Chapter 12

222 21 0
                                    

"HERE are the pros and cons of the product trial that will be conducted to us as subjects," wika ni Aria habang isinusulat ang mga salitang iyon sa white board.

Tiningnan niya isa-isa ang mga kaklase nang matapos. Tahimik ang mga itong nakamata lang sa ginagawa niya. May ilang napapakunot-noo kaya alam niyang nakikinig ang mga ito.

Sa ilalim ng salitang 'PROS', isinulat niya ang NONE. "We cannot gain anything that can work to our advantage. Clearly, we will be used like rats or monkeys in a typical experiment or clinical trial. But when we look at pros of some big people's point of view, we can list many. And those things, on our side, will become CONS!"

Nang makitang wala pa ring reaksyon ang mga ito, nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Here are the downside of the Holston Tech Microchip Body Insertion. The one holding the controller will know where we are, what we're doing, what we're saying, and what our plans are. They were basically invading our right to privacy. The chip will be connected to any technology devices we have. Even though it can serve like a National ID, there are risks at stake. Mapapabilis ang bawat transaction but who needs it when there will come a time that we won't be able to control ourselves? Because on 2025, when the whole nation are settling their lives with the chip inside their body, Holston Tech and other people in the government will upgrade it. Katulad ng nga applications sa cellphones na ginagamit natin. The only difference is, we don't get to decide if we will upgrade it or not. Holston Tech will hold the decision. If the upgrade is successful, the chip will send electric impulses to our brain with a hidden message as to what we will do in a certain national activity like the political election."

Sa haba ng sinabi niya, hindi niya alam kung may pumasok ba sa tainga ng mga ito. She wet her lips with her tongue. Pakiramdam niya matutuyuan na siya ng laway. Ang hirap pala ng ganitong set-up. Mas okay kung diretso barilan na lang. May nagtaas ng kamay kaya napangiti siya. Tinuro niya ito.

"How do you know all these things?" tanong ni Mina. "How can we know if it is the truth that you're telling us?"

Nagtiim-bagang siya. Nahagip ng kanyang mga mata ang pagngisi ni Adhel. Humigpit ang pagkakahawak niya sa marker. Ang sarap nitong batuhin sa ulo.

She just chose to set the anger aside. Huminga siya nang malalim at tiningnan si Mina. Gusto niyang sabihin na nakita niya sa ledger na kinuha niya sa pinatay niyang senador. Pero baka matakot ang mga ito at magsialisan.

"Good question," wika niya. Ikinumpas niya ang kamay sa direksyon ni Harold na hawak ang microchip niya. Tiningnan naman ito ng lahat. "Nauna ang class presidents para sa MBI noong nakaraang araw. That microchip was implanted in my arm."

Napasinghap ang iba at umugong ang bulongan. May tumayo na para lapitan si Harold at doon na tiningnan ang microchip.

"Does it hurt... when you take it out?" tanong ni Fatima na namilipit ang mukha. Nararamdam siguro nito ang sakit.

Lihim siyang napailing. "Siyempre, masakit. Kaya lang, ayokong mangyari sa akin ang lahat ng sinabi ko sa inyo. Hindi man natin mapigilan ang pagturok ng microchip nila, pwede natin itong tanggalin sa braso ninyo. Of course, with the proper tools." Itinaas niya ang manggas ng suot na t-shirt. Tinanggal niya ang benda roon at ipinakita sa lahat ang sugat na hindi pa naghihilom.

"Gosh!" bulalas ni Charlotte. "You really took it out from your arm?"

Tumango siya at muling inayos iyon. "As for now, this is the only proof that I could show you. Whether you trust me or not, it's up to you." Gagawin din naman niya ang lahat para hindi matuloy ang MBI sa susunod na buwan.

Nabaling ang tingin niya kay Adhel nang ito naman ang magtaas ng kamay. Lihim siyang napairap nang tumayo na agad ito.

"How do you have access in all that information? You see, Aria, that was really the question. Pero hindi mo sinagot ang tanong ni Mina kanina. You redirect our attention to your arm which is slightly irrelevant to the truth that she wanted to know," wika nito.

Napapikit siya sandali. Pinapahirapan talaga siya ni Adhel. Napatingin siya kay Gwen pero halatang nagi-expect din ito ng sagot mula sa kanya.

"I... analyzed the microchip," wika niya. Gusto niyang magmura. Mukhang hindi niya napaghandaan nang mabuti ang presentation niya.

Lahat ng mga kaklase niya ay nakatingin na sa kanya na may halong pagdududa.

Sarkastikong natawa si Adhel. "Why would you do that when you're just a Grade 10 student? How are we supposed to believe a student that transferred from we-don't-know-where just to sputter nonsense in front of us?"

Naikuyom niya ang kamao. Napalunok siya. "As I've said, I am not forcing all of you to believe me. I just wanted to inform you the things that I know of regarding the microchip. Hindi naman-"

Naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Gwen.

"Can we just take it out of our system? Siguro naman hindi tayo isasalang ng university sa mga bagay na makapagpahamak sa atin. Let's just give this microchip a chance," tugon nito.

"Gwen's right. Her father is the Principal of Junior High. Imposible namang mangyari ang sinabi ni Aria," wika ni Gaile sa katabing si Lacy.

Napaawang ang labi niya. Nagsimulang magtanguan ang lahat. Tumayo si Gwen at kinuha mula kay Harold ang maliit na container na pinaglagyan niya ng microchip. Naglakad ito papunta sa kanya at ipinatong nito sa mesa.

Ngumiti ito at marahan siyang tinapik sa balikat. "It's okay, Aria. We can take care of ourselves when that happens. There's no need to make a big mountain out of a mole's hill."

"But-"

"We understand that you're just concerned to us. But I trust the university which I treat as a secondary home na." Lumingon si Gwen sa lahat. "I'm sure ganoon din silang lahat. Don't worry, hindi ko sasabihin kay Dad ang mga nangyari sa meeting na ito."

Wala na siyang nagawa nang isa-isang magsialisan ang mga kaklase niya na pinangungunahan ni Gwen.

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon