CHAPTER 13
Nagpaaalam agad ako kay tita na pumunta sa bahay nila para tingnan si Seira napakatigas kase ng ulo sabi ko magpahinga ngayon hindi nakaratay sa hospital pero sa bahay .
"Manong kila Seira muna tayo ,"saad ko sakanya na agad naman syang tumango para sundin ako .Hindi ko kase alam kila mama pinasundo ako ngayon e kaya ko naman ipagdrive ang sarili ko .Hindi nalang ako nakipagtalo sakanila ni Kuya kanina kaya napapayag nila ako dahil tiyak kapag may sinabe pa ako magtatagal naman kaming tatlo magdedebate sino ang masusunod knowing kuya tiyak talo na agad ako sakanilang dalawa .
Pagdating ko sa bahay nila pumasok agad ako na parang bahay ko talaga to maganda ang bahay nila Seira dahil tulad namin nakakaangat din sila medyo nawala lang ibang ari - arian nila dahil sa pagkamatay ng kanyang daddy na napabayaan nila ang company nila at mga negosyo nila .Malawak ang playground na sumalubong sa akin mukhang wala silang pinagkaiba sa playground namin. Naabutan ko naman ang kasambahay nila sanay na sya sa pagpunta ko dito kaya tinuro nya lang sa akin kung saan si Seira na nasa kwarto nya daw at kanina pa hindi kumakain sinabihan ko naman syang hatiran ako ng pagkain at ako na ang magpapakain kahit kailan talaga napakatigas ang ulo .
"Gaga yan na ba sinasabe ko sayo ngayon nakaratay ka rito,"saad ko sakanya ng nakalapit ako sakanya .
"Naawa na ako sa kalagayan ni ate Cha sana ako nalang ang may sakit hindi ko kayang makita syang ganun ."
"Alam ko naman gaano mo kamahal ate mo Seira pero kailangan mo rin isipin ang sarili mo dahil hindi mo sya maalagaan kung pati ikaw nawawalan ng pag - asa paano sya lalaban kung ganyan ka ."
"Kumain kana ,"alok ko sakanya pagdating ng hinatid ni manang na pagkain para sakanya .
"Wala akong gana kumain Cha hindi ko kayang kumain ngayon habang iniisip ko ang kalagayan ni ate Cha paano kung magaya sya kay daddy hindi ko kakayanin pati sya iiwan kami ."
"Kailangan mo magpalakas Seira para sa ate mo wag kang panghinaan ng loob hindi magagaya si Ate Abby sa daddy mo okay ?Huwag kang ganyan hindi matutuwa si Ate Abby kung pinabayaan mo ang sarili mo ngayon kasabay ng pagpayat ni Abby ganyan ka rin .Seira naman magpalakas ka para sa ate mo ."
Tinitigan ko sya habang kumakain sobrang nmayat na rin sya buti nalang napapayag ko syang kumain kahit kailan kase napakapasaway .Hindi ko namamalayan na yung cellphone ko kanina pa pala tumutunog kakatitig ko sakanya kung hindi nya pa sinabe .Tiningnan ko ang caller na mukha agad ni Kuya ang sumalubong sa akin na kinasimangot ko dahil umuwi daw agad ako nasa bahay si daddy para mag dinner kami masaya ako kase umuwi si daddy pero nalulungkot ako dahil maiiwan ko si Seira akala ko dito ako matutulog para samahan sya .
"Pasensya kana talaga Bes ,"hingi ko ng tawad sakanya .
"Ani kaba Cha okay lang umuwi kana baka mapagalitan ka pa ni Tito baka may importanteng sasabihin kaya napauwi agad ."Hindi ko sya kayang iwanan ng ganito pero baka tama sya na may sasabihing importante si Daddy.
"Sge Bes kumain ka ha ."
"Oo na nga gaga wag kang mag - alala sa akin kaya ko ang sarili ko ."
"Kaya ka jan kumain ka lagi manang kapag hindi sya kumain tawagan nyo agad ako ,"banta ko sakanya na agad naman nyang kinatawa kahit papaano nasilayan muli ang ngiti nya na lagi nyang ginagawa sa akin noon.
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.