IMBES na sa susunod na buwan ang schedule ng MBI para sa buong junior high, minadali na ito ng San Carlos University.
Nagpatuloy ang klase kinabukasan. Wala pa ring balita sa salarin. Communications were out and media were blocked. Malaki ang ibabagsak ng reputation ng university kung malaman ang nangyari ng mga taong nasa labas.
That was when Holston Technology went in. Ten medicubes were installed in the middle of the soccer field. Though, may hinala siya na hindi lang for medical purposes ang iba sa mga iyon dahil pinapalibutan ito ng Holston Army.
"Nandito ka na pala?" wika ng isang boses sa likuran niya.
Humarap siya rito at isinandal ang likod sa railing ng rooftop. At dahil mahangin, sumasabong sa mukha niya ang buhok. Pero hindi na niya inalintana iyon at ginawaran ng tingin si Gwen.
Nakakuros ang dalawang braso nito sa dibdib at may naglalarong ngiti sa mga labi.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong niya.
Humakbang ito papalapit. "Why are you not attending classes anymore?"
Nagkibit-balikat siya. "As if that concerns you, Gwen."
Lumapad ang ngiti nito na nang-uuyam at tumango nang paulit-ulit. "True!"
She smiled. "It's okay, though. I am not in need of other people's concern. But you know what's not okay, Gwen? It's how you define friendship."
Tumaas ang kilay nito at ipinilig ang ulo. "What are you talking about?"
Napailing siya at napalabi. "I may don't have friends in this circle but I certainly know what it means to have one. When I transferred here, ikaw lang ang lumapit sa akin. You know why? Kasi wala ka talagang maituturing na kaibigan sa mga kaklase natin. Most of them have their own cliques. Ikaw lang ang nag-iisa."
Unti-unting napalis ang ngiti nito at nagdilim ang mukha. "I have friends!" wika nito na binigyang-diin ang huling salita.
Tumango siya. "Whatever floats your boat. But friendship is not a give and take, Gwen." Bahagya siyang natawa. She was not in the position to talk about the definition of friendship. Pero kinakailangan. "It isn't some kind of deal where you expect you must get back what you gave. Kasi minsan, ikaw lang iyong palaging nagbibigay pero hindi ka pa rin umaalis kasi kaibigan mo. Hindi mo kinaibigan ang isang tao para lang maibalik ang pabor na ibinigay mo."
"You're talking shit, Aria! I have a lot of friends. Wala kang karapatang pagsabihan ako dahil hindi na ako preschool. I can work things out. Saka isa pa, ikaw talaga ang walang kaibigan sa ating dalawa. Everybody hates you."
"Do you want to know what's the difference between the two of us? Yes, we may don't have people that we can call as friends but you see, Gwen, I don't care. I am not here to gain one. But it's different for you. You need one," wika niya. Ngumiti siya rito at tinapik ang balikat. Lalagpasan na sana niya ito pero may naalala siya. "By the way, you don't need to blame yourself over the death of Chloe. She chose it!" dagdag na sabi niya at naglakad na paalis.
Chloe was the former class president of their section. She committed suicide rather than to undergo the Cosmos Recruitment. And maybe, Gwen's still hurting over her passing. Nalaman niya ang nangyari sa mismong folder ni Gwen na nakita niya sa table ni Erole noon.
TININGNAN ni Aria ang relo. Pasado ala una na ng madaling araw. Pagkatapos ay tumingala siya sa partikular na bintana ng isang kuwarto.
Maingat siyang umakyat sa kahoy na nakakonekta ang mayabong nitong mga sanga sa bintana ng kuwartong papasukin niya.
Hindi naka-lock ang bintana pagdating niya sa itaas kaya mabilis lang niya iyon nabuksan. Sinikap niyang hindi tumunog ang mga yabag ng kanyang suot na sapatos nang lumundag siya papasok.
Nakabukas ang lampshade sa tabi ng kama na nagbibigay ng kaunting liwanag sa kabuuan ng kwarto. Nakita niya si Erole na mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at niyugyog ang balikat.
"Hey!" wika niya. "Erole, wake up!"
Matalas yata ang pakiramdam nito dahil agad itong bumalikwas ng bangon. Napatingin ito sa kanya.
"Who are you?" tanong nito.
Ibinaba niya ang mask. "It's me Aria."
Tinanggal nito ang comforter na nakapalibot sa katawan nito. Tumayo ito at akmang bubuksan ang ilaw.
"Stop! Don't do that! The security are monitoring every dormitory unit 24/7," saad niya.
"What are you doing here in the middle of the night?" wika nito at naupong muli sa kama.
Hinila niya ang isang stool sa ilalim ng mesa at umupo roon. "I need the fraternity's help. Narinig ko ang usapan ninyo ni Principal Minyamin. He wanted Cosmos to help in preparing for the MBI."
Confusion flooded on his face. Kumunot ang noo nito. "How do you know?"
"I know things. But I can't handle each of them. That's why I came here to ask you a favor."
Napayuko ito at bumuntong-hininga. "You know I can't do that, Aria."
"Hindi mo pa naririnig kung anong gusto kong sabihin. I want you to pass me the leadership. We'll start from there," wika niya.
Sarkastiko itong natawa. "You are not even a member. You did not proceed to Level Three and you haven't sign the NDA."
Sandali siyang napapikit. "Alam ko pero hindi ako magtatagal dito. Leave the paperworks aside. Just let me borrow your position as a leader. And I promise not to waste any casualty."
"But only for three days. Make sure to get the job done."
Naikuyom niya ang kamao. Three days? Hindi sapat pero mapagkasya na rin niya. Tumango siya. "Thank you."
Tumayo na siya at naglakad na patungo sa bintana.
"And one more thing," wika nito.
Lumingon siya. Nakatayo ito habang malalim ang titig sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong dapat mong gawin pero gawin mo nang maayos at mabilis," dagdag nito.
Ngumiti siya rito at hindi na sumagot pa. Sumampa na siya sa bintana at kumapit sa sanga ng puno.
Well, she got to do the job nicely done most of the time. Pero ngayon, hindi niya alam.
BINABASA MO ANG
Assassinate the Class President ✔
Teen Fiction"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which main purpose is to protect the country. It is funded by whoever becomes the President of the Philippine...