CHAPTER 29
"Oh kailan mo balak umuwi babe ?"kahit kailan talaga laging sanay na tawag nya sa akin babe andami siguro babae nito .it's been 6 years ng nandito ako sa States sya lang ang sinabihan ko kung saan ako minsan sa isang taon pinupuntahan nya ako dito talagang ma effort ang mokong mayaman pala pero ngayon kasalukuyan syang nagtatrabaho sa kompanya namin para tulungan si Kuya dahil nagtake ng BAR exam si Kuya sa law na pilit nyang pinaglalaban kay daddy noon .
Sa anim na taon ko dito ginugol ko ang sarili ko sa pag -aaral para sa kompanya namin dahil ako ang magiging CEO pagbalik ko sa pinas kaya sinasanay na ako nila mama dito .
"Boyfriend mo ulit yung tumawag ?"tanong sa akin ni Kedra na naging kaibigan ko ditong pinay din sobrang saya ko nga noon na schoolmate kami na pinay pala sya dahil atleast hindi dudugo ang ilong ko sakanya kaka - English .
"Sira hindi ."
"Hindi daw pero ang sweet sweet nya sayo handa kang puntahan dito kapag kailangan ka nya sabihin mo nga ano bang relasyon nyong dalawa ?"actually hindi ko rin alam iba yung kinikilos nya sa akin parang hindi kaibigan na natutuwa naman ako basta masaya ako kasama sya yun nalang ang iniisip ko ngayon siguro meron samin konti pero hindi namin malinawan dahil pareho kaming busy sa mga trabaho namin tsaka nirerespeto nya ang ang nararamdaman ko sa dati kong relasyon kaya napunta ako dito ngayon .
"Wag muna isipin yan Kedra ako nga hindi iniisip yan importante buhay at masaya ,"saad ko sakanya na nginitian ko para gumana na hindi na sya nagtatanong.
"Kailan nyo bibigyan ng label ang relasyon nyo ?"
"Sira halika ka na nga may trabaho pa tayo ,"hila ko sakanya nagtatrabaho ako ng business pero hindi sa kompanya nila daddy dito dahil ayoko ng special treatment kaya nag - apply ako sa ibang kompanya para sanayin ang sarili ko .
"Beautiful lady flowers for you ,tumingala ako sa bulaklak na nasa lamesa ko ang British na naman palang nanliligaw sa akin pero lagi kong binubusted hindi talaga nya alam ang salitang reject ewan ko ba dito anong nagustuhan sakin kahit maganda naman ako panigurado mas maganda ang mga kalahi nya noh.
"Thank you !"saad ko nalang sakanya na kinangiti nya .
"Can I date you later ?"
"I'm sorry I can't I'm busy ,"palusot ko sakanya na kinwala ng ngiti nya .
"Maybe next time see you ."Mabuti naman umalis na wala ng next time dahil uuwi na akong Pilipinas next week kahit gwapo ka hindi ako papatol dahil dudugo ang ilong ko kaka - English .
"Dai ang ganda mo talaga ,"asar sakin ni Kedra pag - alis nya ito pa talaga ang pasakit ko sa ulo e bakit ba kase katrabaho ko ito .
"Hindi ko sya type dahil dudugo ang ilong ko kaka - English sakanya ."
"Kahit hindi naman yun dahil ang puso mo nasa Pilipinas,"asar nya pa sakin na kinangiti ko dahil kahit papaano kaya ko ng umuwi sa Pilipinas ngayon ng okay na ako kaya ko ng harapin ang lahat. "Kapag umuwi ka next week sa pinas lagyan muna label relasyon nyo ha dahil alam ko hindi lang kaibigan ang meron sainyo matalas ang pandama ko dai ."dagdag nya pa na ngumiti nalang ako .Sa anim na taon ko dito naging masaya naman ako parang nakalimutan ko lahat ng dinadala kong sakit noon sa pinas kasama si Kedra na parang feeling ko hindi ako nawalan ng bestfriend dahil pumalit sya kung gaano kaloko si Seira mas malala naman ang sakanya .
