Chapter 01

524 35 1
                                    

"I NOMINATE Aria Montessa as our class president, Ma'am," wika ni Gwen na nakataas ang isang kamay. Malawak ang ngiti nito habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa guro nila.

Umugong ang bulungan. Nararamdaman niyang nakatingin ang lahat ng mga kaklase niya sa panig nila.

Napailing siya. "Hindi ako interesado, Gwen!" saad niya. Katabi niya ito sa upuan at ito ang unang nakipagkaibigan sa kanya noong unang araw niya rito.

Block sectioning ang San Carlos University kaya magkaklase na ang mga ito simula noong Grade 7 pa lang. Kaya alam niyang naninibago ang mga ito sa isang bagong saltang estudyante ngayong Grade 10 na ang mga ito.

"The new girl?"

Napalingon siya sa direksyon ng nagsalita. Nasa likurang bahagi ito ng classroom at napansin niyang nalipat din ang tingin ng lahat patungo sa lalaki.

Nagsalubong ang paningin nila. Napakunot ang noo niya dahil bago ito sa mga mata niya. Ngayon lang niya ito nakita sa unang limang araw na nandito siya.

Hanggang balikat ang nakalugay na buhok ng lalaki. Makapal ang kilay at pilik-mata nito. Hindi gaanong matangos ang ilong at may manipis na mga labi. Kulay porselana ang kutis ng balat nito. He was lanky but he surely know how to dress well.

"Oh, pumasok na pala si Adhel..." bulong ni Gwen habang nakatingin din sa lalaki.

"Adhel?" tanong niya. Nag-iwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya kaunti na lang at malalaman na nito ang kanyang sekreto sa kakatitig.

Binalingan siya ni Gwen. Tumango ito. "Hindi mo ba siya nakikita minsan sa TV? He's a famous chess player. Nag-champion siya kamakailan lang sa isang tournament doon sa Taiwan."

Napailing siya. "Hindi ako nanonood ng TV." She shifted on her seat. Napatingin siya sa white board at nakitang isinusulat na ng guro ang pangalan niya.

"Any other nominations?" wika ng guro. Sinuyod nito ng tingin ang buong classroom.

"I closed the nomination," biglang wika ni Adhel.

Napasinghap siya. Nanlalaki ang kanyang mga matang napatingin muli rito. She clearly saw the distaste on his face earlier. Why the change of heart now?

Pumalakpak si Gwen sa tuwa. "Yes. I second the motion," wika nito.

"Since Aria Montessa is the only student nominated, she will automatically be the class president. Congratulations!" wika ng guro. Nakatingin ito sa kanya pero hindi ito nakangiti. Ibang-iba sa mga taong nagsasabi ng ganoon. It was more like a warning.

May kinuha ang guro na isang booklet mula sa bag nito. Lumapit ito sa kanya at inilahad iyon. Binasa niya ang nakasulat.

"Duties of a Class President?" wika niya. Tinanggap niya iyon kahit na naguguluhan pa rin siya.

"That's a manual on what to do in case there are problems that will rise," sagot nito.

Tumango siya at alanganing ngumiti. "Okay po. Thank you!" Inilagay niya agad iyon sa backpack niya na nakasabit sa likod ng kanyang upuan. Babasahin na lang niya mamayang gabi pagdating niya sa dorm.

"Kailangang masaulo mo iyan dahil may mga gurong magtatanong sa iyo bigla-bigla. May kaukulang punishment din kapag hindi mo nasagot ang tanong nila." Ngumiti si Gwen at marahan siyang hinampas sa balikat. "Alam ko namang kaya mo iyan dahil ikaw ang pinili ko."

Lihim siyang napakislot. Masakit ang bahaging hinampas nito dahil may tama pa ito ng bala. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

Nagpatuloy ang election pero hindi na siya sumali sa mga ito. Nakatingin lang siya sa bintana. Masakit pa rin ang kanyang mga tama ng baril. Hindi pa rin tuluyang gumaling ang mga ito kaya kaunting galaw lang, napapaigik na siya. Milagrong nakaligtas pa siya at kompleto pa ang parte ng kanyang katawan matapos mangyari iyon.

Nagising siya na may benda ang buong katawan at nasa hospital na ng agency. Due to that incident, sinuspende siya ng kanyang direktor. She was supposed to take a break for a year. At dito, sa unibersidad na ito, siya inilagay.

||

MADILIM ang opisina nang buksan ito ng isang lalaki. Sumilip siya at nakitang nakatayo habang nakatingin sa labas ng bintana ang isang babae.

"Come in," wika nito. Humarap ito sa kanya habang may sigarilyong nakaipit sa gitna ng hintuturo at gitnang daliri nito. Maingat nitong ipinagkuros ang dalawang kamay sa dibdib para hindi ito mapaso sa nangangalahating sigarilyo.

Humakbang papasok ang lalaki. Naglakad siya papalapit rito. Pinipigilan niyang huminga dahil hindi niya gusto ang usok na inilalabas sa bibig nito.

"You have a new assignment," saad nito. Nilagpasan siya nito at tumungo sa mesa. Pinatay nito ang sigarilyo sa ashtray at kinuha ang isang folder na may nakasulat na 'confidential'. Binigay nito iyon sa kanya.

Tinanggap niya iyon at nagsalubong ang mga kilay nang buksan ito at makita ang larawan ng isang batang babae. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binigyan siya ng assignment na may kinalaman sa isang babae.

Nakasuot ito ng pink na bonnet habang may malawak na ngiti. May hawak pa itong malaking lollipop sa isang kamay habang may isang kamay na nakahawak sa isa pang kamay nito. Pero hindi na niya kita kung sino iyon dahil putol ang larawang nakadikit sa folder.

"The girl is too innocent to be killed," wika niya. Napatingin siya rito.

Umiling ito at ngumiti. "That 'girl' is not a girl anymore. Turn to page two please," tugon nito.

Sinunod niya ang sinabi nito. Nandoon ang basic information ng batang babae na nasa picture.

Full Name: Aria Gaile Poster Montessa
Agent Name: Aria Montessa
Birthdate: February 29, 2004
Age: 16
Current Location: San Carlos University
Reason to kill: A traitor; rogue agent

Magkaedad lang pala sila nito. He wondered what made her a traitor that even their agency denied her. He closed the folder and face his team leader. "Deadline?"

Umiling ito. "No deadline. No pressure. But make sure you'll give the country a satisfying result."

Napahigpit ang kapit niya sa folder. He had a bad feeling about it. Wala man lang naka-note na strengths and weaknesses ng babae.

Bahagya siyang yumuko bilang respeto at tumalikod na. Maglalakad na sana siya patungo sa pinto para makalabas nang magsalita ito.

"Oh, I forgot. She just became a big shot in that university," sambit nito.

Napakunot-noong muli siyang humarap dito. "What do you mean?"

Kahit madilim, naaninag niya ang pagngiti nito. Bago sumagot, nagsindi muli ito ng isa pang stick ng sigarilyo. "She just became the class president. So, you need to assassinate the class president."

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon