CHAPTER 35

196 16 0
                                    

CHAPTER 35

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ,off day ako ngayon kaya dito muna ako sa bahay wala akong planong lumabas siguro dadalawin ko ang garden ko mamaya dahil namimiss ko sila kausapin kahit hindi naman sila nagsasalita para akong baliw . Naligo muna ako sandali tapos simpleng shirt lang at short sa bahay lang naman e binlower ko lang buhok baho sinuklay , nilugay ko lang nakalimutanko magpasama kay Lucas ipagupit siguro mamaya kahit ako nalang dahil baka busy pa sya .

Bumaba ako para makisabay kumain kay kuya dahil kanina pa kumakatok si manang sa kwarto ko na sumabay daw kami .Ang arte nya noon nga hindi kami nagsasabay e tuwing dadating lang sila daddy ngayon nakastay sila daddy dun uuwi lang kapag may mga importanteng event . Nadatnan ko si Kuya na nakaupo na sa dining are at nakalapag na ang mga pagkain pero hindi pa rin kumakain mukhang hinihintay talaga ako .

"Ang tagal mo ,"reklamo nya hindi ko nalang pinakinggan at umupo nalang para kumain dahil nararamdaman ko na ang gutom ko .

"Wala kang trabaho ?"tanong ko sakanya habang kumakain kami .

"Meron ."

"Oh bakit ka late ?"

"Ako ang boss e ,"napairap naman ako sa sinabe nya isumbong ko kaya ito kay daddy dahil tatawagan ko sila mamaya kakamustahin ko lang dahil sabi nila kahapon free sila ngayon .

"Ikaw diba off day mo ngayon ? Ano dito kalang sa bahay ?"

"Hindi lalabas ako magpapagupit ako ng buhok ang haba na kase e nakakatamad suklayin ,"sagot ko sakanya na tumango naman sya at kumain ulit . Maganda naman siguro na short ako maganda naman lahat basta ako dapat ganito malakas ang fighting spirit.

"Okay kalang ba dito sa Pilipinas ?"tanong nya na napahinto ako sa pagkain sa totoo okay naman ako kaya ko naman siguro iwasan si Rye dahil sya lang ang problema ko ngayon .

"Okay lang huwag kang mag - alala kuya ."

"Sabihin mo lang kapag may problema ka ha ?" Tumango naman ako sakanya .



Naglinis muna ako sa kwarto ko yung mga higaan ko , mga gamit ko na nagkalat inayos ko na rin mga closet ko hindi ko masyado naayos nung pagdating ko . Walang tao sa bahay maliban sa mga natirang mga katulong namin na hindi nila off day ngayon at si Kuya umalis na rin dahil marami pa daw pala syang trabaho pero late ang mokong . Inayos ko na ang laptop ko para tawagan sila mama umupo na ako sa ibabaw ng kama ko habang hinihintay ko sagutin nila ang tawag ko .

"Hi ma daddy amisyoouuuuu na agad ,"salubong ko sa kanilang dalawa sa camera pagkasagot nila ng tawag ko .

" I miss you too anak kamusta kana dyan okay kalang ba  ? Maayos lang ba ang lahat ?" Napangiti naman ako sa tanong ni mama dahil akala mo may mangyayare talagang hindi maganda sa akin .

"Okay lang po ako ma kayo po ni daddy kamusta kayo dyan puro trabaho na naman ba ?"biro ko sakanila na kinatawa nila hindi sila kase marunong magpahinga kaya ngayon lang ako nakatawag puro sila trabaho hindi nila iniisip ang sarili nila na enjoy - enjoy din dahil matanda na sila kailangan nila yun .

"Pasenya kana anak ganito talaga ang buhay para sainyo naman lahat ng ginagawa namin basta makita lang namin na nasa maayos na kalagayan kayo at masaya kuntento na kami dun parang masaya na kami na nakikita kayong ganun ."

"Ang sweet naman ma baka maiyak ako nito para namang mamamatay na kayo ,"biro ko sakanya .

"Ikaw bata ka ha magseryoso ka nga puro ka biro . Hindi alam ni mama nagseryoso na ako hindi nga lang ako sineryoso . May pinaghuhugutan tuloy ako kay mama .

"Ang kuya mo ?"

"Umalis na po may trabaho pa daw sya ,"sagot ko sakanila na tumango nalang .

"Ah sge basta mag - iingat kayo lagi ha kapag may problema sabihin nyo lang samin ,"saad ni daddy na napangiti naman ako at tango ako ng tango .



