CHAPTER 33
"Cha okay ka lang ba ?"tanong saken ni Lucas habang kumakain kami .Masyado ata napuno ng utak ko yung pagkikita namin kanina ni Rye ng hindi inaasahan akala ko hindi ko na sya makikita pero maliit nga naman ang Manila para hindi kami magkita .
"Okay lang ako hindi lang maganda ang pakiramdam ko pasensya na ,"palusot ko sakanya na tumango naman sya na parang naniwala naman .
Naglibot - libot lang kami at bumili ng nga kung ano - anong nadadaanan picture soon picture dito pero parang wala ako sa sarili na napapansin na ni Lucas kaya umupo muna kami sa park dahil baka mahilo daw ako parang namumula daw ako e .
"Okay kalang ba talaga ?Gusto mo iuwi na kita next time nalang ulit tayo atsaka may appointment pa naman ako kaya okay lang magpahinga ka muna ,"saad nya na tumango nalang ako dahil hindi ko kaya magsaya ata ngayon pagkatapos ng nangyari kanina .Tahimik lang ako habang nagmamaneho sya hindi ko rin alam ang sasabihin either sabihin ko sakanya na nakita ko si Rye pero baka pag - awayan pa namin kaya hindi ko nalang sinabe nanahimik nalang ako na patingin - tingin sa bintana .
"Uminom ka ng gamot ,"saad nya pagkababa ko sa kotse nya na tumango nalang ako dahil wala naman akong sakit sa puso pwede pa baka bumalik na naman yung sakit kaya ako ganito .
Pumasok na agad ako sa bahay pagkaalis ni Lucas nadatnan ko si Kuya na tutok na naman sa laptop nya lalampasan ko na sana pero tinawag ako kaya lumapit ako sakanya .
"Baket ?"walang gana kong tanong sakanya .
"Baket ganyan mukha mo ?"
"Wala hindi lang maganda pakiramdam ko sige sa kwarto muna ako ,",saad ko sakanya na hindi ko na hinintay sagot nya pumanhik na agad ako dahil tiyak magtatanong na naman yun ng kung ano - ano na ayaw ko na naman ngayon magdrama kakauwi ko lang sa Pilipinas ganito na agad parang walang kwenta yung six years na pagkakita ko sakanya .
"Cha okay ka lang ba talaga ?"Akala ko tatantanan na ako ni kuya pero sinundan pa ako sa kwarto .
"Nakita ko ulit sya ,"pag - amin ko .
"Oh akala ko ba wala na ?akala ko ba si Lucas na nasa puso mo baket ka affected ngayon na nagkita lang kayo ?"
"Hindi ko rin alam kuya kahit sarili ko hindi ko naiintindihan ayoko ng ganito wag kang mag - alala kuya pinipilit ko naman na wag papadala sakanya e ako yung naloko kaya dapat hindi ako nagkakaganito dapat kalimutan ko na sya .
Kinabukasan sobrang daming nakatambak na trabaho halos madepressed na ako parang pasan ko ang mundo sa sobrang stressed hindi ko nakakausap si Lucas dahil may meeting rin sya hindi naman nagpalya na magpadala saken ng bulaklak na kinaganda ng umaga ko kaya parang naaalis lahat ng stressed ko dahil mas naaakit ako sa bulaklak tuwing nakikita ko parang mag dalang energy saken ang roses lalo na yung pulang - pula dalawang bulaklak nakalapag sa lamesa ko .
"Ma'am kanina pa kayo tingin ng tingin dyan sa isang bulaklak baka magselos ang bulaklak ni Sir ,"sita saken na kinakunot ng noo ko dahil sa sinabe nyang magkaiba pala ang pinaggalingan nito .
"Hindi galing kay Lucas lahat ng ito ?"tanong ko sakanya na tumango naman sya ."Eh kanino ?"
"Hindi nya po sinabe ang pangalan nya ma'am basta ibigay ko daw po sainyo ."Ayaw kong isipin na ang nasa hinala kong nagpadala dito sa bulaklak na ito dahil dapat tantanan nya na ako dahil masaya na ako ngayon .
Lumabas ako para bumili ng kape sa malapit na coffee shop sa office namin dahil bukod sa sobrang pagod ko gusto ko munang lumabas sa kalbaryong stressed sa office .
"Ano pong flavor ma'am?"
"Chocolate ,"sagot ko at naghintay nalang sa upuan dito na siguro ako iinom para makapagpahinga na rin kahit sandali lang .
"Can I seat beside you ?"
'shit si Rye na naman sinusundan ba ako nito ?'
