CHAPTER 20

205 20 0
                                    

CHAPTER 20

"Salamat pala Lucas kahapon ha ,"saad ko sakanya habang kumakain kami sa cafeteria nitreat ko sya sa break time para sa pasasalamat ko sakanya dahil kahapon sya rin ang nagbayad ng kinain namin hindi na ako nagpumilit dahil hindi naman sya magpapatalo e kaya ngayon pinilit ko syang itreat sya mabuti nalang pumayag sya at tuwang tuwa pa agad akong hinila palabas papunta sa cafeteria pagkatapos ng klase namin baka daw nakakalimutan ko .

"Pang - ilang salamat mo na ba yan Lene ha naalidbabaran na ako para kang anghel kung makapagsalamat ng walang hanggan at parang binuhay kita kung makaganyan ka ."

Agad naman syang lumayo sa akin ng makita nyang tumataas ang kamay ko akala nya ata papaluin ko na naman ."Sira hindi kita papaluin this time ."

"Nag - iingat lang namumuro kana saken e ."

"Pero salamat talaga dahil sayo nakita ulit ang dating ngiti ng kaibigan ko ."

"Ayan na naman hindi na ba matatapos yan kumain kana ,"tumango nalang ako sakanya at kumain ulit .

"Ms.Elizabeth in my office!napaangat ang tingin ko sa boses na yun .

"Bakit po sir ?"umakto akong estudyante niya dahil ang daming estudyante na makakakita dahil break time kanya - kanyang upo sa cafeteria.

"May sasabihin lang ako sumunod kalang sa office ko,"tumango nalang ako sakanya at tumalikod agad sya .

"Sorry Lucas maiiwan kita pasensya na talaga,"hingi ko ng pasensya sakanya dahil nakakahiya ako ang umaya sakanya tapos iiwan ko sya rito .

"Okay lang sumunod kana sakanya LQ ata kayo e ,"tumango nalang ako na kinatawa naman nya tinalikuran ko nalang sya at sumunod sa office ni Rye .

"Bakit mas pinili mong kasabay kumain ang lalaking yun kesa pumunta dito sa office ko para samahan akong kumain !"napataas ang boses nya sya pa ang galit ngayon ha e nagpasalamat lang naman ako dahil sa pagsama ni Lucas sakin ha ayaw kong magalit at pairalin ang selos ko sa co - teacher nya pero sinisimulan nya ako .

"Baka busy ka e baka nandito naman si Aishel para sa represent nyo sa ibang bansa kaya sumabay na lang ako sakanya para na rin pasasalamat ko sakanya sa pagsama nya saken kahapon sa hospital imbes na ikaw sana ang kasama ko."

"Cha diba sabe ko sayo iwasan mo sya tapos ngayon kasama mo pa sya pumunta kahapon pumunta sa hospital Cha ano ka ba naman !"

"Rye wala akong sundo kahapon dahil akala ko masasabay kita tapos nandyan si Lucas para samahan ako kaya hindi ko na tinanggihan dahil dumidilim pa wala ng sasakyan !"

"Sge hindi mo sya kaya iwasan edi ikaw nag bahala jan ka na nga !"

"Puro ka nalang selos Rye ikaw nga pinagtitiisan ko na wag magselos sa co - teacher mo e tapos ikaw isang tao nga lang handang tumulong sakin papaiwas mo pa sa akin."

"Alam mong trabaho lang ang ginagawa namin ni Aishel intindihin mo naman ako ."

"INIINTIDI KITA RYE PERO SANA IKAW INTINDIHIN MO RIN AKO !"hindi ko naiwasan mapagtaasan sya ng boses .

"Eto na Cha mamatay tayo sa kakaaway sa selos at sinasabe kong iwasan mo lang sya mahirap ba yun ?"

"Kung may tiwala ka sa akin Rye gaya ng pagtitiwala ko sayo hindi mo ako ipapaiwas sakanya ."

"Ganyan ka ba katigas Cha ?"

"Rye hindi lahat ng lalaki na malapit sa akin papaiwasin mo ang hirap naman nun nagmamalasakit lang yung tao sakin tapos magiging masama pa ?"Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko para patayin sana pero tumanabad sa akin ang number ni Tita .

"Tita baket po ?"tanong ko sakanya na naririnig ko ang iyak nya kinakabahan ako sa inaaakto nya okay naman sila kahapon ah .

"Cha magaling na si Abby gising na sya ,"nakahinga ako ng maluwag sa sinabe nya pupuntahan ko agad sya pero ...

"Pero si Seira ..."

"Napano po si Seira tita ?"

"Cha sya ang donor ni Abby ."Halos matumba ako sa narinig ko nabitawan ko ang cellphone ko parang gumuho lahat ng saya ko sa narinig ko kay Tita .

"Seira hindi hindi !hagulgol ko agad akong nilapitan ni Rye ng naguguluhan sa nangyayare sa akin .

"HINDI SEIRA HINDI TOTOO YUN !"

"CHA kumalma ka ,"yakap sakin ni Rye para mapakalma ako pero hindi pa rin ako tumatahan pinagpapalo ko sya .

"Rye hindi ang kaibigan ko hindi !"hagulgol ko sakanya na niyakap lang ako ng mahigpit .

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon