Iniwan ko na sa cafeteria ang Lucas na yun sigaw pa ng sigaw ng kung ano ano mukhang hindi pa talaga maayos ang kalagayan nila Seira pupuntahan ko nalang sya mamaya .
Umupo nalang sa upuan ko sa tabi ko walang nakaupo dahil upuan ni Seira lagi kami dapat magkasama nakakalungkot pala kapag mag - isa sana maging okay na si Ate Abby .
"Class we have new student ."
Nabaling ako sa tinutukoy ni ma'am na bagong kaklase namin at hindi nga ako nagkakamali sa hinala ko kung mamamalasin ka nga naman GAS department din pala ang ugok na to at classmate ko pa .
"Any vacant seat na mauupuan ni Lucas Avelino ?"Walang sumagot sa amin kaya luminga linga si ma'am sa amin at tinuro nya ang upuan ni Seira hindi sa bestfriend ko to hindi sya pwedeng umupo dito .
"Sa tabi ni Elizabeth,"inirapan ko sya habang umuupo siguradong kalbaryo ang dala nito .
Nagsimula na ulit sa maglecture si ma'am pero ang katabi ko kanina ko pa gustong sapakin ang kulit kulit kanina pa satsat ng satsat hindi ko nalang pinapansin .Hanggang sa lumabas si ma'am prente kong sinapak agad sya kainis kanina pa ako nagtitimpi baka mapalabas na naman ako .
"Aray ko naman Lene ang sadista mo naman."
"Bagay yan sayo para kang bulate napakalikot mo ."
'Banat ba yan ?para kang bulate waw ,"tawa tawa nya pang - asar akmang papaluin ko ulit ng biglang pumasok si babylove shet sya pala ang next subject .Mariin nya kaming tinitigan ni ni Lucas selos ata baby ko .
"Oy !"Hindi ko pinapansin si Lucas panay kalabit sa akin nakafocus ako sa baby ko .Ang galing nya sa pananalita parang maeengganyo ka talaga makinig kapag sya ang magtuturo.
"Lene yung laway mo,"binalingan ko naman sya ng masamang tingin kailan ba titigil ang lalaking ito .
"Ang gwapo nya diba?"
"Yang teacher natin tss mukhang unggoy ."Agad ko naman syang pinalo sa balikat sa dami ng lalaitin ang baby ko pa sya nga mukhang aso hindi ko pinagkakalat.
"Elizabeth and Mr. nagtuturo ako dito habang kayo naglalandian kayo jan pwede bang makinig muna kayo ?"agad naman kaming napatigil ni Lucas mukhang kailangan ko manuyo mamaya kasalanan naman kase ng asungot na to. Buong klase hindi ko nalang pinapansin ang pangungulit nya dahil si baby ko ang teacher namin baka mamaya masapak dito si Lucas .
Pagkatapos ng klase sumunod agad ako sa office ni Rye para magpaalam na mauuna muna ako dadalawin ko muna ang bestfriend ko .
"Wag ka ngang magselos dun ikaw ang love ,"panay pa rin ang panunuyo ko sakanya dahil kanina pa ako hindi pinapansin .
"Okay okay just avoid him ."
"Yes po opo Sir Rye ."
"Can you drop that sir ."
"Oo na sige mauuna na akong umuwi kailangan ko pang puntahan ang bestfriend ko e."
"Okay hatid na kita ?"
"Hindi na ako na ."
"Take care ,"lumabas na ako sa office nya dahil matatagalan pa ako panigurado.
BINABASA MO ANG
My Professor
RomanceA love story between a student and teacher. Titimbangin kung kaya ba nila ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit bawal ang magkaron ng relasyon ang isang estudyante at guro.