"Dai kanina pa tumutunog ang cellphone mo nagdaday dreaming ka naman dyan baka mamaya yung babe mo naman ang tumatawag dahil itatanong na naman nya kung kumain kana dahil lunch na ."Hindi ko nalang sya pinansin at kinuha ko ang cellphone ko at si Lucas nga ang tumatawag .
"Hello ,"bungad ko sakanya na medyo lumayo - layo ako kay Kedra dahil aasarin na naman ako .
"Kumain kana ?"tanong nya na kinangiti ko dahil tatawag lang talaga sya para tanungin kung kumain na ako e kakatawag nya lang sakin kanina hindi ba sya busy sa trabaho para ganito sya sa akin .Lagi kaming video call sa gabi tapos tuwing umaga ganito sya tatawag para tanungin lang kung kumain na ako .
"Hindi pa ,"sagot ko sakanya .
"Bakit ?nagpapagutom ka naman sinasabe ko sayo kumain ka ng nasa oras ."
"Nasa bahay ka na ba ?"tanong ko sakanya dahil baka gabi na sakanila hinihintay nya lang naman akong makauwi lagi sa trabaho para magkavideocall kami .
"Hindi pa nasa labas pa ako may inaasikaso pa ako e kelan pala ang uwi mo ?"tanong nya ulit .
"Next year ,"pagsisinungaling ko sakanya dahil balak kong surprised ang pag - uwi ko sa pinas next week yung walang nakakaalam diretso agad ko sa office nya .
"Ang tagal naman wala ka atang bumalik ulit dito e ."
"Uuwi ako ano ka ba next year nga lang ,"tawa - tawa ko sakanya na halatang inis na inis na sya sa kabilang linya .
"Kapag ako hindi nakatiis pupuntahan ulit kita dyan ."
"Sira wag na basta maghintay ka nalang uuwi naman ako ."
"Lagi naman akong naghihintay sayo e kahit hindi mo sabihin nandito ako hihintayin ka kahit gaano pa yan katagal ."
"Dami mong sinasabe sge baba ko na to dahil tapos na ang trabaho ko kasabay ko mag lunch sila daddy ,"paalam ko sakanya dahil maaga kong tinapos lahat ng trabaho ko dahil nga pinaalala ni daddy na may sabay kaming maglunch mamaya sa sinabe nyang restaurant.
"Sge ingat I love you ,"saad nya agad ko naman binaba nag cellphone hindi ko na sya sinagot dahil oo nagkakagusto ako sakanya pero hindi ko pa alam kung mahal ko na talaga sakanya siguro oo pero yung puso ko hindi ko man aminin mas malaki pa rin ang puwang ng nanloko sa akin dati kahit nasaktan nya ako nandito pa rin e hindi pa rin maalis sa puso ko na minahal ko sya kahit sinusubukan kong mahalin si Lucas .
"How's work?"tanong ni daddy habang kumakain kami .
"Okay naman dad ,"sagot ko sakanya .
"Hindi ba stressed ? Sabe ko naman sayo sa kompanya kana na natin magtrabaho ."
"Ano ka ba dad ayoko dahil tiyak may special treatment na nama ako dun atsaka maganda naman ako ha hindi mukhang stressed,"biro ko sakanya na kinatawa nya nalang .
"Uuwi kana ba talaga Cha next week ?"tanong ni mama na kinahinto kong kumain .
"Oo ma kailangan ako dun e nagtake ng BAR exam si Kuya sa law oh edi sino aalalay sa kompanya natin dun diba ?"
"Kaya muna ba talaga ?"
"Okay na ako ma wag na kayo mag - alala sa anim na taon ko dito naayos ko na ang sarili ko ulit kaya ko ng harapin ang Pilipinas,"saad ko sakanya at pinagpatuloy ko ng kumain hindi nalang sya nagsalita .Kaya ko naman talaga e kaya ko ng harapin ang Pilipinas ng wala ng sakit na dinadala .
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.