CHAPTER 21
"Tita !"agad akong napayakap ka tita pagdating ko sa hospital humagulgol ako ng humagulgol sa balikat nya .
"Cha yung anak ko ,"naiiyak ring saad ni tita halata sa mata nya na kanina pa sya umiiyak na namumugto ang mga mata nya .
Nang mahimasmasan na ako pinunasan ko ang mga luha ko binigyan ako ni Rye ng panyo sumama sya kahit may meeting pa sila hindi nya daw hahayaan pumunta ako mag - isa ng ganito .
"Paano po ang nangyare ?"tanong ko ng makaupo kami at tinignan ko si Abby na hindi pa rin gising .
"Kanina kase yung heartbeat ni Abby biglang humina tapos biglang lumabas si Seira sabe nya may kakausapin lang daw sya hindi ko alam na doctor pala ni Abby ang kausap nya bigla nalang lumitaw yung doctor na may donor na si Abby e ako tuwang tuwa hindi ko na natanong kong sino kase ang importante saken may donor na kaso kanina nagising si Abby tinanong namin sa doctor ...Cha hindi ko nakayanan muntik na akong mahimatay."Niyakap ko si tita na parang hindi na kayang ipaliwanag iyak pa rin sya ng iyak sabe nya maya - maya magigising na rin daw si Abby tinurukan lang daw dahil nagwawala nung nalaman nyang si Seira ang donor nya .
"This way ma'am,"turo samin ng nurse kung saan ang katawan ni Seira bukas pa namin iuuwi hindi ko alam gusto lang makita kahit hindi ko kaya .
"Rye .."
"Shhhhh kaya mo ba ?"
"Rye hindi ko ata kaya makita ba nakabalot sa puting tela ang bestfriend ko Ryeeee hindi ko kaya !"
"Tama na wag na natin tingnan kung ganyan mas lalo kalang ..."
"Rye hindi gusto ko makita kaya ko to ."Gusto kong makita ang bestfriend ko kahit pikit sa mata kakayanin ko paano nalang sa libingan na hindi ko na kakayanin .
"Number 5 po ma'am,"binuksan ni Rye ang room na kinalalagyan ni Seira binubuklat nya ang nakabalot na tela pero nag - aalanganin sya dahil sa akin tumango nalang ako na kaya ko to.
Agad yumakap si Rye sa akin ng humagulgol ako ng iyak pagkabukas nya .Hindi sobrang amo ng mukha nya kung titingnan para lang syang natutulog.Lumapit ako ng unti - unti hanggang sa maging kaharap ko ang ulo nya .
"Rye hindi ito totoo sampalin moko Rye hindi totoo nanaginip lang ako !"
"Ssshhh wala na sya Cha ."
"HINDI TOTOO YAN !IPAPAKILALA PA KITA SAKANYA !GAGALA PA ULIT KAMI !"
"shhhhh tama na nasasaktan sya lalo sa kalagayan mo ngayon ."
"HINDI RYE E ANG DAYA DAYA NYA VAKIR KAILANGAN NYANG MAGSAKRIPISYO!"
"Mahal na mahal nya ang ate nya Cha."
"Rye hindi panaginip lang ito buhay ang Bestfriend ko buhay sya !may bestfriend pa ako buhay sya hindi sya yan ang bestfriend ko buhay !"Niyakap nya ako ng mahigpit ng nagwawala na ako na pinipilit kong hindi si Seira yan .
Sa oras na ito pinapaniwala ko na buhay ang bestfriend ko kahit wala na sya gustuhin ko man maging matatag para kila tita dahil mas nasasaktan sila sa kalagayan na ito pero hindi ko kaya nakita ko palang ang bangkay ni Seira hindi ko na kaya halos ikadurog ko na .Nakabalot sa puting tela parang natutulog lang sa bahay ganun na ganun sya kung matulog maaamo ang mukha oo tuwing tulog lang sya mukhang maaamo kapag nagising parang dragon gusto kong lumabas yun kanina pinaghahampas ko sya para magising na kagaya ng dati sasapakin ako kapag naiistorbo ko sya .
Pinalabas kami sa pagwawala ko niyakap lang ako ng mahigpit ni Rye habang palabas kami dahil ayaw kong lumabas gusto kong magising sya ata sapakin ako dahil ang istorbo ko .
"Cha kumain ka muna ."
"Wala akong gana Rye."
"Cha kailangan mo ito baka mamaya mahimatay ka jan kanina ka pa hindi kumakain ."
"Rye hindi ko kayang kumain sa ganitong sitwasyon paano ako kakain kung yung utak ko hindi pa maiprocess ang mga nangyayare !"
"Kailangan mo maging matatag para sa bestfriend mo para kila tita."
"Pinipilit ko naman Rye e pero hindi ko talaga kaya mahirap parang nawala yung kalahating katawan ko sa pagkawala nya bestfriend ko yun Rye pa ko ng kapatid .Sya yung kasama ko sa lahat bago kita nakilala sya lang ang naging kaibigan ko .Ngayon sino?sino na ang magiging kasama ko sa lahat ng kalokohan ha ?sya lang ang pinagkatiwalaan kong bestfriend Rye!"
Nabitwan ni Rye lahat ng pagkain at agad lumapit sa akin para yakapin ako sa paghahagulgol ko."Shhhhh tama na okay shhhhh tahan na ."
"Cha gising na si Abby ."Pumasok agad ako sa sinabe ni tita kailangan nasa tamang kalagayan sya dahil nagsakrispisyo ang kapatid nya para sakanya .
"Okay na ba sya doc ?"sagot ni tita dahil walang imik si Abby na parang nagdidigest pa sa utak nya ang nangyayare.
"Bale ngayon okay na po yung puso nya pero hindi pa rin po matanggap ang nangyare kaya ganyan po sya pero babalik din naman sya dati ngayon nagdidigest pa sa utak nya lahat hindi nya pa alam magiging okay rin po sya ."
"Sge po doc salamat po ,"tumango nalang ang doctor kay tita at lumabas na .Kinuha ni tita ang binili nyang pagkain sa labas kanina at pilit na pinapakain si Abby na wala pa ring imik .
Sinusubuan lang sya ni tita na parang robot na walang imik - imik kahit ako naiiyak sa sitwasyon na ito pero tinitiis ko hindi ako iiyak sa harapan nila tita dahil paano ako sila magiging matatag kung pati ako nawawalan ng lakas para maging matatag .Pinilit ko wag lumabas ang luha na kanina ko pa pinipigilan dahil nakikita ko palang ang walang imik at walang ganang mukha ni Abby parang babagsak lahat ng luha ko mabuti nalang nalasuporta sa tabi ko si Rye .
"Bukas anak ilalabas kana ."
"Pati po ba sya ?"
"Oo ,"yukong saad ni tita dumaplis naman ang luha sa mata ko na agad kong pinunasan kailangan kong maging matatag para sakanila .1
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.