CHAPTER 28

192 15 0
                                    

CHAPTER 28

"Wag ka masyado magpakalasing Cha ."

"Ano ka ba ang kj mo naman pumunta tayo dito sa club para maglasing at magsaya kaya wag ka nga ."Pumunta kami sa club na pinupuntahan ko noon tuwing tumatakas ako kila mama para uminom inaya ko sya sumama naman tapos ngayon ang kj pala .

"Cheerssssss,"taas ko sa iniinom at sumayaw - sayaw ."Halika Lucas sayaw tayo ,"hila ko sakanya papunta sa dance floor na maraming taong sumasayaw nakisali ako sa gitna habang si Lucas nanonood lang sayaw ako ng sayaw mukhang maliit lang nainom ko umiikot na paningin ko ha .

"Party !party !"wagayway ko pa sa kamay ko na todo hawak naman sa tabi ko si Lucas para walang makalapit sa akin .

"Halika na umupo na tayo ."

"Ano kaba Lucas sasayaw pa tayo e ."

"Hindi umupo na tayo lasing kana ,"wala akong nagawa dahil pilit nya akong hinila sa maraming tao umupo nalang kami ulit sa inupuan namin kanina .

"Mapapatay ako ni tita kapag inuwi kita mamaya ."

"Ano ka ba wag ka ngang kj ."

"Hindi naman kase Kailangan pumunta dito sa ganitong lugar ."

"Kalalaki mong tao ilag na ilag ka sa club bakla ka ba ?"asar ko sakanya .

"Anakan pa kita ,agad ko naman sya pinalo kahit kailan walang sinasanto ang kalokohan.

"Lene tama na yan ."

"Hindi kaya ko pa uminom sakit nga na dinulot nya nakaya ko e napakawalanghiya nya wala na nga sya sa tabi ko nung kailangan ko sya nakuha nya pang magloko."Kinuwento ko lahat sakanya ng nangyare nang mahimasmasan ako sa rooftop kanina kaya pagkatapos inaya ko sya dito .

"Hindi ka nya deserve kaya sana wag mo sayangin ang sarili mo dahil sakanya marami pang taong nagmamahal sayo ."

"Walang nagmamahal sa akin lahat sila iniwan ako lahat sila niloko ako."

"Baket ako nandito naman ako e hindi kita iiwan ."

"Mahal mo ba ako ha ?"ewan ko saan ako kumukuha ng lakas itanong sakanya lahat ng ito siguro dahil sa lasing lang to kaya ako ganito .

"Mahal kita pero kaya nahihirapan akong nakikita kang ganyan okay na ako kahit hindi ka saken maging masaya kalang ."



Nagising ako sa sinag ng araw sa bintana ko agad ko naman nilibot ang paningin ko nasa kwarto na ako paano ako nakauwi ?ah si Lucas ang kasama ko kagabi hindi ba sya napagalitan ni daddy patay .

Habang naliligo ako wala akong iniisip kung hindi ang nangyare kay Lucas siguro naman okay naman sya tatawagan ko lang kung buhay pa sya sa pagkahatid nya sakin kagabi .Ang sakit ng ulo ko wala akong maalala basta ang alam ko lasing na lasing akong hinatid ni Lucas sa bahay tapos hindi ko na alam.

"Cha open na door ."

"Bukas yan ,"saad ko kay kuya sa labas habang nagsusuklay ako .

"Bakit kuya ?"tanong ko sakanya ng makaupo ako sa kama ko agad naman syang umupo sa tabi ko .

"Bakit ka naglasing kagabi ?"teka nalaman nya umuwi pala sya akala ko kakarating lang na naman nya galing sa trabaho .

"Wala kuya gusto ko lang makalimutan lahat ng sakit parang gusto ko lang marandaman ulit paano maging masaya kahit sandali na walang iniisip na problema ."

"I know may iba pang dahilan kaya ka naglasing kagabi .

