CHAPTER 34
Kung kahapon nakatambak ang trabaho at halos maghalumpasay na ako sa sahig sa sobrang pagod ngayon naman pa chill lang dahil wala masyadong gawain wala na rin mga papel na nakatambak na mga papel na pipirmahan ko kunti nalang talaga kaya medyo nakakahinga ako ng maayos .
"Ma'am wala po ba kayong pupuntahan ngayon ?"tanong ng secretary ko habang libot lang ako ng libot sa office ko para ayusin ang mga gamit napapatanong siguro sya dahil wala naman akong ginagawa dito wala rin naman akong plano plano lumabas dahil hindi ko alam saan ako pupunta may trabaho pa si Lucas kaya hindi nya ako masasamahan .
"Wala naman dito lang ako aayusin ko lang mga gamit dito sa office ko ,"sagot ko nalang sakanya .
Hindi ko maiwasan maglinis sa mga sulok ng mga office ko dahil sa sobrang bored todo awat tuloy ang secretary ko dahil may naglilinis naman daw nito baka magalit pa si Lucas kinakakatukan pa nila ang mokong na yun .
"Ma'am may naghahanap po sainyo ."Napalingon naman ako sa secretary ko dahil wala naman akong inaasahan na kaibigan na pupunta dito sa office ko .
"Sino daw ?"tanong ko sakanya at tinapos na ang mga ginagawa ko at umupo ulit sa desk ko inayos ko ang damit ko dahil ang daming alikabok .
"Hindi nya po sinasabe pangalan nya ma'am e pero gusto ka lang daw nya nakita ma'am aalis din daw sya ."
"Papasukin muna para magtigil na ,",saad ko nalang sakanya .
"Sge po ma'am ."Inayos ko nalang ang mga gamit sa lamesa ko habang naghihintay sa sinasabe ng secretary ko .
"Cha ,"napaangat ako ng tingin sa boses na yun .
"Anong ginagawa mo dito Rye ?"tanong ko sakanya dahil wala naman ata kaming pag - uusapan para pumunta sya dito sa office ko baka makita pa sya ni Lucas magakagulo pa .
"Gusto lang sana kita makausap."Ang kapal ng mukha nyang kausapin ako siguro sinusubukan nya ako kung ganun pa rinba ako kantanga sakanya nung highschool ako yung habol ako ng habol sakanya yung okay lang na kahit wala sya sa tabi ko okay lang pero nagawa akong lokohin akala nya siguro tanga pa rin ako akala nya siguro hanggang ngayon patay na patay pa rin ako sakanya .
"Wala na tayong pag - uusapan Rye kung tungkol man yan sa past tapos na yun six years na ang tagal na uso move - on hindi na ako yung highschool student na patay na patay sayo ,"diretso kong saad sakanya .
"Hindi mo naman ako hinayaan magpaliwanag noon e umalis ka agad ng hindi tayo nagkakaayos nawala ka ng parang bula na hindi mo naririnig ang explanation ko ."
"Anong gusto mo maniniwala ako sa mga kasinungalingan mo ?yun ba gusto mo ?"
"Yan hirap sayo e hindi ka marunong makinig bago mo ako iniwan ."
"Makapagsalita ka ngayon Rye parang ako pa yung may kasalanan ng lahat ha ? Parang nakakalimutan mo na ikaw yung nagloko sa ating dalawa wag kang umasta na parang ikaw yung nasaktan ng todo ."
"Let me explai---"
"Hindi ko na kailangan nyan Rye umalis kana masaya na ako na wala ka pwede ba maging masaya ka nalang dun ?"
"Masaya ka ba talaga ?"
"Rye umalis kana ."
"Mag - usap tayo ,"pagpupumilit nya pa pero inutusan ko na ang secretary kong palabasin sya pero hindi maawat .
"Cha lunch tayo ."
"Lucas ,"sambit ko ng nadatnan nya kami ni Rye na pilit kong pinapaalis .
"Anong ginagawa mo dito ?"tanong nya kay Rye agad naman akong lumapit kay Lucas at hinawakan ang kamay nya para pakalmahin nakita nya noon na kung paano ako iyakan si Rye kaya ayaw ko ng magkagulo sila .
"Gusto ko lang makausap si Cha ,"saad ni Rye .
"Kung hindi ka nya kayang kausapin wag mo syang pilitin ang gago mo rin para magpakita sakanya umalis kana ."
"Please Rye umalis kana ,"pagmamakaawa ko sakanya na tumango naman ata agad lumabas nagpasalamat naman ako dahil nakinig sya .
"Okay kalang ba ?"tanong saken ni Lucas at tumango naman ako .
"Affected ka pa rin ba ?"Nabigla ako sa tanong nya hindi ko inaasahan na diretso sya magtanong hindi ko kayang sagutin dahil alam kong masasaktan sya binigyan ko sya ng chance tapos gaganituhin ko sya .
"Hindi wala na sya para sa akin Lucas wag kang mag - alala ,"saad ko sakanya na tumango naman sya sumunod nalang ako sakanya habang naglalakad sya para kumain kami gutom na ako kaya sumama nalang ako kahit alam kong hindi magiging maganda ito na ganito kami .
Wala kaming imik habang kumakain kami walang nagtatangkang magsalita diretso lang syang kumakain na parang sya lang ang nasa lamesa pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko .
Pagkatapos namin kumain hinatid nya agad ako sa office ko walang nangyaring pag - uusap sa amin natatakot ako sa anong iniisip nya pero nanahimik nalang ako dahil hindi ko alam paano ko sasabihin sakanya ang lahat na pinipilit ko naman na iwasan pero malupit ata ang tadhana sa akin .
"Huwag ka ng mag - isip ng kung ano dyan hindi ako galit ,"saad nya na napangiti naman ako agad ko syang niyakap napatawa naman sya sa akin dahil parang maiiyak na ako sa kanina pang walang link nya .
"Hindi naman kita matitiis e mahal kita tandaan mo yan ."
"Nakakainis ka talaga ,"palo ko sa balikat nya tawa sya ng tawa hindi ko alam ang bait nya akala ko galit nya sya pero ngayon tawa sya ng tawa parang walang nangyari kanina .
"Sge na wag kana umiyak dyan ang panget muna tuloy mukha kang aso ."
"Ewan ko sayong unggoy ka,"irap ko sakanya .
"Hatid kita mamaya una na ako may meeting pa ako sa isa kong client ,"tumango naman ako sakanya at hinalikan ako sa noo .
Masaya akong hindi nya ako natitiis kahit ganyan sya hindi nya ako sinukuan wala akong maitatago sakanya dahil nandyan sya lagi tuwing umiiyak ako kaya siguro diretso syang magtanong sa akin sobrang swerte ko sakanya .Hindi ko alam kung ano ang pinuputok ni Rye at hindi ako tinatantanan parang sya pa yung nasaktan saming dalawa iba rin ang pagiging pa victim nya .Inalis ko nalang sa isip ko yun at ginawa ang mga natitira kong trabaho para malibang .
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.