CHAPTER 26
"Cha bumangon kana jan lumabas kana sa kwarto mo pumasok kana ilang araw na ng lumiban sa klase ,pagsesermon ni mama sa kwarto ko na nagtaklubong nalang ako .
"Ma hindi ko pa kaya ."
"Cha magagalit ang daddy mo kapag pati ang pag - aaral mo pababayaan mo .Hindi ko nalang sya pinansin at mas lalo akong tinaklubong ang kumot ko .Bakit ba kase hindi nila maintindihan na hindi ko pa kayang pumasok na madadatnan ko ang upuan ng bestfriend ko na hindi na sya uupo doon kahit kailan .
"Cha alam kong mahirap sayo ang lahat ng ito pero naman wag mo naman pabayaan ang sarili mo dahil dyan hindi hihinto ang mundo mo dahil lang sa nangyare kay Seira hindi masisira ang sarili mo dahil lang sakanya ."
Bumangon ako at hinarap ko sya na nakaupo na pala sa kama ko ."Ma alam ko naman yun pero ang hirap po e ,"saad ko sakanya na tumutulo na naman pala ang luha ko agad naman nya akong niyakap .
"Iha kailangan mo maging matatag hindi magiging masaya si Seira na ganito ang kalagayan mo pero kung hindi mo kaya lahat harapin dito dahil lahat ng nakikita mo naalala mo sya pwede kang sumama sa amin pagbalik namin sa States.Nagulat ako sa sinabe nya agad naman ako bumitaw sa yakap nya .
"Ma hindi na kakakayanin ko ang mabuhay dito sa pinas kahit mahirap atsaka maiiwan ko si Kuya dito mag - isa ."
"Kaya naman ng Kuya mo ang sarili nya e nag - alala lang kami sayo ayaw kong iwan ka namin ng ganito kaya pag - isipan mo dahil kapag natapos na namin ng daddy mo ang mga kailangan namin ayusin dito babalik kami sa States so kapag ganito ka pa rin mapipilitan kaming isama ka .
"Sige ma papasok na po ako ,"saad ko kay mama agad akong pumasok sa bathroom para maligo nah ayaw ko sumama sakanila dahil paano si Rye maiiwan ko dito ?Atsaka kakayanin ko kapag patuloy pa ang pagmukmok ko baka talaga isama na nila ako .Kinakamusta naman ako ni Rye through text and calls ng ilang araw na pagkukulong ko sa kwarto sabe nya dumating na daw sila gustuhin man nyang pumunta dito pero pinigilan ko dahil mapapatay ako ni daddy kapag ang boyfriend ko proffesor ko .
"Cha pahatid ka kay manong nasa labas na sya ."
"Ma naman e !"pagrereklamo ko dahil binigyan nila ako ng kotse pero hindi ako malaya makapagdrive ng sarili ko .
"Wag na matigas nag ulo Cha hindi kapa okay baka mamaya maaksidente kapa ,"simangot naman akong humalik sa pisngi nya at pumasok agad sa kotse.
"Buti naisipan mo pang pumasok ,"bungad agad sa akin ni Lucas pagpasok ko sa classroom mukhang walang first subject dahil nagkakalat na ang mga classmates ko sa iba't ibang upuan .
"Alis nga jan ,"pagtataray ko sakanya na kinatawa na naman nya .
"Ayan yan ang namiss ko ng ilang araw e yang pagtataray mo sa akin wala na kasing gumagawa sakin nyan ."
"Namiss mo lang asarin akong hayop ka ."
"Parang ganun na nga ,"saad nya na agad ko naman syang pinalo sa balikat .
"Sadista ka pa rin napakabrutal mo sa akin ."
"Ewan ko sayo Lucas ."Natahimik kami ng pumasok ang teacher namin agad naman napaayos ng upo si Lucas na nakaharap ang upuan sa akin kanina .Panay ang paliwanag ng teacher na sinusubukan kong pumasok lahat sa isip ko inaalis ko ang distraction na lulunod naman sa akin ng kalungkutan .
"CLASS DISMISS!"Kanya - kanya ng kalat ang mga kaklase ko para magchismis sa ibang kaibigan yung iba naman lumalabas na dahil pwede ng bumili .Lumabas agad ako para pumunta sa office ni Rye para makisabay sa pagkain sakanya dahil laging tawagan lang kami this few days .
Bumungad sa akin ang pangalan nya na nakalagay sa lamesa nya Rye Reyes bagay kaya yan sakin Charmaine Elizabeth Reyes pwede ang ganda sa tenga .Mukhang wala sya dito kaya nilibot ko ang tingin ko agad lumabas na sa comfort room si ma'am Aishel.
'anong ginagawa nya dito ?'
