CHAPTER 6
Sinamahan ko buong Gabi si Seira hindi ako umuwi pinaalam ko na rin sa bahay .Nakaratay pa rin si Abby lumabas sandali si tita para asikasuhin ang mga papeles na pipirmahan at kumuha na rin ng gamit sa bahay nila kaya naiwan kami ni Seira magbantay madaling araw na pero wala pa rin syang tulog binabantayan nya talaga ang paggising ng ate nya .Alam kong mahirap to sakanya tatlo lamang silang natira pumanaw na ang kanilang ama dahil rin sa malubhang sakit .Pinilit ko pa syang magpahinga na sya dahil baka pati sya mawalan ng malay wala pa syang pahinga simula kanina .
Sinabe ng doctor na mahina na ang kanyang puso kailangan na nilang maghanap ng donor kaso alam naman ngayon na ang hirap maghanap ng donor kaya kahit nawawalan ako ng pag - asa nananatili akong matatag para kay Seira hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan kailangan kong tatagan ang loob ko para sa kaibigan ko kailangan nya ako ngayon .
Lumipas ang ilang araw hindi na laging absent si Seira hanggang ngayon hindi pa rin nakakalabas ng hospital si Abby .Nawawalan na rin ako ng oras kay Rye dahil tuwing natatapos ang klase ko pumupunta agad ako sa hospital para samahan magbantay si Seira sa ate nya si tita kase inaasikaso ang business nila .
Tuwing gabi ko lang nakakausap si Rye naiintindihan naman nya ako dahil pinaliwanag ko sakanya ang sitwasyon ng kaibigan na kailangan nya ako ngayon.
"Bes kumain kana ,"abot ko ng binili kong pagkain bago ako pumunta dito agad naman nyang nilantakan ang dala ko namumugto na ang kanyang mga mata namamayat na rin sya sa kapabayaan nya sa sarili nya ."Natambakan na ba ako ng mga naliban ko sa klase ?"tanong nya hindi nya alam ginagawa ko na ang ibang activities namin para sakanya upang hindi nya na alalahanin yun ."Wag muna isipin yan ,"saad ko sakanya na tumango naman sya at bumalik sa pagkain ulit .
Umuwi ako sa bahay ng tahimik wala na naman silang lahat maliban lang sa mga katulong namin .Madalas ako tumambay noon kila Seira dahil nga ayaw ko mapag - isa sa bahay kapag wala sila nalulungkot lang kase ako .Madaling araw na hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong itext si Rye kinamusta ko lang dahil nawawalan na nga ako ng oras sakanya.Hindi ako nakatanggap ng response nya kaya napagpasyahan ko nalang na matulog nalang .
Maaga akong nagising para magbake ng cookies para kay Rye gaya ng ginagawa ko dati sakanya para makabawi naman ako sakanya .
Masayang masaya ako dahil tiyak matutuwa sya rito paborito nya pa naman ito nakikita ko sa mata nya noon kung gaano sya katakam tuwing dinadalhan ko sya .
"GOODMORNING baby ,"bati ko sakanya habang tutok sya sa laptop nya abala ata sya kaya umupo nalang ako sa tabi nya .Kahit saang anggulo napakagwapo nya talaga yung uniform nyang bumabagay sakanya ang buhok nyang magulo na mas lalong nagpapagwapo sakanya ."I'm sorry tatapusin ko lang to ,"baling nya saken na tumango naman ako ."Dinalhan kita ng cookies ,"saad ko sakanya mabilis naman syang napalingon hininto ang ginagawa at tiningnan ang dala ko ."Namiss ko to baby and I miss you too ,"malambing nyang saad sakin agad naman akong hinalikan sa noo at niyakap yakap ako .
Kahit ako namiss ko yung ganto lagi akong tambay sa office nya ngayon kase kailangan ako ng kaibigan ko .
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.