Tiwala. (Fiducia)
Huli na nang maalala ko na bihag pala ako ng mga rebeldeng nagkakasiyahan sa labas nitong maliit na barong-barong. Pinilit kong makabangon mula sa papag na hinihigaan ko na may dalawang dangkal ang taas mula sa lupa at mukang bagong gawa lang ang barong-barong dahil sa sariwa pa ang mga pinagpatong-patong na dahon ng niyog na ginawang bubong. Wala rin itong pinto at mapapayat na kawayan ang nakapalibot at may pagitan na maliit na espasyo kaya makikita mo kung ano ang nasa labas, maliban dito sa may papag na pinagtagpi-tagping dahon ng niyog na ginawang dingding.
Kahit na ginagapang ako ng matinding kaba at takot ay pinilit ko pa ring kalagan ang mga kamay ko na mahigpit na nakagapos ng may kalakihang lubid maging ang mga paa ko na magka-hiwalay na nakatali! Kinakagat ko ang lubid kahit alam kong hindi iyon mapipigtas, ang paglandas ng mga luha ko ay hindi na rin maawat.
"Pinuno, may mga awtoridad na pong dumating sa Casa Tranquillo kaya nahirapan na kaming sunugin lahat ng bahay."
"Pabalik na rin po ang iba pa nating kasamahan."
Imbes na ipagpatuloy ko ang pagkalag sa lubid na nakatali sa kamay ko ay mas naintriga ako sa mga pinag-uusapan ng mga rebelde sa labas. Inilapit ko ang mukha ko sa gilid ng papag at hinawi ko ang mga pinagtagpi-tagping dahon ng niyog para makita ko ang labas nitong barong-barong.
Madilim pa sa labas pero dahil sa may maliit na apoy na nasa gitna ng grupo ng mga armadong kalalakihan ay nakikita ko ang bawat kilos nila. Hindi ko lang makita ang tinatawag nilang pinuno dahil nahaharangan ng isang lalaki ang mukha nito, ang mga puting maskara ay nagkalat sa lupa at 'yung iba ay nasa ibabaw naman ng ulo ng ibang rebelde.
"Itay, dapat hinayaan niyo na lang ako na patayin ang hambog na Primo na 'yun!"
Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ang boses nang nagsalita!
"Huwag ho kayong mag-aalala dahil sigurado naman ako na ilang beses kong natamaan ng baril at saksak ang hambog na 'yun!"
Tila nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabe ng isa sa mga rebelde! Anong ginawa niya kay Señorito Primo?! Mas lalong lang sumidhi ang tahimik kong pag-iyak dahil sa narinig ko.
"Huh! Hayop na 'yun, ang lakas ng loob na banggain ako! Wala rin namang binatbat katulad ng walang kwenta niyang ama! Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Maximilian at Lady Prima!"
Napuno ng tawanan ang mga rebelde habang ako ay naguguluhan sa mga naririnig ko! Bakit nadamay si Señorito Maximilian at ang kakambal ni Señorito Primo na si Lady Giada Prima?!
"Buong pamilya sana ang namatay kaso nakaligtas pa ang mag-ina mula sa pananambang natin noon."
Natuptop ko ang bibig ko dahil sa mga naririnig ko! Isang bagay lang ang napapagtagpi-tagpi ko ngayon. Ang pagkahulog sa bangin ng sinasakyan noon nina Señorito Primo ay hindi aksidente dahil sinadya iyon! At noon paman ay talagang may mga rebelde na dito sa Casa Bel Palazzo!
"Uubusin natin ang lahi ng mga De Lucio para maibalik sa'tin ang lupang kinamkam nila noon! Tayo ang nauna dito sa lugar na 'to! Tayo ang dapat namumuno sa Casa Bel Palazzo hindi ang mga De Lucio!"
Ang boses na iyon! Kilalang-kilala ko ang boses na 'yun!
"Mabuhay si pinuno!"
Sigaw ng isang rebelde na itinaas pa sa ere ang hawak nitong mahabang armas na baril.
"Mabuhay!"
"Mabuhay!"
"Mabuhay!"
Isinisigaw ng mga rebelde habang itinataas sa ere ang kanilang mga armas. Hanggang sa gumilid ang lalaking nakaharang at halos malaglag ang aking panga kung sino ang pinupuri nilang Pinuno!
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomanceUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...