"Anong ginagawa mo dito ms. Elizabeth?"tanong nya sakin imbyernang ito dapat ako magtatanong nyan sakanya ana anong ginagawa nya dito anong karapatan nya makitambay dito ."Oh nakalimutan ko nga pala boyfriend mo pala si Rye ,"mapanuya nyang saad na kinasira ng ngiti ko lalo parang gusto kong kalbuhin sa pang - aasar nya sa akin at paano nya nalaman .
"Don't be confused kung paano ko nalaman syempre sinabe sa akin ni Rye dahil kayo lang naman ang nakakaalam sa relasyon nyo diba ?"
"What are you implying then ?"pagpaparanka ko sakanya na kinawala ng ngiti kahit guro ko sya mawawalan ako sakanya ng respeto kapag si Rye ang usapan na balita balita pang may gusto sya rito .
"Wag kang masyadong ganyan ms.Elizabeth sa tingin mo ba sineryoso ka ni Rye ?"mahal nya ako yun ang alam ko ng mapanirang babae ito alam kong gusto nya lang kaming masira .
"I don't care about your opinion ma'am in our relationship."
"Ang yabang mo ha I guess hindi mo alam na magkatabi kami ni Rye sa iisang kuwarto nung nasa hotel kami nagstay para irepresent ang school natin ?Nagulat ka hindi nya sinabe sayo ?"
"Kahit magkatabi kayo ma'am hindi nya hahayaang may mangyare sainyo dahil alam ko ako ang mahal nya ."
"Are you sure ?"tanong nya na ngumiti nalang ako sakanya dahil hindi ako papatalo sa paninira nya .
"Kahit anong paninira mo sa amin hindi ka magtatagumpay dahil hindi ako maniniwala sayo ."
"So I guess kailangan ko pa isampal sa mukha mong hindi ka sineseryoso ni Rye at ginagawa ka lang nyang pampalipas oras wag masyado mataas ang pangarap ha isa kalang hamak na estudyante nya then hindi kita mapipilit ngayon pero maghintay ka ipapamukha kong hindi ka nya seneryoso ."
"Ma'am lalabas nalang po ako pakisabe nalang sakanya na dumaan ako siguro may kailangan lang kayo kay Rye kaya maiiwan ko na kita ."
"Hindi ka ba natatakot na iiwan mo ako dito at pagbalik ni Rye may gagawin kami dito ?"
"I trust him ,"saad ko sakanya na tunalikuran ko agad dahil wala syang kuwentang kausap baka makalimutan ko pang teacher ko pa sya kapag nagtagal ako dun .
Nakita ko si Lucas sa cafeteria na mag - isang kunakain seriously wala ba syang ibang kaibigan at wala man lang syang kasabay ako lang ata kinukulit ng lokong ito parang loner lang ang peg ha .Lumapit agad ako sakanya mas mabuting sakanya nalang ako makisabay kumain dahil mukhang busy pa si Rye kaya wala sya sa office nya .
"Oh bakit ka nandito akala ko ba kasabayan mo kumain ang future ex mo?"pang - aasar nya sa akin pagkalapit ko sakanya na inirapan ko nalang .
"Sayo na ako makikisabay kumain dahil busy pa ata sya ."
"Ouch ang saket naman nun babe pipiliin mo lang ako kapag wala sya ,"may pahawak - hawak pa sya sa puso nyang parang nasasaktan talaga minsan talaga ang sarap nya sapakin.
"Tumigil ka nagugutom na ako."Hindi ko nalang sya pinansin at nagsimula ng kumain sa binili ko bago lumapit sakanya .
"Gutom na gutom ah ?"sita nya sa akin habang kumakain ako napakapakialamero pa .
"Hindi ako nakapag - almusal sa bahay ,"saad ko sakanya na kinatango nalang nya at pinagpatuloy nya na ang pagkain nya .
"Akala ko ba busy ang boyfriend ayun sya oh kasama pa ni ma'am Aishel ba yun hawak - hawak pa ang kamay ni Rye ."Napatingin naman ako sa sinasabe nya sa kalayuan na naglalakad sila Rye at ma'am Aishel nakaalalay ang kamay nya .Hindi talaga titigil ang babaeng ito hangga't hindi kami nasisira sorry nalang sya kahit anong hawak nya sa kamay ni Rye hanggang dyan nalang sya dahil ako ang mahal ni Rye .
"May rumors na sila na daw ."
"Ang chismosa mo hindi totoo yun sadyang patay na patay lang yang si ma'am Aishel sa kay Rye kaya pinagkakalat nyang sila ."
"Ah okay baka masapak pa ako kapag may sinabe ako ,"saad nya na pinagpatuloy nya nalang ang pagkain nya hindi ko nalang pinansin ang padaan nila Rye dahil baka mabato ko pa ang malanding yun .
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.