Chapter 40
"Ma'am invited po ba ako sa kasal nyo ni sir Rye ?"pangungulit ng secretary ko na natatawa nalang ako sakanya sya pa ang mukhang excited sa akin .
"Ofcourse ikaw pa na loyal kong secretary mawawala sa kasal ko ,"saad ko sakanya na agad akong niyakap parang sya ata pinakamasaya sa amin .
Sobrang lapit ko na sakanya dahil rin siguro sobrang approachable nya sa akin pagdating ko palang dito .Tinapos ko lahat ng trabaho ko ngayon dahil sinabe ko kay Rye na hintayin nya lang ako sa parking lot para tingnan ang gown ko .
Binilisan talaga ang preparation ng kasal ng makuha nya ang matamis kong oo sinabe ko na rin kila kuya at mommy uuwi daw sila para sa akin . Sa wakas ito na yung hinihintay ko ang maging masaya ng hindi binabangungot ng nakaraan .
Mamaya pagkatapos namin tingnan ang gown ko gusto kong puntahan ang puntod ni Seira kahit wala na sya gusto kong makilala nya ang mapapangasawa ko kahit kontrabida sya sa akin noon kay Rye dahil ayaw nya lang masaktan ako .
"Sge ikaw na bahala dito ha ,"paalala ko sa secretary ko habang sinasabit ko ang bag sa balikat ko dahil nagtext na sa akin si Rye na nasa labas na sya naghihintay .Sinabe ko maghintay nalang sya dun dahil palabas na ako may aayusin lang .
Lumabas na ako sa office ko naiirita ako sa bag ko dahil nahuhulog hindi ko nalamayan na may nakabangga na pala ako nadapa ako .
Agad naman nya inabot ang kamay nya sa akin tumingala ako at nakita ko si Lucas pala inabot ko naman ang kamay nya para makatayo .
"Okay kalang ba ?"tanong nya na habang inaayos ko ang sarili ko .
"Uhmmm...okay lang ako salamat pala ."
"Congratulations !"sinserong saad nya sa akin na pilit naman akong ngumiti hindi ko nakikita sa mata nya na bitter siguro tanggap na nya ang lahat .
"Salamat I hope we can be friends like we used to do ,"saad ko sakanya na napangiti naman sya mukhang okay na talaga sya .
"Syempre naman salamat napatawad muna ako ako pa rin naman to ang Bestfriend mong gwapo ,"biro nya pa na mas lalo akong natawa . Bumalik na sya sa pagiging maloko nya .
"Ang yabang pa rin ."
"Invited ba ako sa kasal nyo?"tanong nya pa .
"Ofcourse hindi ka pwede mawala dun kung gusto mo ."
"Syempre naman pupunta ako masaya ako na nakikita kang masaya ."Ngumiti naman ako sakanya sana makahanap na sya ng magmamahal sakanya maganda naman syang boyfriend hindi ka maghahanap ng iba .
Naabutan kong prenteng nakatayo si Rye sa kotse nya agad naman napangiti ng makita ako sinuklian ko naman sya ng halik paglapit ko sakanya .Pinagbuksan naman nya agad ako ng pinto gentleman na din ngayon ang mokong lagi akong pinagbubuksan ng pinto sa kotse .
Nagpapatunog sya ng music habang nasa daan kami napapangiti naman ako na nahuhuli ko syang nakatingin sa amin .Natatawa nalang kaming dalawa kapag minsan hindi ko mapigilan matawa sa pag - iwas nya .
"Excited ka na ba palitan ng apelyido mo ng Reyes ?"asar nya sa akin na tumawa naman ako .
"Ang yabang naman ng mapapangasawa ko ,"balik ko sakanya na kinasimangot nya natawa nalang ako parang gusto ko kurutin pisngi nya sa pagsimangot nya .
Dumating kami sa ni set nyang gown masiglang binati naman kami ng mga bakla na designer habang hindi matangggal ang mga mata nila sakanya .Kahit ang mga babae napapatingin na rin sakanya kahit titigan nila yan buong araw sa akin pa rin yan bagsak .Maglaway lang sila dyan ako makakasama ko yan habang buhay .
