CHAPTER 23
"Fix yourself pupunta tayo kila tita sa labas na tayo kumain ."
"Eh Lucas hindi ko pa kaya ,"pag - amin ko sakanya habang nakayuko ang ulo ko .
"Nandito naman ako para samahan ka diba ?"napangiti naman ako sa sinabe nya .Baket ba kase ganyan sya ang bait bait nya saken kahit halos patayin ko na sya araw - araw kakapalo ko sakanya ."Sge hintayin na kita sa labas ,"paalam nya at lumabas na sa labas ng kuwarto ko .
Dumiretso agad ako sa bathroom para maligo binilisan ko lang dahil nakakahiya mapaghintay ko pa sya sa eh sya pa nga nagmamagandang loob para damayan ako e.
Pumili lang ako ng simple shirt at jeans then rubber shoes na kakabili ko lang noon kasama pa ata nito bumili si Seira e laging kami ang magkasama kase noon sa pagshoshopping para kaming mga batang naglalaro araw - araw sa mall .
"Let's go,"'aya sa akin ni Lucas pagkalabas ko na inalay pa ang kamay nya na para ko syang boyfriend pero inirapan ko lang sya na kinatawa nya .
"Ang suplada talaga kahit galing sa iyak ."
"Manahimik ka ."
"Seatbelt,"paalala nya agad ko naman sinabit ang seatbelt kahit hindi talaga ako madalas lumalagay nito kapag ako ang nagmamaneho nakakasakal e .
"Gutom na gutom ah hindi ka ba kumain kahapon pa ?"tanong nya na tumango nalang ako dahil gutom na gutom na talaga ako dinala nya sa paborito nyang restaurant daw .
"Uso kase kumain ."
"Im sorry ,"paghingi ko ng tawad .
"Okay lang nasaan nga pala ang boyfriend mo bakit hindi mo kasama ?"
"Kabilang sya sa napiling magrepresent ng school natin sa ibang school,"saad ko sakanya na kinatango nalang nya . Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng wala na syang itatanong dahil tiniis ko lang ang gutom ko simula kahapon kakaiyak ko .
"Lakasan mo ang loob mo magiging matatag ka para kay tita at Abby ,"saad nya sa akin na papasok na kami sa bahay nila tita .Marami ng tao sa bahay nila parang dumating na ang iilang mga kamag - anak nila dumiretso kami sa kuwarto ni Tita doon nalang namin sya hihintayin dahil paniguradong inaasikaso nya pa ang mga bisita nila .Kailangan ko maging matatag para sakanila dahil kung magiging mahina ako sa harapan nila mas nakakahiya kase paano nalang si tita na anak nya hindi ko alam pero sobrang awa ako kay tita .
"Manang nasaan po si tita ?"pagkumpirma ko pa rin kay manang pagdating ko sa kuwarto nito .
"Inaasikaso pa po ang mga bisita pero sasabihin ko pong dumating na kayo at si Abby po nga pala nanjan din sa loob ."
"Kamusta sya ?"tanong ko na kinayuko ng ulo nya .
"Hindi pa rin po sya nagsasalita Ma'am simula kahapon pong pagdating nila sa bahay maski pagtingin nya sa kabaong ni Seira hindi nya nagawa at nanjan lang po sya hindi lumalabas at pinipilit lang po namin kumain kahit maliit lang ."
"Salamat po maiiwan nyo na po kami ako na pong bahala sakanya ."
"Sige po ma'am ,"agad naman lumabas ang kasambahay nila sa kuwarto .
"Lucas ."
"Maging matatag ka para sakanila ,"bulong nya sa akin na tumango naman ako huminga ako ng malalim at lumapit kay Abby na nakatulala na parang hindi napansin ang pagdating ko .
Naawa ako sa kalagayan nya alam kong mahirap pa rin tanggapin ang lahat dahil parang kahapon lang masaya pa kaming nagbibiruan .Laging si Abby ang target namin asarin dahil madali syang maasar halos magsapakan na kami at si tita ang taga - awat namin .
"Kamusta kana ?"tanong ko sakanya na hindi man lang ako pinansin ."Alam kong mahirap pero kailangan natin tanggapin dahil hindi sya masaya na nakikita nya tayong ganito .Binigay nya ang puso nya sayo para mabuhay ka wag mo sanang sayangin ito .Maging masaya ka kahit para lang sakanya lahat tayo nahihirapan ngayon hindi pa kayang tanggapin ang pagkawala nya pero kailangan natin magpakatatag .Tandaan mo kayo nalang ni tita ang natira sana man lang maging maayos kana dahil alam ko nahihirapan si tita dahil nawala na nga nya si Seira wag mo naman sanang balakin pati ikaw mawawala sakanya ."Hindi nalang sya umimik .
"Oh Cha nandito na pala kayo halika kumain muna kayo ."Bigla naman dumating si tita na ngiting ngiti na nakita ako na parang hindi nadudurog sana kagaya nya rin ako kayang ngumiti sakabila ng lahat .
"Kumain na po kami tita bago kami pumunta dito ."
"Halika upo muna kayo dito kung ganun ."
"Salamat po Tita ."
"Tumawag sa akin ang mama mo nalaman nya ang nangyare uuwi daw sila ."Nagulat ako sa sinabe ni tita dahil akala ko wala silang balak umuwi ngayon .
"Talaga po ?"
"Hindi ba nila nasabe sayo ?"
"Hindi po kase nakatulog po ako kahapon naka - off ang cellphone ko baka hindi ko napansin ang tawag nila ,"palusot ko nalang na tumango sya .
"Iha tulungan mo sana si Abby na tanggapin kahit lahat tayo ngayon hindi matanggap ang nangyare nahihirapan ako sa kalagayan nya ayokong pati sya mawala sa akin ."
"Opo tita ."
"Salamat Cha ,"agad naman akong niyakap na sinuklian ko nalang tumango naman si Lucas saken dahil napapansin nya ang luha parang gusto na naman tumulo sa kalagayan ni tita .
![](https://img.wattpad.com/cover/228842032-288-k686726.jpg)
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.