "Bro, you're sputtering nonsense. Imposible namang robot siya!" Erole really needed to stop looking down on girls.
Hindi na ito sumagot. Kahit ganoon ang naging tugon niya rito, hindi pa rin niya maiwasang pag-isipang mabuti ang sinabi nito.
Bakit may microchip ito sa braso? At anong silbi ng chip na iyon? Lihim siyang napailing. Ipinagkuros niya ang dalawang kamay sa dibdib at maingat na inilapat sa sandalan ang likod. Masakit pa rin ang sugat niya.
Naputol ang pagmuni-muni niya nang mag-vibrate ang cellphone niya. Isang text message galing sa unregistered number. Binasa niya iyon.
'This is Aria, your Class President. I know that we have no classes today but I earnestly want your presence in our room, at five o'clock this afternoon. I have something important to say. Thank you! And don't forget to make good choices! See you later! ;)'
Pasimple niyang inilagay ang kamay sa ilong para itago ang ngiti. Pero nadismaya siya nang makita ito ni Erole.
"Anong nginingisi-ngisi mo riyan?" tanong nito.
Napailing siya at pinilit ang sarili na huwag humagalpak ng tawa. Hinarap niya kay Erole ang screen ng cellphone para mabasa nito ang text message ni Aria.
"Look at the emoticon at the end, Bro! She has a cute side making it impossible to believe what you said earlier. Tapos may tagline pang 'don't forget to make good choices'," wika niya at humagalpak na ng tawa.
Napailing ito at natawa na rin. "Nakabili na pala siya ng cellphone?" bulong na tanong nito.
"Huh?" Ibinalik niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon. "Anong ibig mong sabihin?"
"Wala siyang cellphone. Kung hindi ko pa sinabihan, hindi pa siya bibili," wika nito.
Napalabi siya. "Kaya pala. Mabuti naman at sinunod ang sinabi mo." Sinuklay niya ang daliri sa mahabang buhok. Ilang taon na rin pala siyang hindi nakapagpagupit ng buhok at wala siyang balak gawin iyon. It made him look cool kaya bakit niya gagawin?
"Teka, kumusta na pala ang tahi ng sugat mo?" tanong niya rito. Hindi natuloy ang pagpupulong nila noong araw na iyon dahil pagkapasok nito sa headquarters nila, bigla na lang itong hinimatay. Kaya wala na silang sinayang na oras at tumawag na kaagad sila ng doktor.
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "May ilang araw pa para tuluyang gumaling. Napuruhan ako, eh!"
"Mag-iingat ka kasi. Tapos mag-training ka nang maayos."
Tinanguan siya nito. "Eh, ikaw? Bakit ka nasaksak sa likod?"
Lihim niyang naikuyom ang kamao sa narinig.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...