"Ang haba ng hair mo girl ang gwapo ng mapapangasawa mo at ang ganda mo rin perfect combination sigurado ang gwapo at maganda ang mga anak nyo ,"puri ng isang bakla sa akin habang inaayos ang gown ko sa na sinusuot ko naghihintay naman si Rye sa labas dahil sa pamahiin daw na bawal makita nakagown ang babae ng mapapangasawa nya dahil hindi matutuloy paniwalain din ng pamahiin ang isang yun .
"Hayan bagay na bagay sayo ."
"Salamat ."
"Saan mo ba nabingwit ang ganyan ka gwapo girl at pupunta rin ako dun ,"biro nya pa sa akin na ngumiti nalang ako .
"Magkakaroon ka din pero babae yung kasing ganda ko ,"biro ko sakanya na kinabusangot nya na parang ayaw makasal sa babae natatawa nalang ako sakanya .
"Pogi ang hanap ko hindi maganda ."
"Oo na HAHAHA ,"pagsuko ko.
"Halika na labas na tayo girl dahil nagiging lalaki na ako sayo sa sobrang ganda mo sa gown mo ."
"Akala ko ba ayaw mo sa babae ?"asar ko pa sakanya habang palabas kami .
"Haynaku girl ang kulit mo rin HAHAHA."
"Maganda tayo e HAHAHA."
"Ay sang - ayon ako dyan ."
Lumapit agad ako kay Rye na nakaupong naghihintay na halatang bored na bored na agad ko naman hinalikan sa pisngi ang bakla tumili pa inggit pa ata .
"Ano ayos na ba ?"tanong nya sa akin .
"Oo pogi ang ganda - ganda ng mapapangasawa mo sa gown nya hindi kana magsisi na papakasalan mo sya ,"biro pa nya sa amin na natawa nalang kami pareho .
"Syempre asawa ko yan e HAHAHA."
"Mapapangasawa palang ,"pagtatama ko sakanya .
"Doon din naman ang punta ."
"Sge una na kami ha ,"paalam ko sa baklang ito na kanina pa kami nag - uusap pero hindi namin alam ang pangalan ng isa't -isa nakakatawa nalang .Nag - enjoy ako sa pag entertain nya sa akin sobrang nakakatawa sya noon talaga minsan pinagarap ko magkaboyfriend ng bakla dahil nawiwili ako sakanila .
Pumasok na ako sa kotse nya dahil dadaan pa kami sa puntod ni Seira matagal - tagal na rin hindi ako nakadalaw sakanya baka nagtatampo na sa akin ang bruhang yun at multuhin pa ako dahil hindi ko pinaalam sakanya na ikakasal na ako .
Nakakalungkot lang na wala na sya pinangarap pa namin noon na ang bawat ikakasal sa amin ay magiging bride's maid ng isa't isa .
"I miss you ,"saad ko sa harapan ng puntod nya habang nakaalalay sa akin si Rye umupo agad ako sa puntod nya at nilinisan ang .Inalis ang mga konting dahon at mga konting papel na nagkalat .Mukhang binisita sya ni Tita dahil may bulaklak na bago agad ko naman nilapag ang bulaklak ang dahon na dala namin sakanya .
"Ikakasal na ako Bes nakita mo itong singsing ,"pakita ko sa singsing na hawak - hawak ko sa darili ko ."Ikakasal na ang Bestfriend mo sana masaya ka kung saan ka man ngayon kahit hindi ka makadalo sa kasal ko alam ko pnapanood mo ako ngayon ."dagdag ko pa na pinipigilan ko maluha dahil masaya ako kahit wala na sya kailangan ko tanggapin .
"Si sir Rye ang kontrang - kontra ka sakanya noon sya ang mapapangasawa ko Bes sana kung nandito kalang baka binatukan mo pa ako HAHAHA."niyakap naman nya ako ng nararamdaman nyang paiyak na ako dinadaan ko lang sa biro pero naiiyak na ako .
"Kung saan man sya ngayon masaya sya para sa atin ,"saad nya sa akin habang nakayakap ako sakanya .
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.