"Matalik na magkaibigan si Señorito Maximilian at si mayor Enrico noon. Simula bata palang, nang ipanganak ni Señora Laura si Señorito Maximilian ay nandito na rin sa mansion si mayor Enrico, siguro mga nasa limang taong gulang ito noon." Kuwento ni nanay Carlotta sa 'kin habang tinutulungan ako sa pag-iimpake ng mga damit na dadalhin ko sa Maynila.
"Talaga po?" Hindi makapaniwalang saad ko habang tinutupi ang bistida.
"Ulila na sa magulang si mayor Enrico at ligaw na bata lang ito rito sa Casa Bel Palazzo. Nakita lang ito noon nina Señora Laura at Señor Freigo na pagala-gala sa loob ng gubat kaya inampon nila. Sobrang bait at maalalahanin na bata noon si mayor Enrico at magkasundong-magkasundo sila ni Señorito Maximilian, laging magkasama at sabay na ngangabayo para lang mag-ikot sa buong Casa Bel Palazzo. Pero matapos mamatay ng Señora Laura sa hindi matukoy na sakit at kinuha naman ng mga magulang ni Señor Freigo si Señorito Maximilian at ang naging pamilya nito para dalhin sa Italia ay umalis na rin dito sa mansion si mayor Enrico para maghanap ng trabaho sa ibang lugar at nang bumalik ito rito sa Casa Bel Palazzo ay asensado at pamilyado na. Tumakbo rin ito bilang mayor at nanalo naman sa awa ng Diyos. Sobrang abala lang ito sa munisipyo kaya hindi na nakakadalaw rito sa mansion." Salaysay ni nanay Carlotta kaya mas naintindihan ko na ang sinabi kahapon ni mayor Enrico tungkol sa pagiging matalik na magkaibigan nila ng ama ni Señorito Primo.
"May galit po ba sa mga De Lucio si mayor Enrico?" Nilingon ako ni nanay Carlotta at umiling ito.
"Wala. Wala akong natatandaan. Sobrang bait ni mayor Enrico at may tinatanaw itong malaking utang na loob sa mga De Lucio lalong-lalo na kay Señor Freigo at Señora Laura. Bakit mo na itanong?" Balik na tanong ni nanay Carlotta.
"Wala naman po." Saad ko habang isinasara ang maleta.
"Salamat po nanay Carlotta sa tulong niyo sa pag-iimpake. Mag-iingat po kayo ni Señor Freigo habang wala kami."
Ngumiti naman si nanay Carlotta at hinawakan ang magkabilang braso ko."Ikaw ang mag-iingat sa Maynila lalo pa't kayong dalawa lang ng Señorito ang laging magsasama sa loob nang ilang araw. Mapusok pa naman ang damdamin mo, baka hindi mo namamalayan na isinusuko mo na pala ang iyong sarili sa kaniya."
"Hindi po!" Nahihiya kong saad dahil sa sinabi ni nanay Carlotta.
"Naku hija, 'wag ka nang tumulad sa akin na tumandang dalaga." Tumawa si nanay Carlotta bago ako nito niyakap at sinabayan pababa ng hagdan.
"Mauna na po kami Señor Freigo." Nagmano muna ako kay Señor Freigo bago lumabas ng mansion at pumasok sa van na naghihintay sa amin sa labas.
"Señorito Primo, 'wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa iyo." Nagtunog panunudyo ang boses ng Señor habang nakangiti ito kay Señorito Primo.
"Nonno!" Giit naman ni Señorito Primo na tila nakuha nito ang punto ng kaniyang lolo bago ito pumasok sa loob ng van.
May dalawang bodyguard sa unahan ng van at 'yong isa ang nagmamaneho. Hindi lang ito basta van sa tingin ko dahil puwedeng gawing kama ang inuupuan namin habang pula ang carpet nito at may maliit na TV din sa loob.
"Schedule?" Nakapikit na tanong ni Señorito Primo habang nakasandal sa malambot na malapad na upuan. Naramdaman ko ang pag-andar ng van kaya inilabas ko na rin ang laptop at ipinatong iyon sa hita ko.
"Day 1, lunch meeting with CEO Marquez of Winecor International and Mr. Zamonte of Wine Estate company."
"Who are they?" Nilingon ko si Señorito Primo na nakapikit pa rin. Sinabi niya kasi sa akin na dapat daw ay kilala ko ang mga taong makakasalamuha namin sa mga meeting at event.
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomanceUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...