"Sure ,"sagot ko nalang umupo agad sya sa tabi ko hindi nalang ako umimik kung sinusundan nya ako sana itigil na nya nanahimik na buhay ko manggugulo na naman sya .
"Ito na po ma'am ang coffee nyo ."lapag ng waitress sa kape sa lamesa ko .
"Thank you ,"saad ko at sinimsim na ang kape hindi ko pinapansin ang mga titig ni Rye habang iniinom din ang kape nya mabulunan sana sya kakatitig saken .
"May dumi ba sa mukha ko ?'hindi ko maiwasan itanong dahil hindi talaga inaalis ang paninitig nya kahit nahuhuli ko sya .
"Wala ang mas gumanda ka pa lalo ngayon ."Syempre sinaktan mo akala mo magiging gurang kapag sinayang mo .
"Hmm salamat ,"saad ko nalang at hindi nalang sya pinansin ulit .
"Mahal pa rin kita ,"saad nya ba natigilan naman ako sa pag - inom at napatingin ako sakanya na diretsong nakatingin sa akin na parang tinitingnan kung ganun pa rin ba ako pero inaayos ko ang sarili ko na hindi maging halata.
"Pasensya na mauuna na ako mag trabaho pa ako maiiwan na kita ,"saad ko sakanya ata agad umalis ng mabilis hindi ko na hinintay ang sagot nya hindi ko kayang tagalan sya dun .Gusto kong isumbat na ang kapal nya para sabihin ang bagay na yun pero parang nawalan ako ng lakas magsalita sa tatlong salita lang na sinabe nya .
"Pumunta po dito si Sir Lucas dito ma'am aayain po sana kayong kumain pero sinabe ko lumabas ka ng saglit kaya babalik nalang daw sya ,"saad ng secretary ko pagdating ko sa office na tumango nalang at umupo agad para ikalma ang sarili ko sa nangyari kanina hindi dapat ganito na affected pa rin ako sa mga sinabe nya .
"Cha let's go ?"nabalik ako sa wisyo sa biglang pagdating ni Lucas tumayo agad ako para lumapit sakanya .
"Gutom kana ?pasensya na natagalan kase yung meeting ."
"Hindi okay lang ,"saad ko na sinundan ko nalang sya sa paglalakad hinawakan nya ang kamay ko na pilit naman akong ngumiti .Dapat sya ang pagtuunan ko na hindi ako affected kay Rye sakanya ang atensyon ko .
"Mukhang stressed na stressed ka ha sobra bang nakatambak na trabaho ?"tanong nya habang kumakain kami pinupunasan naman nya ang mga pawis ko sa pagtakbo kanina na matakasan ko si Rye .
"Andami e pero kaya naman ,"masayang saad ko sakanya na kinangiti naman nya .
"Yan ang magiging asawa ko masipag ,"saad nya na natigilan naman ako ngumiti nalang ako ng pilit para ipakitang masaya ako sa sinabe nya .Hindi ko rin maintindihan ang sarili parang hindi ako sang - ayon sa sinasabe nya na dun naman kami mapupunta kapag okay na ang lahat dahil botong - boto sakanaya ang lahat ng pamilya ko .
"Magmamana ang mga anak natin sayo dahil dyan ."
"Mabuti na yun kesa sa kalokohan mo ang mamana nila ,"pagsasabay ko nalang sakanya na kinatawa nya .
"Kaya mo nga ako minahal dahil dito e kaya wag kang ano dyan."Napatawa nalang ako sa reaction nya nagpapacute na naman ang mokong kahit talaga bad days ang araw ko hindi nya ako pababayaan na nakasimangot .
"Gutom ba gutom ha,"sita nya saken na tumango naman ako dahil hindi ko kayang magsalita sa dami ng pagkain sa bunganga ko .
"Ikaw bakit hindi ka kumakain ?"tanong ko sakanya dahil tinitigan lang ako .
"Makita kalang busog na ako ."
"Bolero kumain ka na nga dami mong alam ."Natawa naman sya sa reaction ko namumula ako dahil sa sinabe bya ang mokong na ito kahit ano - ano ang sinasabe hindi nauubusan .Tawa - Tawa naman sya habang kumakain na inirapan ko nalang .
"GOODNIGHT I LOVE YOU !"
"I LOVE YOU TOO !pumasok na ako pagkaalis nya dumiretso na agad sa kwarto ko at nagpahinga hindi ko na kinaya maligo dahil sa stressed kanina pinikit ko na ang mata ko para makatulog na dahil ayoko na mag - isip ng kung ano - ano pa .
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.