Pagkatapos namin mag - usap nila mama bumaba agad ako para pumunta sa garden gaya ng ginagawa ko noon lagi . Ako nag magdidilig dahil wala naman akong ginagawa at namiss ko ang mga gawaing ganito yung ako yung mag - aasikaso sakanila sa States kase condo lang ako walang masyadong mga mapaglilibangan kundi manood lang ng manood ng paborito kong series na pinapanood ko lagi .

"Kamusta na kayo ? Namiss ko kayo inaalagaan din ba kayo nung wala ako dito ? Pasenya na kayo matagal akong nawala kailangan lang kase ng mommy mo para mag - emote ng matagal at sosyal magmove - on ang mommy nyo sa States pa tapos pagdating dito isang kita lang sakanya yung puso nya ang rupok - rupok ,"tawa - tawa kong kuwento sa mga paborito kong bulaklak natatawa nalang ako sa mga kalokohan ko na kinukuwento ko sakanila .

"Alam nyo ba ang kapal din nya para magpakita sa akin para sabihin na mahal pa nya ako akala mo talaga hindi ako niloko ng gago ang sarap sapakin parang sa aming dalawa ako yung nangloko at sya yung nasaktan ng sobra sa mga pinapahiwatig ng mga mata pwes hindi ako magpapadala sa pagpapaawa nya dahil hindi na ulit ako tanga . Maniwala kayo saken wag kayonh ano dyan hindi ako nagsisinungaling ." Para na akong baliw na nagsasalita sa mga bulaklak na nakikipag - away pa ako dahil ang likot ng isang bulaklak parang hindi sang - ayon sa pinagsasabe ko .

"Ay palaka sus maryusep !Napatili ako sa sobrang gulat sa nakatayo sa likod ko pagkaharap ko para maglinis na sana nf katawan para pumunta na sa salon na papagupitan ko ." Anong ginagawa mo dito ? Anong karapatan mo pumasok dito ng padalos - dalos ? Taas kilay na tanong ko sakanya pero tinawanan lang ako una nyang makatuntong dito sa bahay tapos pinapasok lang sya ng guard namin ng ganito lang .

"Baby let's talk ,"saad nya na mas lalo akong napairap .

"Baby mo mukha mo Rye umalis kana ha hindi ako nakikipagbiruan sayo at pwede ba tigilan mo ako please lang ayoko ng makita ka ."

"Baket natatakot kang mabalik ang feelings mo sa akin ?"Ang kapal ng mukha nya ang sarap talaga nyang sapakin patayin ko kaya ito nasa bahay ko naman e pwedeng -pwede ko ipatapon lang .

"May boyfriend na ako wag kang assuming Rye as I said hindi na ako ang babaeng highschool student na patay na patay sayo ."

"Hindi ako naniniwala ."

"Edi hindi pake ko hindi naman kita pinipilit gusto ko lang sabihin para tigilan muna ako dahil nakakaasiwa ang mukha mo nakakainis ewan ko sayo napakapal mo para magpakita sa akin ."

"Baby let me explain bago mo ako ganyanin hindi mo nga ako pinapakinggan e galit kana sa akin umalis ka ng hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko kahit ayaw kitang bitawan noon kahit pilit nila tayong pinaglalayo ngayon hindi na ako papayag ."

"Tigilan mo nga ako sa kakababy mo Rye nakakaasiwa ha hindi maganda sa tenga mukhanh mabibingi ako dyan ."

"Sus kilig na kilig ka nga nung tinatawag kitang ganyan noon e tapos ngayon ayaw muna hindi ako naniniwala na hindi maganda sa tenga ." Ang kapal nya talaga pinagsingkitan ko sya ng mata na mas lalo nyang kinatawa . Pumunta lang ata dito para mang - asar kailan pa sya natuto mang - asar e ang seryoso nya noon parang babasaging baso na hindi mo mabiro .

"Alam mo umalis kana .Labas kung pumunta kalang dito para asarin ako makakaalis kana ,"suplada kong sabe sakanya na tumawa lang ulit ang mokong kapag ako hindi makapagtimpi sakanya papahabol ko sya sa mga aso namin .

"Baby I just wanna see you and gusto kitang makausap ."

"Ano ba tigilan mo ako sa baby ba yan Rye na hindi mo ako makukuha sa ganyan kaya tumigil kana ." Hindi talaga nya ako makukuha sa ganyan na mga loko nya manigas sya hindi na ako ang dating Cha na patay na patay sakanya .

"Umalis kana ."

"Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakakuasap ."

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon