CHAPTER 12

245 28 0
                                    

CHAPTER 12

Author notes:
Sorry I got typo sa name ni Charmaine Elizabeth sa CHAPTER 11 Charmaine Elizabeth po talaga hindi Charlene thank you .



Pagkalabas ko ng office ni Rye bumalik agad ako sa classroom may nalimutan pa pala akong gamit ko sa pagmamadali ko .Halos ang iba umuwi na parang iilan nalang ang natirang mga estudyante dumiretso agad ako sa upuan ko para kunin yung mga gamit ko ng may mapansin ako na may tao pa sa loob ng classroom akala ko umuwi na silang lahat .

Dinampot ko na agad ang mga gamit ko sa upuan binalingan ko ang nakatalikod na tao parang namumukhaan ko to bakit hindi pa umuuwi to .

"Anong ginagawa mo jan hoy uwian na ,"sigaw ko sakanya upang mapaharap sya saken ayun na naman ang mga ngisi nyang nakakainis .

"Baket bawal na bang hindi umuwi ngayon ?"aba anong akala nya tirahan na tong school at hindi sya uuwi .

"Mamaya maglilibot na si guard sa buong classroom para icheck kung may mga hindi pa umuwi kapag nakita ka yun dito lintik kang bata ka office agad ang bagsak mo first day mo palang ."

"Concern ka na saken nyan ?Ang sweet naman feeling ko tuloy ngayon pinapagalitan ako ng Girlfriend kong napaka concern sa akin ,"ngisi nya sakin na umaakto pang parang kinikilig into ko kaya mga gamit ko sakanya para magising sya natutulog pa ata e .

"Concern your face bahala ka na nga jan ."Iiwan ko nalang to kesa mastressed ako sa pagmumukha nya .

"HOY HINTAY !"sigaw nya saken ng malapit na ako sa gate hindi ko nalang pinansin akala hindi ko sya iiwan ha .

Akala ko hindi nya ako maabutan pero ang mokong nasa likod ko na pala sumasali ba to sa running contest ang bilis tumakbo e kaya tuloy hingal na hingal na naghahabol ng hininga pinandilatan ko nalang ng mata .

"Lagi mo nalang ako iniiwan ganyan ka ba talaga nasasaktan na ako bakit ba iniiwan mo ko hindi ba ako sapat ?mahal naman kita e ,"saad nya na parang totoo talaga ang lahat .Ang sarap talaga sakalin nito e inirapan ko nalang sya wala akong mapapala kapag pinatulan ko to .

"Sino bang hinihintay mo nandito naman ako naghihintay sayo lagi pero lagi mo ring iniiwan ."

"Magtigil ka nga nakakadiri mga pinagsasabe mo ."

"Nakakadiri na bang mapasaya ang pinakamagandang babae para sa akin ?"Agad ko naman syang pinalo sa balikat dahilan ng pagtigil nya saken kakadikit at namilipit sa sakit .

"Ang sakit mo mamalo bato ba yang kamay mo grabe kailangan ko pa ata maghospital masyado kang brutal kawawa naman balikat ko sayo ."

"Ang arte mo magtigil ka nga ."

"Okay okay titigil na ."Maya Maya naaninag ko na si manong na susundo na sa akin kanina pa ako naghihintay at nagtitimpi sa lalaking to bakit ba kase ang tagal nya .Pumasok na agad ako sa kotse hindi na pinansin ang mokong na yun ang dami ko pang iniisip puro katarantaduhan pa ang ginagawa sa akin .

"Hospital muna tayo manong ,"saad ko dahil baka aakalain nya uuwi na agad ako . Kailangan ko pa kamustahin kalagayan ng kaibigan ko .

Pagdating ko sa hospital dumiretso na agad ako sa room na dinalhan dati sa ate ni Seira agad kong pinilipit ang pinto .Naabutan ko si tita na inihahanda ang mga prutas sa lamesa .

"Good afternoon po Tita !"bati ko sakanya habang nag - aayos nabaling naman agad ang tingin nya sa akin .

"Tuloy ka iha upo ka dito ."

Nakaratay pa rin si Abby hindi pa ata gumigising .Medyo namamayat na sya yung mga balat nya parang lantang mga dahon hindi ko maipaliwanag ang mukha sobrang putla na nya .Naawa ako sa kalagayan nya paano pa kaya si Seira na sobrang close sa ate nya halos kaya nyang gawin lahat para sa ate nya .Luminga linga ako sa kwarto nagbabakasakaling natulog sa paligid si Seira pero parang wala sya dito .

"Tita si Seira po ?"tanong ko kay tita.

"Nasa bahay pinagpahinga ko muna dahil napapabayaan nya ang sarili nya nahihilo sya kahapon muntik ng mahimatay ."

"Ah ganun po pwede po bang tingnan ko kalagayan nya ."

"Sge iha ng may kasama sya sabe ko kase sakanya magpahinga muna sya baka sya naman ang magkasakit ."Tumango nalang ako kay tita .

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon