CHAPTER 25
Lumipas ang dalawang araw at minadali ni tita ang pagpapalibing kay Seira dahil palubog na ang mga negosyo nila sa ibang bansa kaya kailangan nilang pumunta roon para asikasuhin.Ngayon araw ang libing ni Seira last na makikita ko syang nakaratay sa kabaong nasa tabi ko pa rin si Lucas na laging nakaalalay sa akin hindi sya nawala sa tabi ko .Isa isa ng nagbigay ng eulogy para kay Seira na si tita ang sumunod na luhaan muna bago nagsalita kinuwento nya lahat ng kakulitan ni Seira mga pagtakas namin sakanya noon at kung gaano nya kamahal ang ate nya.
Sumunod si Abby na mukhang naliwanagan na sa lahat mugtong mugto pa rin ang mukha nya inihayag nya yung unang pagkagising nya sa hospital na sobrang saya na nagising na sya at magaling na sya may nagbigay na ng donor sakanya pero kasabay nun ay ang pagkadurog nya ng nalaman nyang si Seira ang donor nya .Kinuwento nya rin yung mga pang - aasar namin sakanya ni Seira natatawa ako na naiiyak sa bawat kuwento nya mga ginagawa namin sakanya hindi ko aakalain na hindi na mauulit yun na huli na pala yun .
Maya maya ako na ang tinawag para sa magbigay ng last eulogy para kay Seira tiningnan ko si Lucas bago ako tumayo tumango naman sya sa akin na nandito lang sya kapag hindi ko na kaya .
"Seira is my only bestfriend sya lang ang pinagkatiwalaan we're just like sister na hindi mapaghiwalay laging magkasama aa lahat sabe nga ni Abby lagi sya ang puntirya namin pagdating sa bully .Parang kami pa yung magkapatid pero hindi ko alam na yung asaran namin noon hindi na pala mauulit .Sya yung kasama ko paglaki naalala ko pa lagi kaming tumatakas kay tita para magshopping tapos pagtitripan namin yung mga sales lady sa mall at mga guard ,"huminto muna ako sandali at pinunasan ko ang mga luhang kanina pa pumapatak sa pisngi ko kahit pinipilit kong tumawa na inaalala ko lahat ng kalokohan namin ."She can't be Seira without her shenanigans dahil hindi yan mawawala sakanya sya pa ang nagpamana sa akin ng mga kabrutalan ko ngayon .Sana saan man sya ngayon masaya sya dahil ang mga naiwan nya kahit masaket tanggapin kakayanin.Hindi ko na kinaya at bumaba na ako dahil hindi na mapigilan ang mga luha ko sinalubong naman ako ni Lucas ng yakap .Niyakap ko sya ng mahigpit at humagulgol sa balikat nya .
Hinahatid na namin sa huling hantungan nya at isa - isa ng hinulog ang mga bulaklak sa kabaong nya .Nasa tabi ko lang si Lucas na yakap yakap pa rin ako na hinuhulog ko ang bulaklak na hindi ko pa mabitwan gusto kong sumigaw na bumangon ka dyan hindi totoong patay ka at wala na akong Bestfriend pero kahit anong gawin ko hindi ko naman sya maibabalik .
"Cha kumain kana kanina ka pa walang kain ."
"Buhay pa sya diba?panaginip lang ito diba Lucas ? Lucas sabihin mo panaginip lang ito sampalin mo ako para magising na ako ,"pinagpapalo ko sya at sinalo nya lang lahat wala syang sinasabe niyakap nya lang ulit ako ng mahigpit.
"Shhhhh wala na sya Cha tanggapin na natin nagsakrispisyo sya para sa ate nya ."
"HINDI BUHAY ANG BESTFRIEND KO NANAGINIP LANG AKO SAMPALIN MO AKO PARA MAGISING NA AKO HINDI KO KINAKAYA ITO LUCAS !"
"Shhhhh tahan na hindi makakabuti yan sayo what we need now is acceptance mas lalong mahihirapan lisanin ni Seira ito kapag nakikita nya kayong lahat na nagkakaganito kayo .Cha nandito naman ako hindi man ako best pero nandito ako lagi kapag kailangan mo ng kaibigan .Naiyak lalo ako ng titigan ko si Lucas na parang hirap na hirap na rin sa akin hindi ko alam bakit ganito sya kabait pero nagpapasalamat akong nandyan sya sa tabi ko na makikinig sa lahat ng rants ko .
"Lucas wag mo akong iwan ha ."
"Hindi kita iiwan Cha nasa tabi mo lang ako lagi ."
"Salamat ."
"Kumain kana para may lakas kana ,"tumango naman ako sakanya at kinuha na ang nasa harap nyang pagkain at nagsimula na akong kumain .Medyo naiilang ako sa paninitig nya kaya hindi ko maiwasan na mapatingin sakanya minsan at ngiti lang ang sinusukli sa akin .Ang swerte ng magiging girlfriend nya dumating kanina si Hades na boy bestfriend ko dahil malapit din sya kay Seira pero umuwi rin pagkatapos ng libing dahil kailangan pa sya sa bahay nila .
"Ang swerte ng magiging girlfriend mo ,"sambit ko sakanya na kinatawa nya .
"Mas maswerte ako kapag ikaw ang girlfriend ko ."
"Sira wag ako ha sasapakin kita ,"banta ko sakanya na kinatawa nya .
"Sayang nga lang may boyfriend ka na at proffesor pa natin kung hindi niligawan na kita kase naman sabe ko naman sayo ako nalang ."
"Yuck kadiri linyahan mo sa sabe ko naman sayo ako nalang ,"tawa tawa kong saad sakanya na kinasimangot nalang nya .
"Atleast napangiti kita ,"saad nya na bigla kong nahinto ang pagtawa ko .
"Ngumiti ka lagi hindi bagay sayo ang malungkot mukha kang aso kapag ganun ."
"Bwesit ka !"
"Akala ko papaluin mo naman ako ."
"Hindi na saka na kapag ka na kapag nakaalis na tayo dito para dalhin lang kita sa hospital kapag sobrang lala ng balikat mo."
"Makonsensya ka naman sa balikat ko ,"simangot nya na kinatawa ko nalang .
"Halika na pumasok muna tayo ,"'aya ko sakanya at tumayo na ako para pumasok ulit sa bahay nila tita dahil kanina pa kami sa backyard nakatambay .
"Kiss muna ."
"Yuck kadiri ka dyan ka na nga ,"tunalikuran ko nalang sya dahil mang - aasar na naman .
"KISS LANG E DAMOT ,"sigaw nya pa by malayo na ako .
"EWAN KO SAYO UNGGOY."
BINABASA MO ANG
My Professor
عاطفيةA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.