"Kuya alam mo naman bakit ganito ako e ngayon sana maintindihan mo dahil hindi ko na kinakaya yung sakit kuya e ."

"Wala na ba kayo ?"

"Sino ?teka alam nya ba ang tungkol sa boyfriend ko ang tinutukoy ko lang naman sana si Seira ha .

"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko Cha kaya sagutin mo ang tanong ko anong nangyare ?"

"Paano mo nalaman ?"

"I have my ways Cha ."Iba rin talaga kahit busy kami sa isa't isa ang dami nyang alam sa akin ."Tuwing uuwi ka palang ng late Cha alam kong may iba ng nangyayare sayo kaya inalam ko saan ka pumupunta."

"Niloko nya ako kuya akala ko mahal nya talaga ako akala ko talagang akin sya na sasamahan nya ako sa lahat hindi pala ang sakit e pinagkatiwalaan ko sya ng sobra hindi ako nakikinig sa mga naririnig ko pero nung nakita ko na dun palang namulat na ako sa katangahan ko .Ang sakit hindi ko alam anong gagawin ko lahat nalang ata ng sakit sa mundo nasalo ko na ."

"Gago pala yan e kapag yan nakita ko mapapatay ko yan ."

"Kuya please ,"pagmamakaawa ko sakanya na para wala ng gulo kahit naman ganun ginawa sakin ni Rye mahal ko pa rin sya hindi maaalis ang pag - aalala ko sakanya kapag sinaktan sya ni kuya .

"Kung ganito ang nangyayare sayo paano pa kaya kapag bumalik na naman sila mama hindi mo kakayanin kaya mas mabuti sumama ka nalang sakanila .Doon ka magsimula ulit wala ka ng maiiwan dito ngayon sasabihin ko kila mama na isama ka nila dahil kahit ganito hindi kita kayong protektahan sa nanakita sayo .Lahat ng nakapaligid sayo sa pinas si Seira ang naalalala mo tapos yung puso mo parang durog na durog na sa ginawa nila sayo  .Doon ka nalang mag - aral sa States pwede ka naman bumalik dito kapag okay kana e .

"Kuya tatakas ako dahil sa ganun ?"tanong ko sakanya dahil parang ganun ang ibig nyang sabihin kahit gusto ko naman dahil yun ang makakabuti sa akin .

"Sa tingin mo ba kapag namalagi ka dito magiging okay ka ?kaya mo bang pumasok ?kaya mo bang harapin sya sa ginawa nya sayo ?Hindi diba magkukulong kalang lagi dito sa kwarto ."tahimik nalang ako sa sinabe nya dahil totoo naman ano ngang gagawin ko dito kapag nagstay ako dito magmumukmok habang buhay sira ang buhay ko .

"Lumabas kana sasabay kang kumain sa amin kanina pa siguro naghihintay sila daddy sa baba humanda kana sa parusa mo ."

"Kuya naman e nananakot ka naman e ."

"Dali na labas na mauuna na ako ,"lumabas na sya sa pinto habang nag - iisip pa ako ng palusot ko kay daddy bakit ako naglasing kagabi .


"How's your sleep Cha?"tanong sakin ni daddy pagkaupo ko sa hapag actually masaket ang ulo ko ngayon hang - over ata .

"Okay naman po dad,"sabi ko nalang dahil baka batuhin ako ng kutsara nya kapag hindi ko inayos ang pakikipag - usap nya sa akin ngayon . Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko mukhang hindi na tinanong yung pag - uwi ko kagabi ng lasing ako .

"Sasama po si Cha sainyo pagbalik sa States,"saad ni kuya na tumahimik nalang ako siguro okay na ito na umalis ako dito .

"Talaga ?"masayang tanong sakin ni mama na tumango naman ako nakita ko naman ang ngiti ni dad na natutuwa sa desisyon ko .

"That's good then Cha buti nalang nareserve ko na ang passport mo kahit hindi mo siguradong sasama ka ."ngumiti nalang ako kay mama sa sobrang saya nya .

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon