Chapter 05

278 24 9
                                    

GWEN tapped her fingers on the table in rhythm. Nag-aalala siya sa kung ano na ang nangyari kay Aria. Vacant nila at gusto niya itong puntahan. But outsiders weren't allowed to watch the initiation. Hindi rin pwedeng sabihin sa ibang tao ang naranasan ng mga sumubok na sumali.

"Gwen!" wika ni Fatima, one of the untouchables. Anak ito ng principal nila sa Senior High Department ng SCU kaya walang maglakas ng loob kantihin ito. Umupo ito sa bakanteng upuan ni Aria.

She smiled. "Yes, why?"

Kumalumbaba ito sa mesa at napalabi. "Have you seen Adhel?"

Umiling siya. "May kailangan ka?" Hindi ito sumagot kaya binigyan niya ito nang nanunuksong tingin. Lumapad ang ngiti niya. "Uy, crush mo siya, 'no?"

"Hindi! Ano ka ba?" wika nito habang sinusupil ang ngiti sa labi. "May itatanong lang ako sa kanya."

Natawa siya. "Sorry, ah! Pero hindi ko alam kung saan siya nagpunta."

"Pero, girl! Maiba tayo. Bakit mo ni-nominate si Aria as class president? Magkakilala ba kayo dati?" wika nito.

Natigilan siya sa tanong nito. Nag-iwas siya ng tingin. "Para maiba naman tayo ng class president," simpleng sagot niya at nagkibit-balikat.

"Alam na ba niya kung anong dating nangyari sa class president natin?" tanong nito.

"Hindi na niya dapat malaman," wika niya.

||

NASA harap ni Aria ang isang bowl ng noodles. Nakapatong ito sa mesa habang nakaupo siya sa isa sa mga silya na nakapalibot doon.

Nasa tapat niya ang apat na estudyanteng lalaki at nakamata sa reaksyon niya.

"Ano pa ang hinihintay mo?" wika ng isa habang nakangisi.

"Duraan mo na at nang maduraan na namin," saad ng isa pa.

Naikuyom niya ang kamao at sinunod ang gusto ng mga ito. Nang matapos na siya, isa-isang yumuko ang mga ito at naglagay ng laway sa noodles.

Gusto niyang masuka. She can handle any kind of torture but not this style. Gusto niyang ibalibag ang mesa at magwala. But when her eyes found Erole on one corner, she just kept her cool.

Naglabas ng blindfold ang isang lalaki. "Itatali namin ito sa mga mata mo. In ten minutes, dapat maubos mo na ang noodles na iyan," wika nito.

Ipinikit niya ang mga mata at mas lalong nagdilim ang paningin niya nang itinali na sa kanyang ulo ang tela. Naramdaman niya nilagyan ng mga ito ng kutsara ang kamay niya.

'This is mind over matter, Aria!' pagpapalakas-loob niya sa sarili. Sinimulan na niya ang pagkain. Nalalasahan pa niya ang pagkamalagkit na sabaw. Mainit-init iyon kaysa sa noodles na nasa harap niya kanina.

Lihim siyang napangisi. Oh, such a bunch of boys not knowing what they were doing.

Binilisan na niya ang pagkain hanggang sa hinigop na niya ang kahuli-hulihang laman ng bowl. Kalmado niyang ibinalik ito sa mesa at tinanggal ang blindfold.

Napansin niyang pinagpawisan siya kaya kinuha niya ang panyo na ibinigay ni Ma'am Go kanina. Nagpunas siya ng pawis sa noo. Tiningnan niya ang mga lalaki na puros nakaawang ang bibig. Tila hindi makapaniwala sa nasaksihan ng mga ito.

"Hindi yata ako umabot ng ten minutes. Sa susunod, initin ninyo ng sabay ang mga cup noodles para hindi halatang pinalitan ninyo. One more thing, salain ninyong mabuti ang raw egg nang sa ganoon hindi sumama ang egg yolk. Para perfect ang noodles with laway, hindi ba?" wika niya.

Nahulog ang timer na hawak ng isa sa mga ito nang dahil sa gulat. Napailing siya at tinapik ang balikat nito. Hindi na siya muling nagsalita at lumabas na sa tent ng mga ito. Pumasok naman siya sa pangalawang tent.

||


NANG mamataan ni Erole na tapos na si Aria sa unang level, agad niyang nilapitan ang mga kasamang nakabantay sa unang tent.

"Anong nangyari?" tanong niya.

Siningkit niya ang mga mata nang makitang pinulot ni Green ang timer mula sa sahig.

"Nakapasa siya?" muli niyang tanong.

"Hindi lang iyan, bro. Nalaman pa niya ang secret recipe natin," wika nito. Tiningnan nito ang kasama. "Hindi naman siguro niya ipagkakalat iyon, hindi ba? Kung hindi pa ako naging coordinator sa Cosmos Recruitment, hindi ko malalaman na hindi pala totoong laway ang nainom kong sabaw."

Nag-igting ang panga niya. Nalaman pala nito kaagad ang ginagawa nila. Umangat ang sulok ng kanyang mga labi. Ngayon niya napagtantong hindi ito madaling kalabanin.

||

KAMUNTIK nang mapasipol si Aria nang makita ang isang pathway na puno ng mga matutulis na bagay gaya ng pako, thumbtacks, pins at iba pa. Nakatayo siya sa isang maliit na pabilog na platform.

"Welcome dito sa Level Two. Ang gagawin mo lang dito ay tatalon ka sa pathway na ito habang may blindfold. Mayroon kang sampung segundo para makapagdesisyon kung tatalon ka o hindi," wika nito.

"May nalumpo na ba o na-tetano sa ganitong klaseng ganap?" tanong niya.

Napangiti ang lalaki. Umiling ito. "Wala pa naman!"

Tumango siya at hindi na sumagot. Hinayaan lang niya itong itali ang blindfold. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at inikot-ikot siya.

Limang beses yata siyang iginiya nito para umikot. Pero parang may kulang. Sa huling ikot, alam niyang hindi kompleto 360° iyon. Tantiya niya ay nasa 180° hanggang 270° lang ang inabot niya.

Kaya naman, hindi pa ito nagsimulang magbilang, tumalon na agad siya. Gaya ng inaasahan niya, walang masakit sa mga talampakan niya. Hindi naman kasi siya itinuon doon sa pathway na maraming matutulis na bagay.

"Whoa! You're impressive!" wika nito at tinanggal ang blindfold niya.

Napangisi siya. "Huwag kasing magbigay ng clue."

Napataas ang kilay nito. "Clue? Hindi naman kita binigyan ng clue."

"Well, hindi mo sana sinagot ang tanong ko kanina," wika niya at tinapik ito sa balikat. Lumabas na siya sa tent nito.

Nakita niya si Erole na nakaabang sa panghuling tent. Nakaupo ito habang masama ang tingin sa kanya. Sinenyasan siya nitong maupo muna kaya sinunod naman niya ito.

Ang sarap lang sa pakiramdam na makita mo ang reaksyon ng mga taong kayliit ng tingin sa iyo pero napatunayan mong nasa itaas ka na nila.

Siguro alam na ni Erole kung saan ito lulugar. He was way too beneath her.

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon