Chapter 14

220 23 6
                                    

LIHIM na nangingiti si Adhel habang pinagmamasdan si Aria na tahimik na kumakain sa harap niya.

"Stop staring at me!" wika nito habang may nginunguya pa.

'How can this girl be cute at the same time deadly?' wika niya sa sarili. Napailing na lang siya at yumuko. Itinuon na rin niya ang atensyon sa pagkain.

Napaangat siya ng tingin nang may isang crew ng cafeteria ang lumapit sa kanila.

"Hello! May promo kami ngayon. Free dessert kapag jowa ang kasama. Sign lang kayo sa form na magsisilbing entry ninyo dahil may pa-raffle rin kami sa susunod na buwan," wika nito at inilatag ang isang papel sa ibabaw ng mesa.

Tatanggihan na sana niya ito at sabihing hindi niya girlfriend ang babae at lalong wala siyang girlfriend pero naunahan siya ni Aria na magsalita.

"Ano pong klase ng dessert?" wika nito at uminom ng tubig.

Nagliwanag ang mukha ng babaeng crew. "Isang leche flan na good for two at saka dalawang brownies."

Tumango si Aria. Kinuha nito ang papel. "May ballpen po kayo? Wala kaming dalang bag, eh!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Wait! What do you think you're doing?" tanong niya.

"Bakit ba? Gusto kong kumain ng leche flan. Matagal na 'kong hindi nakatikim no'n," wika nito. Tinanggap nito ang ballpen na binigay ng crew. Ito na rin ang nagsulat sa pangalan nilang dalawa.

Wala na lang siyang nagawa kundi ang sundan ng tingin ang papel na nasa kamay na ng crew.

"Leche flan and brownies, coming right up!" masiglang wika nito at tumalikod na paalis.

Kunot ang noo niyang tiningnan ito. Napailing siya. "You took advantage of the situation. I didn't know that you have the hots for me."

"Correction, I have the hots for the leche flan," sagot nito.

"As if! That doesn't change the fact that you used me to get what you want." Hindi naman siya galit. Gusto lang niyang ipaalam dito na galit siya. May pinagkaiba? Malaki.

Napabuga ito ng hangin at muli itong uminom ng tubig. "Hindi ka talaga nagpapatalo sa usapan, ano?

Hindi na siya sumagot pa dahil pakiramdam niya sa mga tingin nito, may mababali na namang parte ng katawan niya. Huwag naman sanang sa leeg iyon.

Dumating ang leche flan at brownies. Hindi man lang siya nito naisipang alukin para kumain. Tinitingnan lang niya itong pukos na pukos sa ginagawa.

"So, how much do you know about the ledger?" tanong nito nang nangangalahati na ang kinakain.

Sumandal siya sa sandalan ng upuan. Nilingon niya ang paligid ng cafeteria. Bilang lang sa kamay ang kumakain doon at magkalayo pa ang distansya. Tiningnan niyang muli si Aria.

"Wala akong alam doon," wika niya.

"Liar."

Napasuklay siya sa buhok gamit ang kamay. Hindi na ba talaga siya kapani-paniwala? "That's the truth."

Binagsak nito ang tinidor sa paubos ng leche flan. Masama ang tingin nito sa kanya. Kinuha nito ang isang browny at kinain. Pagkatapos ay tumayo na ito.

"Follow me," wika nito at nauna nang tumalikod palabas ng cafeteria.

Bagsak ang balikat niyang sinundan ito. Ano na naman bang kasalanan niya? Tumakbo siya para masabayan ito. Hindi siya nagsalita kahit gusto na niyang magtanong kung anong mayro'n. Iginiya siya nito sa gitna ng soccer field.

Malayo ang agwat ng poste ng ilaw pero maliwanag naman ang buwan kaya naaaninag pa rin niya ito.

"Anong gagawin natin dito?"

Hindi ito sumagot. Napatingin siya sa nakakuyom nitong kamao. Huli na para mahulaan niya ang gagawin nito dahil malakas na naigkas na nito ang kamay patungo sa pisngi niya.

"Ouch!" sambit niya. Napabaling ang mukha niya sa kabila. Dinama niya ang nasaktang pisngi at tiningnan ito. "What the hell is your problem!" sigaw niya. Punching bag na ba siya sa tingin nito? Ginalaw-galaw niya ang panga dahil pakiramdam niya'y nahulog sa lupa ang lower jaw niya sa lakas ng pagkakasuntok nito.

"Stop pretending and fight back. I already know who you are," wika nito.

"Whoa! Stop right there, new girl! What do you mean by that? Talaga namang alam mo na kung sino ako. Hindi naman sekretong malupit ang pagkatao ko," wika niya.

Ang bilis naman nitong mag-transform mula sa pagiging cute patungo sa pagiging beast mode.

"Someone stabbed you in the back, am I right?" tanong nito.

Naikuyom niya ang kamao. Hindi niya gustong pag-usapan kung anong nangyari sa likod niya.

"If you tell me what really happened, I won't kill you!" dagdag na wika nito.

Nanigas siya sa kinatatayuan. Parang hindi na ito ang Aria na class president nila. Hindi na ito ang Aria na kilala niya.

"Y-You kill p-people?" tanong niya.

Yumuko ito at ngumisi. Kinilabutan siya nang mag-angat ito ng tingin.

"Why else would I lead you here?"

Napalunok siya. Sila na lang dalawa ang nakatayo sa buong field kaya kung maghihingi siya ng tulong, walang makakarinig sa kanya. Wala rin siyang nakikitang CCTV na nakakabit.

Hindi rin niya alam kung kaya ba niyang talunin si Aria dahil isang suntok pa lang nito, pakiramdam niya ay handa ng humiwalay ang kaluluwa sa katawang-lupa niya.

Kaya isa lang ang dapat niyang gawin para mailigtas ang buhay niya. Hinanda niya ang sarili. Siguro naman nasa kondisyon pa ang katawan niyang gawin iyon.

"Hey!" rinig niyang sigaw nito.

Pero hindi na siya lumingon pa kay Aria at ipinukos ang sarili sa pagkaripas ng takbo.

||

NAIILING na sinundan ng tingin ni Aria ang papalayong pigura ni Adhel.

"Damn that immature man," bulong niya sa sarili. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa ginawa nito.

Kung nagpapanggap lang ito, iyon ang hindi niya alam. Kailangan din niyang makausap nang masinsinan si Erole. Sa ngayon, babalik na muna siya sa dorm.

Nasa elevator siya nang may mapansing isang notice na nakadikit sa dingding. Kunot-noo niyang binasa iyon.

'Congressman Santos is scheduled to have a talk with us here at San Carlos University grounds next week. Please make sure to clear your schedules as everyone is encouraged to attend.'

Hula niya'y patungkol sa MBI ang pag-uusapan. The congressman was one of the five people holding a position in the government that was against the MBI Bill.

Mukhang may shootout na magaganap.

Assassinate the Class President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon