CHAPTER 32
"Whooooo break time ! sa wakas tapos na trabaho ko pupunta lang ako kila tita para kamustahin sila dahil wala rin silang alam na dumating ako simula nung pag - alis ko wala na akong balita sakanila maski kay Abby siguro dahil masyado ko ginugol ang sarili ko sa pag - aaral at trabaho .
"Ma'am flowers po binigay ni Sir Lucas may appointment pa po sya idate ka nya daw mamaya ,"napangiti naman ako sa roses na binigay nya kapag gantong bulaklak bubungad sa akin araw - araw ang sarap sa pakiramdam .
"Pakisabe kila tita muna ako ha atsaka pupunta rin akong mall para bumili ng mga damit ko dahil yung mga damit kong dala ko ang kakapal e ang init dito sa Pilipinas,"saad ko sa secretary ko.
"Sge po ma'am."
"Thank you ikaw muna bahala dito pakitawagan ako kapag may problema ,"paalam ko sakanya at dinampot ko na ang bag dala ko naman ang kotse didiretso nalang ako sa bahay nila tita .
Nasa labas pa ako ng bahay nila tita parang nag - iba nag disenyo ng bahay nila anim na taon ba naman akong nawala kaya siguro naninibago lang ako . Bumungad saken ang bagong guard mukhang marami na talagang nagbago .
"Ano po ang kailangan mo ma'am?"tanong nya saken .
"Si tita Achilles po ,"saad ko sakanya mukhang masyado naman strikto e dati labas pasok lang ako dito e .
"Ano pong kailangan nyo sakanya ma'am?may appointment po ba kayo sakanya ma'am?"napairap naman ako pati ba naman sa bahay appointment .
"Manong kilala ko po si tita gusto ko lang kamustahin ,"iritang saad ko sakanya dahil kanina pa ako hindi pinapapasok .
"Kuya sino po yan ?"rinig kong tanong sa likod nya agad ko naman na nakilala si Abby mukhang okay na sya .
"Oh ikaw pala Cha ,"nagulat ako bigla nya akong niyakap ."Kailan ka pa dumating ?hindi mo man lang sinabe ?sino sumundo sayo sa airport ?"Ang daming tanong saan ang uunahin ko aber.
"Isa - isang tanong lang ,"biro ko sakanya na kinatawa nya .
"Halika pasok tayo ,"'aya nya saken na tumango naman ako at sumunod sakanaya papasok binelatan ko naman ang guard sa sobrang strict mukha na akong bata sa ginawa ko tawa tawa naman akong sumunod kay Abby .
"Si tita ?"tanong ko sakanya .
"Nasa loob halika ka miss ka na rin ni mommy ikaw kase simula nung umalis ka wala na kaming balita sayo ."
"Abby sino yan ?"tanong ni tita na may dalang cookies na hindi pa ako napapansin .
"Si Cha po ,"sagot nya agad naman binaba ni tita ang binebake nya ata agad lumapit sa amin niyakap ako ng mahigpit halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit.
"Namiss kitang bata ka halika tikman nyo ang binake ko ,"saad nya na ngumiti naman ako sakanya.
Ang sarap ng cookies nya hindi talaga nagbago magaling sa lahat si tita sakanya ako natuto magbake noon na una kong ginawaan si Rye hays pinilit ko talaga si tita magpaturo nun para sakanya .
"Okay kalang Cha may mali ba sa cookies ?panget ba ang lasa?tanong ni tita na hindi ko namalayan na medyo tumutulo pala ang luha ko sa mga naalala ko lang .
"Hindi po tita masarap nga po e hindi lang po maganda ang pakiramdam ko ,"palusot ko na mukhang naniwala naman .
"Sana nagpahinga ka muna pala nag - abala ka pang pumunta dito inaw talaga iha ."
"Okay lang po namiss ko po kayo e ."
Dumiretso agad ako sa mall pagkatapos kong bumisita kila tita nagkamustahan lang naman kami sandali natutuwa ako dahil mukhang okay na sila pati si Abby mukhang tanggap na nila kahit papaano naging masaya na ako dun .
Palibot - libot na ako sa mall ba ito dami ko na rin nabiling mga simple jeans ,dress at mga shirt bumili na rin ako ng natipuhan kong hills hindi ko na kaya ang mga dala ko napasobra ata ang pamimili ko wala pa naman akong kasama .Napahinto ako sa paglalakad ng nahulog ang isang gamit kong dala naglalaman ng pinamili kong make - up nakahills pa naman ako kaya nahihirapan akong pulutin binaba ko muna ang lahat ng gamit ko .
"Tulungan na kita ,"nagulat ako sa boses na yun kahit matagal na hindi kami nagkita pamilyar pa rin saken ang boses na yun ang perfume nya yun pa rin hindi pa rin nya binabago .Inabot nya sa akin ang gamit ko ngumiti naman ako sakanya na parang hindi nya ako niloko dati .
"Salamat ,"saad ko sakanya .
"It's been a while kamusta kana ?"tanong nya na pilit akong ngumiti na okay na ako na maayos pa rin ako sakabila ng pangloloko mo saken noon .
"Okay naman ikaw kamusta kana I mean kayo ?"napakurot naman ako sa sarili ko dahil napaghahalataan ako sa tanong ko .
"Okay lang ...walang kami ."
"Ah ,"sagot ko nalang dahil baka may masabi na naman akong hindi maganda iba rin kase ang bibig ko e walang preno .
Medyo matured na ang mukha nya parang mas lalo sya gumwapo ay hindi ano ba naman itong iniisip ko niloko ka nyan Cha wag kang papadala sa mukha nya manloloko yan.
"Cha I'm sorry ."
"Ano ka ba matagal na yun im a highschool student a numb girl who fell in love with his proffesor ang tanga nya ,"tawa - tawa kong kunyare na parang hindi pa rin ako affected.
"Look--"
"Just forget the past okay na ako Rye okay naman sayo yun diba ?"
"Uh yeah I'm sorry ."Ngumiti nalang ako sakanya ayoko maging marupok dito hindi ko alam kakauwi ko palang nanadya talaga ang tadhana pagtagpuin kami ulit .Hindi pa ako handang makita sya e parang kanina iniisip ko palang sya ngayon nasa harap ko na ngayon pinipilit kong ayusin ang sarili ko na umakto ng nasa tamang kilos na hindi na ako affected sa past namin .
Maya maya tumunog ang cellphone ko sa bag agad ko naman kinuha at bumungad ang tawag ni Lucas .
"Hello ,"sagot ko sakanya .
"Nasaan ka sunduin kita ?"tanong nya sa kabilang linya .
"Hindi text mo nalang san tayo pupunta ako na ako dyan ,"saad ko nalang sakanya dahil ayokong madatnan nya kami ni Rye dahil tiyak magkakagulo sila .
"Ah sge una na ako may pupuntahan pa ako ,"paalam ko sakanya na tumango naman sya umalis agad ako .
Yung mga mata nya kanina parang sya pa ang nasaktan ha bakit ba affected pa rin ako for pete's sake Cha it's damn six years pero affected ka pa rin sa presensya nya akala ko move - on na .Hindi ito pwede binigyan ko ng chance si Lucas dapat sya lang ang pagtuunan ko ngayon .
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.