CHAPTER 24
"Let's go ,"'aya sa akin ni Lucas na kanina ko pa pinakatitigan si Abby somehow gusto ko syang sisihin dahil sinakripisyo ni Seira ang buhay dahil sakanya tapos ganito sya mukhang sinasayang lang lahat ng sakrispisyo ni Seira.
"Magpaalam muna tayo kay tita baka nasa labas sya ,"tumango nalang sya sa akin at tumayo na para hintayin ako sa labas .
"Manang kaya na po ang bahala sakanya pakainin nyo na po sya ,"paalala ko sa kasambahay nila naiwan dito pagkalabas ni tita kanina para asikasuhin ang mga bisitang duamdating .
"Sge po ma'am ingat po kayo ."
"Salamat ."
Naabutan namin si tita na nakapalibot sakanya ang mga kasing edad nya na parang galing silang lahat sa iyak hinintay namin na mapansin ni tita ang presensya namin na hindi naman nagtagal dahil may bumulong sakanyang kumare nya mukhang nahalata ata na hinihintay ko si tita .
"Oh Cha pauwi na kayo ?"tanong nya sa akin pagkalapit nya.
"Opo tita gusto ko man sana dito matulog para samahan kayo pero may kasama po kase ako pasensya na ."
"Ano ka ba okay lang kaya ko to okay wag ka ng mag - alala sa akin umuwi kana bumalik nalang kayo bukas ."
"Sge po Tita pakatatag po kayo ,"saad ko sakanya na kinangiti nya .
"Ikaw rin Cha lahat tayo kailangan natin yan ,"agad ko naman syang niyakap para maibsan ang sakit na hindi nya mailabas .
"Sge mag - iingat kayo sa daan ha ,"kaway nya sa amin ng pagkapasok ko sa kotse ni Lucas na ngumiti nalang ako sakanya .
Habang nasa byahe kami walang nagsasalita hindi ko na rin sinubukan dahil wala ako sa mood para makipag - usap .Tumingin tingin nalang ako sa bintana para pagmasdan lahat ng nadadaanan namin .
"GOODNIGHT!"saad nya pagkababa ko sa kotse nya na nasa tapat na kami ng bahay.
"Salamat Lucas ."
"Hintayin mo ako bukas sasamahan kita ."
"May pasok ka pa ."Totoo naman ako kase sabe ni kuya sya na daw ang umasikaso na ipaalam sa mga guro ang kalagayan ko .
"Wag muna isipin yun basta sasamahan kita ."Hindi ko alam sa kabila ng lahat ng pagiging brutal ko sakanya ang bait bait nya sa akin kaya hindi ko sya kayang layuan kagaya ng sinasabe sa akin ni Rye dahil ngayon na mag - isa ako sya ang karamay ko .
"Hindi ko alam anong nagawa kong mabuti at nandyan ka lagi para sa akin ."
"Ganito kapag gwapo babes ."
"Sira sge na uwi kana ,"saad ko sakanya na tumalikod naman agad at pumasok na sa kotse nya .Hinintay ko syang makaalis bago ako pumasok sa loob .
"Anak ,"nagulat ako sa bumungad sa akin sila mama at daddy agad akong niyakap ni mama .
"I'm sorry wala kami dito noong kailangan mo kami anak I'm sorry ,"paghingi nya ng tawad na napahagulgol nalang ako sa balkat nya akala ko hindi na sila uuwi .
"Sabe ng Kuya mo hindi ka daw kuamakain simula kahapon anak ayoko pati ikaw mawala sa akin alam kong mahirap tanggapin dahil sya ang kasama mo paglaki pero isipin mo naman ang sarili mo nandito kami ."
"I'm sorry mama ."
"Shhhhh tahan na we're here para sayo hindi kami aalis dito hanggang hindi okay ang lahat okay ?"
"Thank you daddy ,"baling ko kay daddy na nakisali agad sa pagyakap .
"Hephep hindi ba ako kasali dyan sa group hug ?Ang daya nyo naman sali ako."Natawa nalang ako sa inasal ni Kuya na agad nakisiksik para makiyakap sa amin .
"Tama na nga kakain muna tayo ."
"Oo nga naman kanina pa kami hindi kumakain Cha kakahintay namin sayo nagdate ka pa ata e ,"pang - aasar ni kuya na inirapan ko nalang .
"Kamusta si Tita Abellla mo?"tanong sakin ni mama habang kumakain kami .
"Kinakaya naman po nya ."
"Si Abby okay na ba ?"
"Tulala pa rin po ."
"Tulungan ko sya tanggapin ang lahat alam kong nahihirapan ka rin pero sana matulungan mo sya kahit para kay Seira lang ,"saad ni mama na tumango nalang ako dahil gagawin ko naman talaga kahit ako sa sarili ko hindi ko rin kayang tanggapin ang lahat .
"Bukas pupunta kami ng daddy mo sakanila gusto mo sumabay ?"
"Susunduin po ako ng kasama ko kanina ."
"Boyfriend mo ba yun ?Hindi mo man lang pinapasok sa bahay ,"nabilaukan ako sa sinabe ni mama .
"Okay kalang ?"tanong nya na tumango nalang ako at umunom ng tubig habang si Kuya halos mamatay na kakatawa.
"Classmate ko lang po sya mama ."
"Ah hindi kaba nililigawan?"
"Hindi po ma ."
"Okay you as you said so ."Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko na inirapan ko nalang si Kuya na hindi pa natapos kakatawa .
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.