Chapter 32

3K 91 3
                                    

Bangungot. (Incubo)

"WALA AKONG KARAPATAN NA MAGMAHAL NG ISANG SEÑORITO!"

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko! Dapat noon pa man ay alam kona na wala talaga akong karapatan na mahalin ang lalaking kagaya niya.

Dahil kahit anong magarang damit ang suotin ko, kahit palamutian pa ako ng mga kumikinang na mga alahas, kahit nakahiga pa ako sa malambot na kama at nanunuluyan sa malaking mansion hinding-hindi pa rin magbabago kung saan talaga ako nanggaling.

Dahil sa mga mata nila, sa mga mata niya, isa pa rin akong mendicante, isang di-hamak na pulubi.

"When our worlds collide and when my heart decide, darling.."

Pinilit kong pumasok sa mundo mo, pero halos mawasak at madurog lang ang puso ko, gumuho rin ang mundo ko.

Kailan ba magiging patas ang mundo?! Yung akala mo ay maayos na ang lahat na akala mo ay pumapabor na lahat sa'yo.

Sino ba talaga dapat ang sisihin sa tuwing nabibigo tayo?

Ang tadhana ba dahil isinulat na nito ang mga kabiguan natin?

O tayo mismo dahil hinayaan nating mag-desisyon ang tadhana para sa'tin?

Pero isang bagay lang ang dapat nating gawin sa tuwing nabibigo tayo at 'yun ay ang magpatuloy kahit bakas pa ang delubyo ng kahapon.

Hinayaang ko lang na lumandas ang mga luha ko habang nasa likod ako ng police mobile at nananatiling naka-posas ang mga kamay. Dadalhin ako ngayon sa karsero ng munisipyo kung saan pansamantalang ikinukulong ang mga nagkasala sa batas dito sa Casa Bel Palazzo.

Masakit.

Walang katumbas na sakit ang nararamdaman ko ngayon. Walang salita o tawag sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas gugustuhin ko pang masaksak o mabaril na lang keysa maramdaman ko ang sakit na ito  kagaya ng nararamdaman ko ngayon.

Mas pipiliin ko pang masaktan pisikal dahil alam kong maghihilom iyon, hindi katulad sa sakit na naka-ukit na sa puso ko dahil alam ko na kahit maghilom iyon nandon pa rin ang marka na dadalhin ko habang nabubuhay ako.

Ang sakit ay kakambal na ng pag-ibig. Ang sakit din ay nagpapabago sa isang tao.

At minsan ang sakit ay...

Nakakamatay!

Nakakamatay ng paniniwala at pananaw.

Naramdaman ko na tumigil na ang police mobile, marahil ay nandito na kami sa munisipyo. Inalalayan ako ng mga kawal at pulis pagkababa ko ng sasakyan at hinaharangan din nila ang mga taong nagpupumilit na lapitan ako.

"Kamatayan ang dapat iparusa sa'yo!"

"Mamamatay tao!"

"Kriminal! Dapat sa'yo ay tinutorture hanggang sa mamatay!"

"Wala kang utang na loob sa mga De Lucio!"

"Marami ang namatay at nawalan ng tirahan dahil sa inyong mag-ama! Mga hayop kayo!"

"Mamatay kana!"

Mga isinisigaw ng mga taong punong-puno ng galit para sa'kin. Sana nga ay namatay na lang ako dahil wala naman ng saysay pa ang buhay ko ngayon.

"Ahh!"

Daing ko matapos kong maramdaman ang matinding pagkahilo kasunod ang pagtulo ng dugo mula sa aking noo!

"Sino ang nambato?!"

Rinig kong sigaw ni manong Mario na inalalayan agad ako dahil muntikan na akong matumba.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon